Decision

1.1K 37 9
                                    

Lisa's POV

Ngayon ay nandito ulit ako sa syudad para bisitahin ang mga dati kasamahan at mga kaibigan sa dati kong workplace.

"Wow, mabuti naman naisipan mo nang manligaw. Galingan mo sa panliligaw Manoban. Kung may maitutulong kami pwede mo kaming tawagan." Tinapik pa ako sa balikat ni RM at tumango si Jimin at V. Sila na lang kasi ang naiwan dahil umalis na din ang iba tapos mga bagong kasamahan na ang nandito.

Sinabi ko sa kanila ang balak ko at suportado naman nila ako. Magpapaalam na din ako dahil kikitain ko si Seulgi at sabay kaming magla-lunch.

"Salamat sa support guys. Padadalhan ko kayo minsan ng foods para naman makabawi ako sa inyo." Lumabas kasi sila noong summer at inaya nila ako pero hindi ako nakasama dahil may seminar ako.

"It's okay. Invite mo na lang kami sa wedding niyo." Ngumiti lang ako sa nasabi ni V. Sana nga umabot kami doon.

Pagkalabas ko sa clinic ay agad kong tinawagan si Seulgi na magkikita na lang kami sa Mang Inasal at sabi niya orderan ko na lang muna siya. Ang dami niyang order, unli rice na nga tapos may mga halo-halo at leche flan pa siya.

Matapos maka-order ng mga pagkain ay naka-upo na ako at hinihintay na lang siya. Iniisip ko kung ano ang mga gagawin ko.

"Hey, sorry medyo late. May tinapos lang kasi akong paperworks." Dumating na pala siya at agad na nagtungo sa lababo para maghugas ng kamay.

"So tell me, bakit ka nakipagkita?" Kumakain pa lang kami tapos nagtanong na siya.

"Kumain ka na nga muna. Pwede naman na mamaya ko sabihin." Ngumunguya pa kasi siya habang nagsasalita.

Mabuti naman at sumunod siya kaya nilantakan niya na lang ang mga pagkain niya. Maging ako rin ay matiwasay na kumakain.

"Okay, tapos na tayong kumain, pwede ka na magsalita." Turan niya habang pinapapak ang halo-halo niya.
Ako naman ay nagpunas muna ng bibig saka uminom muna ng tubig.

"I some advice Seul. Sinabi ko kay Jennie na manliligaw ako sa kanya pero hindi pa ako nagsisimula. I need some of your opinion and advice." Nagulat siya sa sinabi ko dahil muntik pa siyang mabilaukan pero naagapan niya naman agad.

"Finally. Kaya naman pala kinuha mo ang number ni Jennie kay Irene e. Well, wala naman akong masyadong maipapayo sa'yo dahil alam kong alam mo ang ginagawa mo." Tumigil muna siya sa pagsasalita at muling sumubo ng halo-halo.

"Alam mo naman kung saan kami nagsimula ni Irene 'di ba? Noong unang subok ko palpak, wala sa timing at walang diskarte. Akala ko kasi dati madali siyang suyuin pero I was so wrong. Pinanindigan niya ang sinabi niya na priority niya muna si Trei at wala pa siyang balak pumasok sa isang relasyon."

"So anong nangyari?" Pabitin pa kasi. Well, alam ko naman ang simula nila pero madalang siyang magkwento sa akin noong nasa ibang bansa na ako.

"Ayon na nga medyo lumayo muna ako tapos noong umalis ka hindi na ako nagpupunta sa clinic. Hindi na ako nagpupunta sa bahay nila at work na lang ang pinagtuunan ko ng pansin, nakikipag-date minsan pero that's it. Many months later akalain mo nagkita ulit kami dahil muntik na siyang mahold-up mabuti na lang rumoronda kami. She was thankful na inimbita niya ako sa bahay nila the next day. After that we get to know each other more then went on a date, minsan kasama si Trei hanggang sa nanligaw na ako. I was overjoyed noong pumayag siya hanggang sa naging kami tapos pinakasalan ko na siya then boom we have Sam." She's smiling habang nagkwe-kwento. I'm happy for her, for them kasi nagkatuluyan sila.

"Tutuloy pa rin ba ako? Sa tingin mo hindi siya handa sa relationship at kay Jade muna siya naka-focus?" I'm having a second thought. Baka naman kasi ayaw niya at eto ako nangungulit.

Animal DoctorDonde viven las historias. Descúbrelo ahora