It's a Date

1K 35 0
                                    


Lisa's POV

Masaya ako ngayon dahil nakapag-usap at nakapagpaalam na ako sa officially sa parents ni Jennie kasama ko din sina mama at dad kanina. Maayos naman ang naging pag-uusap pero may mga paalala si tito sa akin. Naiintindihan ko siya dahil nais lang naman niyang mapabuti ang anak at apo niya.

Naibigay ko na rin ang aking regalo kay Jade at nagustuhan naman niyo ito. Binigyan ko na din siya mga cat food, bowl, treats at mga toys para hindi na sila pumunta pa sa pet shop para lang bumili.

"Iba naman talaga ang galawang Manoban." Pang-aasar sa akin ni Byul kaya natawa ang mga kasamahan namin. Napa-iling na lamang ako sa kanila.

"Dapat magpa-inom ka minsan para ma-celebrate natin ang achievement mo." Suhestiyon naman ni Seulgi na ikinatango ng iba.

"Sige sige susubukan ko kayong ipaalam sa mga asawa niyo." Matagal na din kasi akong hindi umiinom sa labas dahil wala naman akong kasama.

Kailangan ko pa silang ipagpaalam sa mga asawa nila dahil baka hindi sila payagan. Lalo na itong si Seulgi dahil ayaw ni Irene na umiinom ang asawa niya sa labas kung pwede naman sa loob na lang siya ng bahay nila uminom.

Nagtuloy pa ang usapan namin hanggang sa naunang nagpaalam si RM na sinundan ni V at Jimin dahil alas tres na din pala ng hapon. Tumingin ako kay Jennie na nakaupo sa kabilang table at nakatingin lang sa kawalan.

"Hoy Lisa baka matunaw 'yang pinsan ko, kanina mo pa siya tinititigan." Panira talaga minsan itong si Jisoo. Nakitable siya kanina sa amin dahil boring daw sa kabila. Sina Seulgi naman at Byul natawa lang.

Hindi ko na lang pinatulan ang pang-aasar nila dahil nakita kong palapit si Sirius sa amin. Kahawig niya si Solar at medyo mahaba na ang buhok niya dahil hindi pa ata nila pinapagupitan simula noong ipinanganak siya.

"I'm tired mama." Agad niyang sabi kay Byul tapos hinimas ang ulo ng anak.

"You played a lot but it's okay maybe nangnang can carry you for now." Tumingin pa siya sa akin tapos ang lapad ng ngiti. Kinuha nila akong ninang noong binyag ng anak nila kaya nangnang ang tawag sa akin ng anak nila.

"Nangnang carry please." Naka-ngiti akong tumayo at binuhat na siya bago nagpaalam sa kanila.

Inaantok na ata ang bata kaya dinala ko muna sa loob para hindi masyadong maingay. Naupo na din ako sa sofa nila at ilang minuto pa ay nakatulog na si Sirius.

Hindi siya masyadong hyper at adventurous na bata gaya ng ate niya na mahilig sa extreme sports. Mas gusto niya ang books at matanong siya kapag may nakikitang bago sa kanyang paningin gaya kanina ang dami niyang tanong about sa mga pusa, kung nangangat ba o nangangain ng tao.

Matapos ang 30 minutes na pamamalagi namin sa sofa ay lumabas na ako para ibigay ang bata kay Solar.

"Thank you Lisa. Ito talagang si Byul pinasa pa sa'yo ang pagpapatulog sa anak niya." Kumento niya habang binibigay ko sa kanya ang bata nang dahan-dahan para hindi magising.

"Okay lang. Masaya naman ako kapag nagbabantay ng mga bata." Wala naman kasing kaso sa akin ang pagbabantay ng mga bata.

__________

Naka-alis na ang mga bisita nila Jennie at kami na lang ang naiwan dahil nag-uusap pa ang mga parents namin. Nandito lang ako din ako sa sala kasama si Jade na hanggang ngayon ay nilalaro si Lily.

"Lisa?" Napalingon ako kay Jennie na tumawag sa akin kaya agad akong napatayo.

"Bakit?"

"Let's talk. Baby stay here for a while, I'll just to Lisa." Matapos tumango si Jade ay lumabas na siya patungo sa garden nila kaya sumunod na din ako.

Animal DoctorWhere stories live. Discover now