Chika Minute

1K 35 4
                                    

Jennie's POV

I'm still sleepy but Ella woke me up. It's just 8:30 in the morning and she decided to disturb my sleep because she's hungry.

"10 minutes more Princess" naintindihan niya naman ata ako dahil hindi na siya nangulit.

Hindi na ako inaantok pero pakiramdam ko wala si Ella kaya bumangon na ako. Nagulat pa ako dahil 9:45 na ang nakalagay sa orasan kaya nagmadali akong naligo at nag-ayos.

Pagdating ko sa dining si Irene, Solar at Ji Hyun na lang ang naabutan ko.

"Goodmorning Jennie" unang bumati ni Solar at sinundan naman nung dalawa.

"Goodmorning too. Nandito na pala kayo Solar. Where are the others?" tanong ko naman habang nagtitimpla ng gatas.

"Yes kaninang 7 pa. Yung mga bata naglaro kasama nila Lisa tapos yung iba nagswimming at gumala." turan ulit ni Solar na busy sa kape niya.

"Eh kayo? Wala kayong balak magswimming?" nagtataka lang ako bakit nandito pa sila.

"Gusto ko magjetski pero mamayang alas tres pa para hindi masyado mainit" saad naman ni Ji Hyun na ikinatango din ng mga kasama namin.

Hindi na ako nagtanong at nagsimulang kumain na lang dahil gutom na ako. Mabuti na lang at tinirhan pa nila ako ng pagkain.

Dumating din naman si Byul na pagod na pagod.

"Goodmorning Jennie and hi again ladies" bati niya sa amin at tumango kami bilang tugon.

"I'm so tired Sol, can I rest for just a bit?" tanong niya sa asawa niya tapos sumandal pa sa balikat.

"Of course you can but you'll play with Al later. Nagtatampo na 'yung anak mo Byul" kinurot niya pa ang asawa niya dahilan para mapadaing ito.

"Such a sadist. Bye na ulit ladies" humalik pa siya sa asawa bago umalis.

"Lalanggamin pa ata kami dito buti na lang umalis yung isa" nagbibirong sabi ni Ji Hyun at tumawa na lang kami.

"She's sweet but she is also workaholic na minsan nakakalimutan na niyang may asawa at anak siya na nangangailangin din ng attention."bumuntong hinga pa siya nang malalim pagkatapos magsalita.

"Ilang taon na ba kayong married?" interesadong tanong ni Ji Hyun.

"We're married for 7 years. I was 23 and 24 siya noong nagdecide kami na magpakasal. Busy pa siya sa mga panahong iyon sa studies kasi naglaw school pa siya tapos ako busy din sa work. After namin mag-usap sympre sinabi namin sa parents ko then parents niya tapos both parties nagtaka bakit daw agad-agad, bakit nagmamadali. She just said na sigurado na siya sa akin kaya gusto na niya akong pakasala kahit anong sabihin ng iba and of course she wanted to start a family with me." napapangiti siya habang nagkwe-kwento kaya nadadala din kami.

"Pagkatapos mag-usap lumipad kami papuntang Australia kung saan ang family niya para doon magpakasal kasi hindi naman pwede dito.  We're overjoyed matapos ang ceremony, I considered it one of my most happiest moment. We went to Paris para sa honeymoon at nagkasundo na we'll have a baby pagkatapos ng law school niya which is malapit na din matapos. After 1 year bumalik ulit kami sa Australia para sa IVF process, madaming test ang isinagawa bago natapos. We're so lucky na gumana siya first try pa lang kasi ang mahal ng IVF e. Alagang alaga niya ako noong buntis ako, she was so overprotective  hanggang sa nanganak. Naiiyak pa siya noong nasa delivery room na kami at muntik pang himatayin pagkakita sa ulo ng baby namin." lahat kami tumawa sa part na iyon pero it's normal kasi hindi naman araw-araw nakakakita ka nang ganon.

"Hands on kami kay Al na gusto ko ako na lang mag-alaga at siya na lang ang provider kaya nagresign ako sa work. Okay lang naman sa kanya kasi I really want my child to grow na kasama ako sa tabi niya lalo na first child namin. Inaral ko na din kung paano magbake at magluto para naman maging busy ako sa bahay, bonding na din naming tatlo. Ngayon minsan na lang sumali si Byul kasi lagi na siyang busy. Minsan aayain siya ni Al kasi magpapaturo siya kung paano maglaro ng football o hindi kaya maglalambing yung anak niya na ihatid siya sa school pero sasabihin niya lang next time. Buti na lang at pumayag siya na sumunod kami dito kung hindi dadagukan ko na talaga siya." pareho kami ni Solar sa part na gusto ko din ako mag-aalaga sa anak namin.

Animal DoctorWo Geschichten leben. Entdecke jetzt