Kids

1.6K 52 2
                                    

Lisa's POV

Alas singko na ako nagising at nag-unat muna bago nagtungo sa banyo para magsipilyo at maghilamos. Nagpalit na din ako suot dahil mag-jojogging nanaman ako. Hindi kasi ako nakaka-punta sa gym kaya pagtakbo na lang ang naisip kong paraan para kahit papaano ay mapanatili ko pa din ang aking katawan.

Bago lumabas ay binigyan ko ng tubig at pagkain ang mga pusa ko kahit tulog pa sila at sinarado ang pinto.

30 minutes lang ang itinagal ko kasi magluluto pa ako ng breakfast pero pagdating ko ay nakita ko si Seul na nakapagluto na pala. Sinabihan ko na lang siya na hintayin muna ako.

Pagkatapos maligo at magbihis ay bumaba na din, nakita ko na nanonood siya ng Detective Conan.

"Paki-off mo na muna 'yan at kakain na tayo, 6:50 na baka malate pa tayo." sermon ko pa sa kanya.

"Maaga pa naman ang 6:50 Lisa, kumalma ka nga." pinatayan din naman ang TV at umupo sa tapat ko.

Inirapan ko na lang siya.
"Seulgi naman 27 ka na pero hindi mo pa din alam ang punctuality." tinignan ko pa siya pero busy siya sa pagkain.

"Oo na nga lang. Tsaka nga pala kumusta yung pinuntahan niyong school?" puno pa ang bibig niya habang nagtatanong.

"Maayos naman at umayos ka nga jan, wala ka talagang table manners." nag-peace sign lang naman siya at nagawa pang tumawa.

"Ang boring mo talaga, ikwento mo naman kasi." this time wala na siyang nginunguya.

"I met this kid, ang cute cute niya and meron siyang ate na medyo mataray at mababait din yung mga nakasama namin kahapon na teachers. Principal nila nanlibre sa amin ng lunch." kwento ko tapos kumain na ulit.

"Maganda ba mga teachers doon?" na-eexcite na tanong niya at tumango ako.

"So may natipuhan ka naman siguro 'no?" nagtaas baba pa ang mga kilay niya.

"Baliw" umiling na lang ako at nagpatuloy sa pagkain dahil saktong 7 am na. Niligpit ko na din ang aking pinagkainan at iniwan si Seul sa baba.

Pagkatapos kong magsipilyo at manalamin ay kinuha ko na yung bag ko pati na din ang cellphone tapos bumaba na.

"Seul, una na ako bye" sigaw ko dahil alam kong kumakain pa lamang siya. Sumigaw naman siya pabalik at sinabihan akong mag-ingat.

Saktong 7:30 ay nasa clinic na ako at nakita kong nauna na pala si Irene.

"Good morning Irene, ang aga mo naman ata ngayon." bati ko sa kanya.

"Good morning din sa'yo Lisa, lagi naman maaga pero this time hinatid ko pa kasi si  Trei dahil medyo busy sina mama." sabi niya habang chinecheck yung pusa na nasagasaan kagabi.

Tumango na lang ako at umupo na lang sa chair ko tapos nagsimulang magcheck ng mga files.

Si Trei pala ay anak ni Irene at magka-age sila ni Ella.

__________

Seulgi's POV

Umalis na si Lisa pero nandito pa din ako bahay niya, nagpasabi naman ako sa superior ko na medyo malalate ako.
Ayos lang naman daw kasi madaling-araw na kami natapos sa operation kanina.

Nahiga ako sa sofa ni Lisa at umidlip muna saglit.

Pagkatapos ng isang oras na tulog ay tinignan ko muna ang oras at 8:30 na pala kaya bumalik na ako sa apartment ko.

Nakapag-ayos na ako ng sarili at saktong 9:00 ay lumabas na ako ng apartment at nagsimulang mag-drive.

Makalipas ang 30 minuto ay nakarating na din ako sa presinto at agad nagreport kay Chief T.OP.

Animal DoctorWhere stories live. Discover now