Invitation

1K 30 2
                                    

Lisa's POV

After namin mag-La Union ay naging close kami lalo ni Jennie dahil lagi ko siyang minemessage kapag may time ako. Minsan tinatawagan din niya ako dahil nangungulit sila Ella na gusto niya makipaglaro sa akin.

Si Seulgi naman madalas na din dumalaw sa amin kapag lunch at every Tuesday siya naghahatid kay Irene pauwi.

"Masaya ka ata?" Hindi ko napansin na nandito na pala si J-Hope.

"Goodmorning Doc, lagi naman akong masaya."

"Goodmorning din. Siya nga pala sabi ni RM sa akin magmemeeting tayo mamaya dahil tungkol ata sa Christmas outing namin." Every December kasi lumalabas kami para na din daw makapag-bonding ayon sa boss RM namin.

"Talaga? Gusto ko out of the country naman." Kapag outing talaga nabubuhay si Jungkook.

"Ikaw na nga itong pupunta sa ibang e." Sabi naman ni J-Hope dito. Aalis na kasi siya sa January papuntang Autralia para doon na magtrabaho. Ako naman pinag-iisipan ko pa at hindi ko pa nasasabi kay Mama.

"Huwag ka na malungkot, magpapadespedida ako bago umalis." Natatawa niyang sabi dumeretso sa table niya.

Maaga pa naman kaya naisipan kong itext muna si Jennie at ayain siyang maglunch.

Me: Lunch?

Jennie: Sure.

Ganyan lang ang palitan namin ng mga messages tuwing umaga pero mahaba haba na kapag gabi. Ang tipid niya kasi magreply, ang bagal pa kaya tinatawagan ko na lang. Hindi ata uso sa kanya ang unlitext pero kapag DM naman naseseen pa rin ako.

"Magsisimula na ang meeting." Nandito na din si Irene kaya sabay na kaming apat nila J-Hope at Jungkook nagtungo sa office ni RM.

"Goodmorning Doc." Bati naming apat sa kanya at pati na rin kay Jin at Suga. Nauna na din pala sina V at Jimin dito.

"Goodmorning sa inyong lahat. Alam niyo naman siguro kung anong agenda natin for today." Lahat naman kami tumango.
"So any suggestion kung saan tayo pupunta? No out of the country muna." Mukhang inunahan na niya si Jungkook sa kung ano man ang isusuggest nito.

"We've been to Siargao, Baler, Boracay and Cebu so why not Batangas para Tagaytay na din?" Suggest ni Jimin. Hindi ko nga din alam kung bakit inuna pa naman ang malalayong lugar kaysa Tagaytay.

"Nice suggestion. Meron pa ba?" Mukhang okay silang lahat sa suggestion kaya automatic doon na ang out of town namin.

"Okay, update me ulit kung may isasama kayo." Actually dapat isasama ko si Seulgi last year pero nag-out of the country siya. Iniisip ko kung isasama ko ba si Jennie o hindi.

Lumabas na kaming lahat sa office ni RM at nagsimula sa kanya-kanyang duty. Wala naman akong masyadong gagawin ngayon kung hindi check-ups lang tapos magvavaccine.

Mabilis lumipas ang oras kaya naman lunch na agad pagtingin ko sa relo ko. Agad din akong nagpaalam sa kanila na sa labas ako kakain dahil nga inaya ko si Jennie.

Pagdating ko sa parking ng school ay nakita ko na agad siya pero wala siyang kasama. Lumabas din ako para pagbuksan siya ng pinto. Walang malisya dahil pati naman si Irene ay pinagbubuksan ko pati si mama.

"Asan si Ella?" Tanong ko pagkaupo sa driver's seat at ikinakabit ang seatbelt.

"She's with Al." Simpleng sabi niya kaya tumango lang ako.

"Where do you wanna eat?" Sympre tatanungin ko baka kapag dinala ko siya sa Jolibee ayaw niya naman pala.

"Kahit saan basta malapit lang." Nagdecide na lang ako na dalhin siya sa restaurant ni daddy, sana lang wala siya. Nagplay din muna ako ng kanta para hindi boring ang biyahe.

Animal DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon