Sisters

2.2K 53 0
                                    

Lisa's POV

Alas kwatro na ako nagising dahil kailangan 8:00 nakarating na kami sa pupuntahang school. Isang pang rason bakit medyo inagahan ko ang gising ay para makapag-jogging na din at makapagluto ng breakfast para sa amin ni Seulgi.

Nakabihis na ako ng hoodie at shorts lang dahil malamig kapag "ber" months dito sa Baguio. Hindi ko na din ginising pa si Seul dahil napuyat nanaman ata yun kakalaro o sa pagcheck ng mga emails niya para sa trabaho.

Bago lumabas tinignan ko muna ang mga pusa ko kung gising na din ba pero mukhang hindi pa nga. Nagsuot na din ako ng earset at nagsimula sa pagtakbo.

Madami din akong kasabay sa pagtakbo, karamihan turista at may mangilan ngilan na locals. May mga nagwawalis sa side walk at naglilinis ng mga kalat dahil hindi maitatangging dinarayo naman talaga ang Burnham Park. Meron na din nag-iikot para magtinda ng taho, isa sa paborito ko lalo na kapag strawberry flavor.

Medyo huminto muna ako at tumingin sa relo ko. 5:20 na pala at isang oras na akong tumatakbo. Naglakad-lakad na lang muna ako para maghanap ng bilihan ng tubig at makabili na din ng strawberry taho.

Sakto nakakita ako ng store at nakabili na din ng tubig, swerte pa at narinig ko ang sigaw ni manong na nagtitinda ng taho.

"Manong! dito po." agad kong sigaw at lumapit naman siya sa akin.
"Manong dalawang twenty pesos po. Isang strawberry at regular." sabay ngiti kay manong.

Inabot na niya ang dalawang taho at inabot ko na din ang bayad ko sabay nagpasalamat. Buti na lang at may upuuan dito sa store para naman hindi ako magmukhang tanga na sumisipsip ng taho sa daan. 10 minuto lang ay napagpasyahan ko nang umuwi para makapagluto na din.

Nakaluto na ako ng breakfast at hindi pa din gising si Seul kaya naligo muna ako at pinakain ang mga pusa.

Nakaligo at bihis na din ako ng simpleng shirt at jeans mula sa Penshoppe, kinuha ko na din yung relo na niregalo ni mama at nagsimulang maglagay ng powder sa mukha.

Bago bumaba ay kinatok ko muna si Seul at sakto naman na lumabas na siya na nakahilamos na.

"Goodmorning" bati ko at bumati din naman siya pabalik at naunang bumaba.

"Ikaw maghuhugas ng pinagkainan, ako na nagluto swerte mo na kapag ako pa din nagligpit at naghugas." sabi ko sa katabi kong sarap na sarap sa pagkain na akala mo naman ay hindi nakakain ng itlog at bacon sa buong buhay niya.

"Oo na, tumahimik ka jan." punong puno pa ang bibig niya habang nagsasalita at tumatalsik na yung mga kanin. Kadiri talaga ito minsan.

"Bahala ka jan. Ikaw na bahala dito maaga pa kami sa pupuntahang school e." nakita ko kasing 7:20 na at baka malate ako. Tumango na lang siya at nagpatuloy sa pagkain habang ako naman ay tumayo at nagpunta sa kwarto para magtoothbrush.

"Hoy! ilock mo itong apartment pag-alis." bilin ko pa sa kanya sabay kuha sa susi ng sasaykan ko sa counter. Tinaas niya lang naman niya ako ng middle fingger niya bilang tugon. Natawa na lang ako sa kanya habang palabas ng bahay.

Pagkatapos kong ikinabit ang seatbelt ay kinuha ko ang phone sa bulsa at nakita ko ang text ni Irene na naglalaman ng pangalan ng school na pupuntahan namin, Princeton United ang nakalagay. Pinaandar ko na ang kotse dahil mga malapit nang mag-alas otso at papagalitan nanaman ako kapag late.

Mabuti na lang at medyo malapit itong school, 7:59 nakarating na ako gate at mukhang magsisimula na ang flag ceremony nila. Nakita ko din si Irene kasama yung tatlong workmate at kaibigan din namin na sina V, Jimin at Jungkook. Mukhang naiwan yung mga seniors namin sa clinic.

Ilang minuto pa at natapos na din ang pagkanta nila at panunumpa dahil nakita ko na silang pumapasok sa kani-kanilang classroom. Natatawa na lang ako dahil nakikita ko kung paano sila magtulakan para lang mauna. Ibinaling ko ang tingin sa mga kasamahan kong palapit sa akin.

Animal DoctorWhere stories live. Discover now