The Kims

1.1K 38 0
                                    

Lisa's POV

Mabilis lumipas ang araw kaya naman hindi ko na namalayan at Linggo na pala ngayon. 6:30 na ako nagising kaya nag-unat unat muna ako bago nagtungo sa kusina.

Pagkatapos kumain at pakainin ang mga pusa ko ay nakipaglaro muna ako sa kanila bago naligo.Ngayon nakaharap lang ako sa closet na parang tanga. Hindi ako makapili kung ano ba ang isusuot.

Sinabi kasi sa akin ni Irene na nag-invite si Jennie at ngayon ko kaya aligaga ako. Gusto ko naman na maging maganda ang impression sa akin ng parents niya at hindi magmukhang gusgusin. In the end nagsuot na lang ako ng hoodie, black jeans, white shoes at beanie. Medyo malamig din naman kasi sa labas.

Tinignan ko pa ang aking sarili sa salamin at mukhang ayos naman at presentable tignan pero nag-spray pa din ako ng perfume para bumango konti.

8:30 pa lang kaya naisipan kong itext muna si Seulgi. Siya kasi ang nagpresinta na sumundo kay Irene at Trei. Nagpumilit siyang sumama pero okay lang naman kay Jennie noong tinanong ko, kinuha ko yung number niya kay Irene.

Matapos maitext si Seulgi ay nagpaalam na ako sa aking mga alaga bago sumakay ng kotse. Nag-stop muna ako sa isang shop na nagtitinda ng mga halaman, naisip ko kasing bigyan ang mama ni Jennie at sana magustuhan niya. Kumuha ako ng succulent at cactus. Bumili na din ako ng cake kasi nakakahiya naman kung wala akong dala.

Ilang minuto pa ay nandito na ako sa harap ng bahay nila. Malaki din ang bahay nila, glass type at talaga namang maayos at malinis tignan. Lumabas na din ako para magdoorbell at mukha ni Jisoo ang bumungad sa akin.

"Ang aga mo bro pero ipasok mo na 'yang kotse mo." binuksan na niya ang gate at nagpark na din ako sa maluwang na garahe nila.

Paglabas ko ay nakatayo na pala si Jennie kasama ang magulang niya sa gilid. Alam kong magulang niya ang mga iyon dahil may hawig siya sa dalawa pati din si Ella.

"Doc Lisa, you came." yakap agad ni Ella sa akin kaya binuhat ko na ito.

"Of course. Trei will be here soon too and I have a cake for you." ibinaba ko muna siya at kinuha ang mga dala ko.

Lumapit na din ang mga magulang niya sa akin.

"Hindi ka na dapat nagdala kasi kami na nga ang nag-invite. I'm Miguel Kim, obvious naman na ako ang tatay nila." tumawa pa siya at nakipagkamay kaya tinanggap ko na din.

"Okay lang sir. I'm Lisa Manoban po, nice meeting you." magalang ko din naman na pagpapakilala.
"Ma'am para po sa inyo." nahihiyang abot ko sa mga halaman na dala sa mama nila.

"Thank you at hindi ka dapat mahiya. I love plants and I'm Elise, mama nila. Just call me tita na lang." medyo gumaan naman ang pakiramdam ko sa sinabi niya kaya ngumiti na lang ako.

"Tara na sa loob." pambabasag ni Jisoo kaya sumunod na lang kami sa kanya.

Naupo na kami sa sofa nila habang si Jennie at tita ay nasa kusina, hinahanda ata ang gagamitin para sa BBQ party.

"So you're the Lisa na laging bukambibig ni Ella." pagsisimula ni tito.

Medyo nakaka-intimidate ang tono niya pero ngumiti na lang ako.
"Yes po tito."

"Huwag kang matakot hindi naman ako nanapak kaya chill ka lang." medyo naka-ngiti na siya kaya kumalma na din ako.

"Nakaka-intimidate po kasi kayo hehe." tumawa na lang siya sa sinabi ko.

"Hon! nakaka-intimidate ba ako?!" sigaw niya sa asawa niya.

Lumabas na sila mula sa kusina at sumagot ang asawa niya.
"Oo at huwag mo ngang takutin 'yang bisita natin." sabi niya pero tumatawa pa rin si tito.

Animal DoctorWhere stories live. Discover now