Tease

1K 36 6
                                    


Lisa's POV

Linggo na ngayon pero wala akong magawa dito kung hindi manood lang. Tumanggi kasi si Jennie sa imbitasyon ko dahil busy siya kaya wala na akong nagawa.

Kahit gusto kong umuwi sa bahay ay tinatamad akong mag-drive. Ito namang si Seulgi galit pa ata sa akin. Paano ba naman kasi nagpunta sa clinic kahapon tapos kinausap si Irene about sa sinabi kong date kaya ayun nalaman niyang biro lang ang sinabi ko saka ako binatukan. Nag-sorry na nga ako sa kanya kahapon pero hindi niya ako pinansin pati din ang mga message ko.

Nagpa-deliver na lang ako ng agahan bago nilinis ang mga kalat ng alaga ko saka sila pinaliguan. Sakto dahil matapos ang paglilinis sa kanila ay dumating na din ang pagkain.

Matapos kumain ay humiga na ako sa sofa at nanood hanggang alas dose ng tanghali kasama ang mga pusa ko.

Masyadong boring kaya agad akong naligo saka nagbihis. Naisip ko na puntahan si Jennie at Ella sa kanina kaya dumaan muna ako sa pizza house at bumili na din ng donuts.

Pagdating sa bahay nila ay agad kong tinanggal ang aking helmet saka nag-doorbell. Tatlong minuto na akong pumipindot pero wala pa rin lumalabas.

Tatawagan ko na sana si Nini pero saktong natanaw ko na siyang palabas kaya napangiti ako. Pinagbuksan niya ako pero tahimik pa din siya hanggang pagpasok namin.

"What brings you here?" Sa wakas nagsalita na siya.

"Naisip ko na bisitahin sana si Ella at nagdala ako ng foods." Nahihiya kong sabi saka napakamot sa kilay. Bakit naman ang intimidating niya ngayon?

"She's not here. Lumabas sila ni mom."

"Eh. Pwede bang dito na lang ako tumambay? Ang boring kasi sa apartment e." Sabi ko at umupo sa sofa nila habang siya ay nakatayo lang.

My goodness. Naka-shorts lang ang dyosa ng mga pusa ngayon at sando pero ang intimidating pa din ng dating niya. Nakataas ba naman kasi ang kilay tapos crossed arms pa.

"Hmm. Suit yourself." Sabi niya sa umupo sa carpet at hinarap ang laptop niya.

Hays. Okay na ito dahil may kasama ako. Kinandong ko na lang ang alaga niya na kanina pa talon nang talon sa paa ko.

"Do you want something to eat?" Buti na lang tinanong niya ako dahil medyo gutom na ako.

"Pwede bang kumain dito?" Kinapalan ko na ang mukha ko sa tanong dahil ayaw ko naman kainin ang dinala ko dito.

"Don't worry ako na lang oorder." Dagdag ko pa at akmang tatawag na sa isang fast-food pero nagsalita siya.

"Don't bother. I'll just cook." Turan niya saka pumunta sa kusina kaya sinundan ko na.

"Gusto mo ba tulungan na kita?" Nag-offer na ako ng tulong dahil nakakahiya naman, ako na nga itong tumambay tapos wala man lang tulong.

"No. Manood ka na lang doon."

"Nope. Panonoorin na lang kita." Tanggi ko saka umupo sa stool, pinatong ang aking siko sa mesa at nilagay ang aking baba.

"Stop looking, perv." Hindi lang pala matalas ang pang-amoy niya, may third eye din siya. Paano niya naman nalaman na nakatingin ako sa kanya at minsan sa butt niya?

"Hindi kaya ako tumitingin sa butt mo." Tanggi ko pa pero humarap siya sa akin.

"Don't lie. I can feel it." With matching legendary irap.

"Ang dami mo namang special talent Nini. Una, matalas ang pang-amoy mo, pangalawa may third eye ka tapos ngayon malakas pa pakiramdam mo." Humahagalpak ko pang tawa.

Animal DoctorHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin