Crush

1K 31 2
                                    

Lisa's POV

Hindi ko mapigil ang tawa dahil naiinis nanaman si Nini. Akala niya kasi pinipicturan ko siya yun pala video.

"Nini, ang cute mo kaya dito." Tumatawa ko pang sabi pero cute naman talaga. Hindi niya pa din ako pinapansin kaya hinayaan ko lang muna.

Naglibot-libot na lang muna ako dahil hindi naman din niya ako papansinin at 'yung iba nagkanya-kanya na. Ayoko kasing sumakay sa drop tower kaya iniwan namin sila ni Jennie pero hindi naman siya namamansin.

Napagdesisyonan kong sumakay sa carousel dahil less dangerous iyon na sakyan. Habang umiikot kami napansin ko si Jennie na tawang tawa sa hindi kalayuan at nakaharap ang cellphone niya sa akin kaya nagpose na lang ako at ngumiti pa sa kanya.

Hindi naman ako nahihiya dahil pambata itong sinakyan ko. Feeling ko kasi kapag sumakay ako sa mga extreme rides mahihimatay lang ako kaya hindi ko na sinusubukan.

Pagkababa ko agad akong lumapit sa kanya nang nakangiti pa.

"Galit ka pa ba?" Tanong ko sa kanya, hindi ko alam kung galit ba siya o naiinis na sa akin pero hayaan na natin. Hindi ko na siya hinayaang sumagot at dinala na lang sa isang stall na nagbebenta ng sweets.

"Hindi mo ako makukuha sa mga ganito mo Lisa." Masungit pa na sabi niya pero umorder na ako ng ice cream para sa amin.

Hinarap ko siya at mukhang masama pa din ang timpla niya.

"Sorry na Nini. I'll delete it later kaya smile na." Pang-aalo ko pa sa kanya saka kinurot muli ang pisngi niya.

"Fine. Samahan mo ako sa bump car mamaya." Wika niya saka kinuha ang isang ice cream at kinuha ko na din ang akin.

Napasubo nanaman ako dahil ayaw ko sa bump car. Sino bang mag-eenjoy kapag binangga bangga ka ng taong hindi mo kakilala. Gusto kong umangal pero baka magalit siya lalo.

"Nini, ayaw mo ba doon?" Turo ko sa train na lumilibot at natawa lang siya sa suggestion ko. Ano namang kayang nakakatawa doon? Safer kaya 'yon kaysa sa bump car.

"No. Sasamahan mo ako and that's final." Galit na ang sensei Nini kaya tumahimik na lang ako at kinain ang biniling ice cream.

Matapos niyang maubos ang ice cream ay agad na kaming pumila at excited talaga siya habang ako parang wala lang.

Nang sumalang na kami ay nagsimula na din ang banggaan at mukhang babawian ako ni Nini dito dahil naka game face on siya tapos ako lang ang target niya.

Puro hiyaw at tawanan lang ang maririnig sa mga kasama namin dito at naka-ngisi sa akin si Nini. Kanina niya pa ako binabangga at pinagtatawanan. Nababawian ko naman siya pero mas malakas siya mang-asar ngayon kaya hinayaan ko na lang.

"I hate you." Naka-nguso kong sabi sa kanya dahil nahihilo na ako sa dami ba naman nang bumabangga sa akin. Sinabihan niya ata yung iba dito dahil nagtatawan sila pagkatapos.

Matapos ang mga pangyayari sa bump car ay naka-alis na din kami at umupo ulit sa isang stall.

"Ang bad mo Nini." Wala akong pakialam kung pabebe na ang dating pero ang sama niya gumanti.

"Serves you right. Kanina ka pa nang-aasar." Hindi ko na lang siya pinansin at kinuhanan ulit siya ng picture. Naka-upo siya at medyo naka-side kaya okay lang naman.

Ilang minuto pa ay inaya niya ulit ako kung saan. Meron yung nagboat parade kami, horror house tapos naglaro sa mga stall na wala din naman kaming napanalunan.

Ang saya nitong araw dahil nakikita ko siyang tumatawa at masaya although masungit pa din siya.

"Nini pagod na ako. Puntahan na natin yung iba." Sa sobra dami ng natry namin pagod na akong maglakad-lakad pa. Buti na lang tumango siya at sumunod sa akin.

Animal DoctorWhere stories live. Discover now