Blush

995 32 0
                                    

Lisa's POV

Natatawa ako kay Jennie na nasa likod dahil masyado siyang malayo. Pwede pa isang tao sa gitna namin dahil sa layo niya.

"Lapit ka pa konti baka malaglag ka." Umusog naman siya palapit kaya naka-alis na din kami.

Mabagal lang takbo para masulit din niya ang ride at view. Hindi ko din alam kung saan ko siya dadalhin dahil wala namang park dito sa amin.

"Gusto mo ba fishball ulit tayo?" Medyo nilakasahan ko ang aking boses sa kadahilanang nakasuot siya ng helmet. Nakita ko na lang sa side mirror na tumango siya.

Malapit lang ang kakainan namin kaya nakarating din agad. Nauna ko siyang pinababa para may makakapitan, may kataasan kasi itong napili kong idrive.

"Wala kasing park at mga fastfood dito kaya dito muna tayo. Masarap naman dito kaya sulit." Hindi niya ako pinansin at agad tumusok ng mga kikiam at nagpaihaw ng barbeque at isaw.

Hindi talaga maarte itong babae na kasama ko kaya swerte ang magiging asawa niya. Crush ko din naman siya pero mukhang malabo.

Matapos kong kumuha ng mga pagkain ko ay umupo agad ako sa table na napili niya. Walang masyadong tao ngayon kaya okay lang na magkwentuhan siguro kami pero alam ko na ako lang din ang magkwekwento.

"Psstt." Tawag pansin ko sa kaharap ko na busy sa pagkain at hindi magawang tumingin sa akin.

"Jeeennieee." This time tumingin na siya pero umirap lang bago sumubo ulit.

"Nini!" Ang galing ko talaga dahil tumingin ulit siya pero nakakunot ang noo niya.

"Nini?" Natawa pa ako sa reaksyon niya. Ang cute niya at medyo lumobo pa ang pisngi niya dahil may kinakain pa ata siya.

"Cute isn't it? From now on I'll call you Nini." Sabi ko sa kanya nang may ngiti sa mukha.

"No. It sounds like a pet name." Nagrereklamo pa siya. Ang cute nga ng Nini tapos ayaw pa niya.

"Whatever Nini." Hindi ko na lang siya pansin at itinuon ang atensyon sa pagkain na nasa harap ko.

Tumitingin din ako sa kanya minsan dahil busy talaga siya sa pagkain. May mga reaksyon pa siyang ginagawa.

"Magbabayad ka na?" Tumingin ako sa kanya tapos tumango bilang tugon.

"No. Ako na ang magbabayad." Nilabas na niya ang 500 niya sabay abot sa akin.

"Ako na Jennie. Ako ang nag-aya kaya ako ang magbabayad." Tanggi ko pero umiling lang siya.

"Ako na please. Ayaw ko na lagi mo na lang akong nililibre." Kinuha ko na lang ang pera niya dahil alam kong hindi ako mananalo sa kanya.

Pagkatapos magbayad ay bumili din ako ng tubig para sa aming dalawa.

"Water." Pagkalapag ko sa tubig niya ay binigay ko na din ang sukli tapos ngumiti lang siya. Hinayaan ko muna siya ng ilang minuto para matunawan.

"Nini tara na." Aya ko sa kanya at nauna na sa motor. Pinasuot ko ulit sa kanya ang helmet bago siya sumakay.

"Thank you." Mahina lang ang pagkakasabi niya pero narinig ko pa din.

"Awww. You're always welcome Nini." Bigla niya ulit akong hinampas sa balikat.

"Stop saying Nini. It really sounds like a pet name." Humagikgik na lang ako dahil sa tantrums niya.

______

"Ahm tita pwede ko po bang ayain si Jennie sa out of town namin? Kasama naman po ang mga kasamahan ko sa work, mababait po sila." Pinaalam ko na si Jennie kahit hindi pa siya umoo.

Animal DoctorWhere stories live. Discover now