Playtime

1K 39 3
                                    

Lisa's POV

Kanina pa kami naglalaro dito sa arcade. Sinubukan niya ang ilang rides pambata. Ako naman sa car racing habang pinapanood niya ako dahil hindi pa niya abot ng mga pedals kaya hindi ko na siya tinuruan. Itinuro ko na lang sa kanya paano maglaro ng mortal combat para duo na lang kami. Mabilis naman niyang natutunan dahil controller at ilang keys lang naman ang pinipindot.

Ngayon naman nandito na kami sa basketball. Mabuti na lang walang masyadong tao ngayon kaya hindi jam-packed dito. Nanonood lang siya habang pumapalakpak. Hindi siya pwedeng mag-basketball dahil masyadong mabigat ang bola para sa kanya pero mamaya sa basketball na pambata ko siya dadalhin.

"Okay. It's your turn, you just need to shoot the ball inside the ring as many as you can. After that we'll collect tickets that will come out so we can exchange it. Marami na kaming ticket pero kulang pa din. Naintindihan niya naman ang sinabi ko kaya inihulog ko na ang dalawang token.

Matapos ang ilang minuto ay natapos na ang laro at 2 rounds lang siya. She did good para sa isang first timer. Sinabi niya sa akin na hindi pa siya nakapaglaro dahil ayaw ni Jennie. Hindi kasi siya mahilig sa mga sports.

"Do you want to play more or we'll exchange it now?" Pagod na siya kaya umupo muna kami at pinunasan ko na din muna siya sa mukha at sa likod. Mabuti na lang may extra towel ako sa kotse na laging dala para pamunas.

"I'm hungry na po. Let's exchange it now please." Tumingin ako sa relo ko at 4 o'clock na pala. Shit.

Binuhat ko na siya patungo sa cashier na mukhang kinikilig pa.

"What do you want?" Tanong ko sa batang buhat ngayon at itinuro niya ang isang maliit stuffed toy na pusa.

Sobra ang ticket na ibinigay ko sa cashier kaya hindi na siya nagbilang at ibigay agad sa bata ang laruan.

"Thank you po." Pasalamat ng bata sa cashier tapos ngumiti na lang ito.

Paglabas namin ay pumunta agad kami sa Jollibee para kumuha ng burger at fries para sa kanya tapos isang pineapple drink.

"You can eat that inside the car." Sabi ko sabay bigay sa kanya sa pagkain niya.

Pagdating namin sa kotse ay nag-vibrate ang phone ko. Si Jisoo pala at ang dami na din niyang text.

: Oo na. Papunta na kami jan. Hindi lang namin namalayan ang oras. Bungad ko sa kanya pero mukhang hindi siya ang kausap ko.

:Bring her back now.
Shocks si Jennie ang nagsalita. Hindi ko alam kung galit siya pero may diin ang bawal salita niya.

:Ah. Oo papunta na kami.
Ngumiti lang ako kay Jade na nakatingin sa akin habang kinakain ang burger niya. Lagot ako sa nanay niya.

Medyo binilisan ko na ang pagmamaneho para makarating kami agad sa opisina ni Jisoo at nasa parking pa lang ako ay tanaw ko na si Jennie kasama si Jisoo sa tabi niya.

Agad na lumabas ang bata sa backseat para yumakap sa nanay niya habang ako ay patuloy na nagdarasal para sa kaligtasan ko. Kasalanan ito ni Jisoo, bakit ba naman kasi sa akin pa iniwan ang bata.

"Pasensya na Jennie. Na-engganyo kasi kami sa paglalaro kaya hindi ko namalayan na lampas alas kwatro na pala." Nahihiyang sabi ko paglabas sa kotse.

Nakatingin lang siya sa akin. Walang reaksyon man lang tapos muling tumingin sa anak.

"Let's go baby. Say goodbye to tata and to Lisa." Utos niya sa anak na nakayakap sa baywang niya.

"Sorry na Jennie. Busy lang talaga ako noong tumawag si tita."

Animal DoctorWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu