Ella's Day

950 33 0
                                    

Lisa's POV

Ngayong araw ay pupunta ako sa bahay nila Jennie dahil birthday ni Ella at kahapon ay kaarawan din ni Jisoo pero ngayon daw siya magpapakain dahil silang dalawa ni Rosé ang nagcelebrate kahapon.

Binilhan ko na lang si Ella ng pet na turtle para madaling alagaan tapos shoes para kay Jisoo dahil ang mahal kapag gadget ang ibibigay ko. Mas mahal ang sweldo niya kaysa sa akin kaya bahala siya.

Pagdating ko sa bahay nila ay maraming naka-park na kotse at agad akong sinalubong ni Jennie na naka-messy bun, shirt at shorts. Hindi pa siya naka-ayos dahil mukhang busy sa pagtulong.

"I miss you and pwede ka ng mag-asawa Nini." Pambungad na asar ko sa kanya habang kinukuha ang regalo ko para kay Jisoo. Hindi ko muna kinuha ang para kay Ella dahil nakalagay ito sa aquarium.

"Then marry me." Walang kagatol-gatol na sabi niya at muntik ko pang mabitawan ang hawak kong paper bag.

"Kidding. Halika na, kanina ka pa hinihintay ni Ella. Nasa loob na din sina Irene." Sumunod na ako sa kanya pero naririnig ko ang tawa niya.

Naisahan niya talaga ako doon.

"Tato!" Nasa may pintuan pa lamang ako ay tumatakbo na si Trei palapit sa akin kasama si Ella sa likod.

Nakakamiss ang mga batang ito. Lumuhod muna ako para mayakap silang dalawa.

"Hello sa inyong dalawa and Happy Birthday Ella." Sabi ko habang nakayakap sila sa akin at saktong dumating si Jisoo.

"Yo! Kids, let Lisa breathe." Natatawa pa siya dahil ang higpit talaga ng yakap niya sa akin. Nakinig din naman ang dalawa habang humahagikgik pa.

"Hey, here's my gift." Inabot ang paper bag sa kanya at nagpasalamat muna bago nagtungo sa sala.

Inaya ko na din sila sa sala. Ang cute ni Trei sa suot minion outfit niya habang si Ella naman naka-pajamas pa.

"Mabuti naman nandito ka na Lisa. Ikaw, araw-araw mong finaface time ang anak ko." Natawa lang ako kay tito saka umupo na din sa sofa nila.

Ang mga bata naman ay naglaro na lang muna sa labas. Sina Jisoo, Rosé, Irene at tito lang ang nandito.

"Hindi araw-araw yun tito kung hindi gabi-gabi."

"Tama si Jennie, ang corny mo nga." Lahat na sila natawa sa kakornihan ko.

"Anyways, alam mo ba na birthday ni Jennie sa 16?" Sabi ni tito sa akin habang nanonood.

January 16 pala ang birthday niya. Matagal ko na kasing tinatanong pero laging secret lang ang sinasagot niya.

"Hindi niya po kasi sinabi sa akin kung kailan ang birthday niya. Buti na lang po sinabi niyo."

Iniisip ko na magpalibre sa kanya na dahilan para mapa-ngiti ako.

Habang tumatagal ay dumarating na din ang mga katrabaho ni Jennie at nandito na rin si Seulgi.

Nakikipaglaro ako ngayon kay Kuma dahil lapit siya nang lapit sa akin kanina pa. Ang hyper niya ngayong araw, siguro ay dahil may tugtog at madami din siyang nakikitang tao.

"Hey, it's time to eat." Bigla na lang dumating si Jennie at agad lumapit sa kanya ang aso.

Paglingon ko ay napangiti ako dahil naka-ayos na pala siya. Naka-dress siya at sobrang bumagay sa kanya.

"Looking beautiful Ms. Kim." Compliment ko sa kanya pero umirap lang siya at hinimas si Kuma sa tyan.

"Thank you pero hinahanap na." Sumunod na lamang ako sa kanya sa kanilang garden.

Animal DoctorWhere stories live. Discover now