New Friend

1K 29 3
                                    

Lisa's POV

Nauna na ang mga bata sa van at nagpahuli kami ni Seulgi dahil hinihintay muna namin si Byul na kumuha lang ng wallet.

"Ikaw na muna magdrive Lisa" bigay pa ni Seulgi sa akin ng susi at pumasok na din sa passenger seat.

"Tara na" dumating na din si Byul tapos pumasok sa van. Unang kita ko sa kanya intimidating ang awra niya siguro dahil na din isa siyang lawyer.

"Lisa, pagkatapos natin mamalengke daan din muna tayo sa isang flower shop" nagtataka naman ako kay Byul kung bakit pa kami pupunta sa flower shop.

"Al, can you help me later?" tanong niya pa sa anak na busy sa pakikipagkulitan sa dalawa pang bata.

"Help?" nagtataka pang tanong ng anak niya.

"I planning to suprise your mommy so I need your help." tumango naman ang bata at mukhang gets kung ano ang sinasabi niya.

"Will you help me also?" masaya naman na tumugon din ang dalawang bata dahil kasali sila sa plano.

"Pwede din naman kami tumulong kung may kailangan ka pa." nagvolunteer pa si Seulgi pero mukhang masaya naman kasi ang gagawin niyang surprise.

"Really? Thank you. I'll tell the plan later. Gusto ko lang din kasi bumawi sa asawa ko dahil naging busy ako sa work kaya pati sila ni Al hindi ko nabigyan ng attention." ang sweet nila sa totoo lang.

"You really need to make bawi to us kasi nagtatampo ako tapos hindi mo na din kami sinasamahan ni mommy kapag movie time at baking time natin." turan ni Al na nakanguso pa pero yumakap sa mama niya.

"I'm sorry baby naging busy lang ako pero sasamahan ko na kayo ni mommy kapag bonding time. Mama will make time para sa inyong dalawa and we'll play football kapag may time." inaalo na niya ang bata dahil naiiyak na ito.

"I love you mama"
"I love you too baby and love ko din mommy mo"

Nakakainggit naman talaga pati itong katabi mukhang naiinggit din.

"Okay, I have the list na binigay ni Solar, para mabilis hiwalay tayong tatlo. Seugi isama mo si Trei sa pagbili ng vegetables and fruits, Lisa with Ella kayo na lang sa mga karne at kami ni Al ang bahala sa mga seafoods." binigay na din niya sa amin ang listahan pati na din pera.

"I'll carry you na lang kasi medyo madaming tao at medyo basa ang floor, okay?" ayoko din naman na maglakad siya kasi baka mahila ko lang din dahil nga bata at maliliit ang hakbang.

"Okay po" magaan lang naman siya kaya walang masyadong problema.

Matapos namin makabili ng mga karne ay bumili din muna ako ng ice cream para sa amin. "Ber" months na pero grabe ang init dito sa La Union, maliligo ka talaga sa pawis.

"Ella ano ang favorite ice cream ng ate mo?" naisipan ko na lang na magtanong dito sa kapatid niya para kapag inaya ko siyang lumabas alam ko ang bibilhin.

"Ate Jen likes milk ice cream po tapos ako cookies and cream" natawa ako kasi pati sarili niya sinali niya, ang cute lang.

"Bibili ulit tayo next time kasi bawal kapag too much sweet" baka pagalitan pa ako ng kapatid niya kapag nalaman na pinakain ko ng madaming ice cream ito.

Hindi na ako nagtanong about kay Jennie kaya tinuruan ko na lang siyang mag-addition. Nakakatuwa talaga kasi nakikita kong ginagamit niya ang kanyang mga daliri na ang cute kaya naman hindi ko napigilan na picturan siya.

Dumating na din sina Seulgi at Trei dala ang mga gulay pati na din prutas.

"Pwede na hanggang pasko 'yang mga pinamili niyo dahil sa sobrang dami" asar ko sa kanya pero natawa lang siya. Ang dami naman kasi nilang binili.

Animal DoctorWhere stories live. Discover now