Getting Closer

1K 32 0
                                    

Lisa's POV

Today is Sunday at maaga akong nagising dahil 8 ang misa. Sinabi ko kasi na sasamahan ko sina Jennie magsimba tapos deretso na kami sa bahay.

5:30 pa lang kaya naisipan kong mag unat muna tapos exercise para naman gumaan ang pakiramdam ko. Nagplay muna ako ng kanta bago nagsimula sa pag eehersisyo. Medyo matagal na din pala bago ako nag exercise kaya feeling ko nawala na ang mga baby abs ko. Wala naman na kasi akong time para mag gym at misan na lang ako magjogging tapos medyo unhealthy pa ang kinakain ko these past few days.

Pagkatapos kong magpapawis ay nagcool down muna ako para hindi naman sobrang pawis kapag naligo na. Ilang minuto pa ay nagdecide na akong maligo. Binilisan ko na lang dahil maghahanda pa ako ng breakfast which is toast lang naman. Mabilis din akong nagbihis, casual lang kasi sa church naman ang punta namin at sa bahay.

Pagkababa ay nauna kong pinakain ang mga alaga ko na ang tataba na. Mana talaga sila sa akin, kulang sa exercise. Naghanda na din ako ng sarili kong avocado toast, sinamahan ko na din ng itlog at nagtimpla ng kape. Ilang minuto lang ay natapos ko na din ang aking specialty bukod sa pancit canton at agad kong nilantakan. Ibang klase, pwede na talaga akong mag-asawa dahil ang galing kong magluto ng sunny side up.

Pagtingin ko sa relo ko ay 6:45 na kaya nagligpit na ako at naghugas muna ng pinagkainan bago bumalik sa kwarto para magtoothbrush. Nag spray na din ako ng pabango para naman mabanguhan ang katabi ko mamaya sa simbahan.

Saktong 6:55 ay nasa kotse na ako at paalis na ng apartment. Tinext ko din muna si Jennie na papunta na ako sa kanila. Medyo binilisan ko na din ang takbo dahil baka malate pa kami.

____

Pagdating ko sa bahay nila sa labas na ako nagpark at mabuti na lang bukas ang gate nila kaya pumasok na din ako sa loob.

Naabutan ko si Ella na nonood pa sa sala nila at mukhang hindi niya pa ako napansin kaya nagdahan dahan ako palapit sa kanya para takpan ang mata niya.

"Who's this?" Tanong niya pa sabay hawak sa kamay kong nakatakip sa kanyang mga mata.

"Guess who Princess."

"I knew it. It's you, Doc Lisa." Binaba ko na din ang kamay ko pagkasagot niya tapos tumabi sa kanya.

"You're good. Where's your mommy and ate?" Tanong ko sa kanya pero nakatingin din sa TV.

"Upstairs po."

"You're here na pala Lisa." Agad kaming lumingon ni Ella sa kay tita na nakababa na pala.

"Goodmorning po tita, kararating ko lang din po." Bati ko sa kanya at lumapit na din siya sa amin.

"Nagbreakfast ka na ba? Kung hindi may pagkain kami jan." Aya pa ni tita sa akin.

"Kumain na po ako tita sa apartment kanina."

"Okay, hintayin lang natin saglit si Jennie." Turan niya ulit at tumingin sa phone niya.

"No need to wait because I'm already here." Nakababa na din siya at hindi ko mapigilang hindi siya tignan dahil ang ganda niya sa suot niyang oversized shirt tapos tinuck in niya lang sa jeans niya.

"Baby turn off the TV now because we're going." Utos niya kay Ella at sumunod din naman siya sa mom niya. "And you, let's go bago ka pa maglaway." Bulong ni tita saka naunang lumabas.

Sinundan ko na lang siya at pinagbuksan ng pinto bago hinintay sina Jennie. Pagdating nila sinabi ni tita na sa harap uupo si Jennie kaya agad ko din itong pinagbuksan saka sumakay.

Buti na lang saktong magsisimula na ang misa ay nakarating na din kami. Hawak ni tita ang kamay ni Ella at tabi din sila sa upuan kaya ako naman ang katabi ni Jennie. Amoy na amoy ko nanaman siya dahil ang lapit lang namin sa isa't isa.

Animal DoctorWhere stories live. Discover now