Little Secret

1K 32 0
                                    

Jennie's POV

Lunes ngayon kaya maaga akong nagising dahil unang araw ng klase ni Jade at ako din sa school kung saan kami papasok. Mabilis akong naghilamos at agad na bumaba para maghanda ng breakfast para sa amin.

Egg, hotdogs and fried rice for breakfast tapos nagtimpla na din ako ng gatas for Jade.

"Ang aga mo naman anak. Akala ko pa naman ako ang maghahanda ng breakfast." Bumaba na pala si mom kaya bumati muna ako sa kanya at humalik sa pisngi niya.

"I don't want us to be late. Alam mo naman si Jade mom." Natawa lang si mom dahil alam niyang hindi talaga morning person ang anak ko.

She's so grumpy kapag ginigising ng maaga. Kailangan pa kung anu-ano ang sabihin para lang tumahimik siya at magkusa na bumangon.

"Sige na puntahan mo na ang anak ko at pakigising na din ang kapatid mo." Tumango ako at agad umakyat kung saan ang kwarto ni Ella.

"Ella, wake up. Breakfast time na at baka ma-late pa tayo." Kumatok ako ng limang beses bago nakarinig ng response sa kanya.

Pagpasok sa kwarto namin ng anak ko ay nakita kong balot na balot siya ng kumot. Nasa paanan na din siya ng kama.

Hinaplos ko muna siya sa likod bago humalik sa noo niya.

"Baby wake up." Umungot lang siya tapos tumalikod ulit sa akin.

"Baby please. You need to wake up or else you'll be late for school." Tinanggal ko na ang kumot na nakabalot sa katawan niya.

Ilang sandali pa ay bumukas na mga mata niya pero nakahiga pa rin.

"But it's still early mommy." Papikit-pikit pa ang mata niya habang nagsasalita.

Binuhat ko na siya para maka-upo siya dahil baka mamaya makatulog siya ulit.

"Yes. I know it's still early but you really need to wake up so we can eat breakfast now." Pagkasabi ko ay yumakap siya sa leeg ko kaya binuhat ko na siya pababa.

Pagdating sa kusina ay nakita kong nakababa na si Ella at inilagay na din si Jade sa upuan niya.

"Good morning Lala and tita Ella." Bumati siya kina mom habang ako ay nilalagyan ng pagkain ang plato niya.
Matapos nilang bumati sa isa't isa ay nag-lead na ako ng prayer.

"Baby don't play with the foods or else I will get mad. Do you want mommy to be mad?" Saway ko dito sa anak ko dahil pinaglalaruan niya ang pagkain niya.

Umiling lang siya tapos sumubo din naman. She's really handy sometimes.

"Finish your food and milk first and then when you're done you'll take a bath."

"I told you Jennie kailangan mo ng katulong sa pagpapaliki dito kay Jade." Umagang-umaga ito nanaman si mom sa mga topic niyang ganito.

I can handle my child alone.

"Mom not now please. Una na po ako sa taas at bahala muna kayo dito kay Jade." Nagpunas na ako ng bibig at humalik sa anak ko na maganang kumakain.

Hindi ko alam kung bakit madalas mabanggit ni mom na kailangan ko na maghanap ng katulong kay Jade. I know I'm growing old pero kailangan ba ako ang maghanap sa magiging asawa ko?

I tried dating some noong hindi na ako buntis at noong 2 years old na ang anak ko pero wala. Hanggang date lang kasi puro naman kalibugan ang hanap nila. Tapos yung iba may mga asawa na pala. Ano gagawin pa akong kabit? Ang kakapal naman.

Siguro susundin ko na ang payo ni Jisoo na nakipag-date sa ibang gender. Hays. Nababaliw na ata ako.

Dumeretso na ako sa banyo para makaligo dahil baka ma-late talaga kami. Matapos kong maligo ay nagsuot muna ako ng robe at tinuyo ang aking buhok.

Animal DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon