Awkwardness

999 30 0
                                    

Lisa's POV

Nandito na kami kung saan sina Jennie. Naka-order na din sila pagdating namin.

"Mommy look, I have a cat now." Pagmamalaki ng bata sa nanay niya na ngumiti lang.

"It's cute. Did you say thank you?" Tumango-tango lang ang bata saka ngumiti ulit.

"Okay. Please put it down so you can eat now." Sabi naman ni Ella at muling kumuha ng pizza slice.

May pizza silang inorder at may mga carbonara din tapos drinks. Habang kumakain ay napapatingin ako minsan kay Jennie. Walang nagbago sa physical features niya, mas nagmature pa siya ngayon. A hot mommy indeed. Inaasikaso niya si Jade dahil nagkalat ang sauce sa bibig niya dahil subo lang siya ng subo. What a cutie.

Kinabahan pa ako ng todo dahil habang tinitignan ko siya ay bigla siyang tumingin sa akin. Mabuti na lang tumingin ako agad sa pagkain at sumubo. Ang weird naman kapag unang pagkikita namin for almost 6 years tapos makita niyang I'm checking her out. Absurd.

Matapos kumain ay inaantok na si Jade kaya ako na lang ang nagpresinta na magbuhat sa kanya. Maraming bitbit si Jennie kaya hindi niya mabubuhat ang anak niya at mas matatagalan lang kami kung maglalakad siya.

"Thank you but you don't have to." Sabi niya pero ngumiti lang ako.

Pagdating sa kotse ay pinauna ko muna si Ella sa backseat bago pinapasok si Jade.

"You can sleep now kiddo." Pinat ko pa siya sa ulo bago kinuha ang mga pinamili ni Jennie at nilagay sa trunk.

_____

"Sa bahay niyo?" Tumango lang siya bilang sagot. Malay ko ba kung bumukod na siya or sa condo nakatira.

Ang awkward talaga ng sitwasyon ngayon. It feels like we're back being strangers to each other.

Medyo binilisan ko na lang ang pagmamaneho para mas mabilis kaming nakarating sa bahay nila.

"Do you mind kung magpapatugtog ako?"

"Yeah. It's your car anyway."

Nagpatugtug na lang ulit ako at sumabay sa mga kanta pati din Ella kaya medyo nawala ang awkwardness.

Pagdating namin sa harap ng bahay nila ay nauna na siyang bumaba at binuhat ang anak niya na kanina pa nakatulog.

"Ella please get the bags ang Lisa thank you sa paghahatid." Nauna na din siyang pumasok.

"It's okay Ella. Ako na magdadala sa mga pinamili niyo." Sabi ko at kinuha ang mga bags saka kami nagsabay pumasok.

Agad namang sumalubong sa amin si tita na nagulat pa ata dahil nandito ako.

"Hello po tita." Bumati na din muna ako.

Hindi naman ako awkward kay tita dahil hinahatid ko dito si Ella minsan kapag galing kaming park kasama si Trei.

"Hi. Matagal kang hindi nakadalaw at hindi ko nasabing uuwi si Jennie."

Sumunod kami ni Ella sa kanya hanggang sa nakarating kami sa sala bago ko nilapag ang mga bags. Nakita ko din si Kuma na natutulog sa sleeping mat niya.

"Pasensya na po tita medyo busy lang po. Nagulat nga po ako kanina nandon din sila kina Irene." Sumenyas pa siya na maupo muna kaya hindi ko na tinanggihan. Si Ella naman nagpaalam na magbibihis lang.

"She's staying for good you know." So dito na pala siya for good.

"Mabuti naman po kung ganon. Sige po tita una na ako." Paalam ko dahil ihinatid ko lang naman sila.

Animal DoctorWhere stories live. Discover now