Frustrated Lisa

1.4K 31 8
                                    

Lisa's POV

Naging maayos naman ang relasyon namin ni Jennie. Matapos ang halikan namin noon sa kotse ay agad naming sinabi sa parents namin na official na kami tapos nagpa-lunch ako sa mga friends namin at sinabi ang good news.

Ganun pa din yung set up namin, lunch dates, park, movie date at minsan sa bahay lang nila o hindi kaya makikigulo kina Irene. Naging madalas ang palitan namin ng messages at calls dahil ako itong makulit pero mas clingy siya.

"Why are you so early?" Natapos ang pagre-reminisce ko nang makita kong nakababa na pala siya.

"Good morning Nini." Hahalik pa sana ako sa kanya kaso tinulak niya ako sa mukha.

"Hindi pa ako nag-brush at hindi mo sinagot yung tanong ko. Bakit nandito ka na? Akala ko ba 10 am pa tayo magkikita?"

"Na-miss kita Nini. Hindi tayo nagkita whole Monday to Friday kaya nag-excite akong makita ka and FYI dyosa ng mga pusa, 8:00 na po ngayon." Turo ko pa sa orasan nila pero umirap lang siya sa akin at dumeretso sa kusina nila kung nasaan din si tita.

"Tita, pwede ko bang ilabas itong si Jennie kasama si Jade at Ella? Para naman din po makapag-relax kayo." Ngiting tanong ko kay tita na busy sa pagsangag ng kanin at amoy na amoy ko pa ang bawang.

"Ano ka ba naman Lisa. Anytime pwede mo silang ilabas. Si Jennie pwede mo nang ibahay e." Natatawang sabi ni tita kaya natawa lang din ako.

"Mom! I'm just right here tapos kung pag-usapan niyo ako parang wala ako dito."

"Aww Nini. Don't be mad kita mo nagbibiro lang naman si tita at about sa bahay thingy pwede naman din." Dahil sa inis niya ay hinampas niya ako sa balikat bago kinuha ang kanyang kape at nag-walk out.

"Heheh! Dito muna kayo tita susuyuin ko lang yung anak niyo." Paalam ko kay tita saka nagmadaling sinundan si Jennie.

Ang hirap pa naman niya suyuin minsan lalo na kapag umaga. Naabutan ko siya sa garden nila at nakaupo habang sumisimsim ng kanyang kape.

"Jen come on, you're mom's just messing with you and I'm sorry too. Alam kong medyo off ang topic na iyon dahil bago pa lang tayo at kailangan magdahan-dahan muna." Mahinang sabi ko at naupo sa tabi niya pero wala pa din siyang sinasabi.

"Unang araw ng December tapos nakabusangot ka pa, sige na smile ka na." Pamimilit ko pa sa kanya dahil nakatingin lang siya sa akin hanggang sa nag-smile na siya.
"You look more beautiful when you smile."

"You and your sweet words." Sabay mabilis na halik niya sa akin.

"Pwede bang isa pa?" Hirit ko dahil smack lang ang ginawa niya. Ngumiti lang siya kaya ako naman ang humalik sa kanya, sympre with passion and love.

"I don't know why are you such a good kisser." Comment niyo noong natapos ang kiss at muling uminom ng kape.

"Ganon talaga, hindi lang ako sa kissing magaling." Natatawa kong sabi sa kanya at itinaas-baba ko pa ang aking mga kilay kaya hinampas niya tuloy ako.

"Conceited."

"Just telling the truth here Nini. Gifted kaya itong girlfriend mo kaya dapat pahalagahan mo ako." Wika ko pa sa kanya na natatawa lang sa tabi ko.

"Oo na. Ikaw na ang gifted. Tara na sa loob para makapag-breakfast at gigisingin ko na din yung dalawang bata." Sabay tayo niya at hinila niya ako sa loob.

Nauna na akong pumunta sa kusina nila para tulungan si tita sa paghahanda ng breakfast hanggang sa marinig namin na parating na yung tatlo.

"Oh! You're here now? Good morning and good morning too, mom." Turan ni Ella saka bumeso sa akin at kay tita. Kasunod naman niya ay si Jennie na buhat pa si Jade dahil halatang inaantok pa ito.

Animal DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon