Meet the Parents

1.2K 29 4
                                    

Seulgi's POV

Nakatingin ako dalawang kasama ko at mukhang naghihintay na ikwento ko ang nangyari kahapon.

"Okay fine, ikwekwento ko na." ni-last ko muna ang hawak kong yosi bago nagsimula.

Flashback

Alas otso na ako nagising dahil Sunday naman ngayon at wala akong gagawin na importante.

Naghilamos muna ako bago bumaba at nanood sa Animax. Mukhang maganda ang anime ngayong araw kaya nag-order muna ako ng pagkain bago nagpatuloy sa panonood.

Habang nanonood ay biglang may nag doorbell at alam kong yung pagkain ko na 'yon kaya binilisan kong lumabas at nagbigay din ng konting tip sa delivery boy.

Matapos ang pagkain at panonood ay wala na akong maisip gawin kaya nagpasya akong gumala muna sa ibang lugar. Wala naman kasi si Lisa dahil binisita sina tita at tito, wala tuloy akong mabulabog. Nakakasawa din naman kasi kapag sa mall ako pupunta. Ayoko din naman muna bumisita kay dad kasi sasabihan niya lang ako na maghanap ng girlfriend.

Naligo na lang habang nag-iisip kung saan pupunta pero wala akong maisip puntahan kaya mag-jojoy ride na lang ako. Matapos maligo at makapagbihis ay isinuot ko na din ang mga protective gears ko at boots. Mag-momotor kasi ako para naman makalanghap ako ng sariwang hangin.

Bumaba na din ako matapos maayos ang sarili ko at lumabas na din pero hindi ko naman nakalimutang maglock. Nilagay ko na din ang phone ko sa harap ng motor at nagsuot ng helmet bago nagsimulang magdrive.

Hindi alam kung saan ako eksaktong pupunta pero nagdrive na lang ako, bahala na. Habang nagmamaneho may nakita akong kotse at parang nasiraan ata kasi nakalabas ang driver at mukhang nag-aabang ng dadaan at tutulong. Puro lang kasi puno ang makikita dito at walang malapit na bahay.

Bilang isang mabuting nilalang ay hinintuan ko naman sila at nagtanggal muna ng helmet.

"Sir, ako po si Seulgi Kang. May problema po ba? baka makatulong po ako." pakilala at tanong ko kay sir baka kasi isipin niya masamang tao ako.

"Naflat yung gulong, may spare tire and tools naman kami pero hindi ako marunong magpalit." sabi pa niya at tinuro ang flat na gulong.

Animal DoctorWhere stories live. Discover now