Talk

1.1K 40 16
                                    

Lisa's POV

Goodness ang sakit ng ulo ko. Mukhang napadami ang inom namin kagabi, ang dami naman kasi nilang kwento at tungkol pa sa mga lovelife nila.

Pagtingin ko sa relo ko 6:23 na pala. Amoy alak pa ako at yosi kadiri. Mabilis akong nagtungo sa banyo at agad na naghilamos at buti na lang may mga suppy si Seul na toothbrush kaya nagbukas na ako ng isa. Pagkatapos mag-ayos ay bumaba na ako.

"Hoy halika muna dito, inumin mo yan." turo ni Seulgi sa isang baso, mukhang lemon at honey ang laman kaya agad kong ininom para medyo mawala ang hangover.

Mataas kasi ang tolerance ni Seulgi sa alak kaya parang wala lang sa kanya. Iba talaga kapag lasinggera. Napapailing na lang ako sa iniisip ko.

Naramdaman ko na may nagwisik ng tubig sa mukha.
"Parang tanga jan. Tawagin mo na si Jisoo para makapag-breakfast na tayo." utos niya sa akin na agad ko din namang sinunod.

Pagkatapos namin kumain ay agad akong bumalik sa apartment ko at sinalubong naman ako ng mga alaga ko. Gutom nanaman sila kaya binigyan ko na din sila ng pagkain, nilabas ko na din ang mga dumi nila.

Malamig na tubig ang ipinangligo ko para mawala ang marefresh naman ako kasi pakiramdam ko parang naiwan yung alak sa sistema ko. Matapos maligo ay agad din akong nagbihis. Nagsuot na lang ako ng sweater at pinatungan ng coat. Nagjeans na din at nagsuot ng sapatos bago nagsuklay.

Matapos kong ayusin ang sarili ko ay kinuha ko na ang bag at phone ko pero kinuha ko muna yung helmet ko bago lumabas. Nagdecide ako na gamitin ang motor na gift ni dad sa akin kaya isinuot ko na ang helmet at umalis na din.

_________

Pag-park at pababa ko sa motor ay nakita ko naman si Jimin na palabas din mula sa kotse niya.

"Wow, ngayon mo lang ulit ginamit yang motor mo ah at mukhang kulang ka pa sa tulog." sabi niya at pinansin itinuro pa talaga ang mukha ko.

"Nagyaya kasi uminom si Seulgi kaya medyo may hangover pero kaya naman." saad ko din habang sabay na nag enter ng biometrics bago nagtungo sa office at bumati sa mga kasamahan din.

Nandito na din si Irene at mukhang naiinis habang naka-tingin sa phone.

"Are you okay?" tumingin naman siya sa akin at nagbaba ng phone.

"Yeah. Someone's just so annoying." sagot niya tapos nagsuot na din ng lab coat at lumabas.

Mukhang busy nanaman siya sa research niya at magdamag nanaman siyang tambay sa lab para sa mga experiments.

_____

Late na ako nakapag-lunch dahil may kinailangan pa akong operahan at medyo natagalan. Alas-una palang pero parang gusto ko nang umuwi at humilata na lang.

"Lisa, pwede mo ba akong samahan? Bibili lang tayo ng mga stocks kasi mukhang naubusan na tayo ng mga masks, gloves and others na kailangan sa lab." napatingin naman ako kay Irene na nakatayo pala sa pintuan pero hindi ko man lang napansin.

"Sure. We'll use your car muna kasi motor lang ang dala ko." umiling naman siya.

"Coding yung car ko kaya sumabay lang ako kay dad kanina. Hiniram ko na lang ang kotse ni Doc RM." binato niya pa sa akin yung susi.

Tumayo na ako at naunang lumabas kasi mukhang may kukunin pa siya.
Habang hinihintay ko siya ay naisipan kong tawagan si Seulgi.

"Bakit ka napatawag? May problema ba?" bungad na tanong niya.

Animal DoctorOù les histoires vivent. Découvrez maintenant