Perfect Two

1.2K 33 7
                                    

Lisa's POV

"Pwede bang magpahinga muna tayo? Kanina pa tayo nag-aayos dito, tignan mo ang mga alaga natin gutom na pati si Jade. Magpapa-deliver na ako." Pagrereklamo ko saka tumawag para sa delivery.

Paano ba naman kasi 3 araw na kami dito sa bagong bahay tapos hanggang ngayon may mga gamit pa siyang naka-box, mind you na dinala niya yung bigay kong cactus sa kanya noon. Mula sa mga damit, sapatos at jewelries niya, pakiramdam ko pwede kong ibenta itong mga gamit niya tapos makakapagpagawa ulit ako ng bahay.

Maagang natapos ang bahay kaya dapat December sana kami lilipat pero pinagpaliban muna namin para makabili ng mga furnitures at mga appliances na siya yung nagbayad. Mapilit siya kaya wala na akong nagawa, pati sa design ng kurtina, carpet, bed sheets at mga gamit pangkusina siya na bumili. Sinabi ko naman na yung mga kailangan lang muna ang bibilhin tapos saka na yung pang decorations sa loob gaya ng paintings at iba pa.

Sa bahay kami nag-celebrate ng Pasko tapos sa bahay nila noong bagong taon at pati sa birthday ulit ni Ella. Sina Seulgi nag-disneyland kasi habang sina Byul sa Australia at si Jisoo mag-isang nagtravel sa Paris, umaasa na doon niya daw mahahanap ang forever niya. Nagkita na kasi sila ni Rosé tapos may baby na din pala siya, naging maayos naman ang muli nilang pagkikita at no hard feelings.

"Natulala ka nanaman jan." Nagulat na lang ako nang biglang may tumama sa mukha ko.

"Care to share?" Nag-smile lang ako sa kanya at mabilis na hinalikan ang pisngi niya.

"Hmm. Iniisip ko lang yung nakaraan. Grabe ang dami pa lang nangyari at ang bilis ng panahon. Parang kailan lang noong nagkakilala tayo tapos ngayon nasa iisang roof na tayo kasama si Jade." Turo sa batang busy sa mga pusa ko. Next week turning 35 na din siya at plano kong mag-propose sa kanya. Nakabili na ako ng ring at nasabihan ko na rin ang mga friends and family namin.

"Ganun talaga. Gigising ka na lang tapos maiisip mo na mabilis pala ang paglipas ng araw, linggo, buwan at taon." Sabi niya pa tapos naupo sa kandungan ko kaya yumakap ako sa baywang niya.

"Group hug!" Natawa ako dahil yumakap din sa amin si Jade na hawak pa din si Lili. Life is beautiful.
Kasal na lang talaga ang kulang para maging official family na kami.

"Bitawan niyo na ako, ang dami ko pang aayusin na mga gamit. Ano palang sinabi ni tito sa request natin for next week?" Tanong niya sa akin habang nakatuon ang atensyon niya sa mga box. Tinutukoy niya yung pagkain para sa birthday celebration niya at house blessing na din. Gusto pagsabayin na lang daw para makatipid kami. A wife material indeed.

"Don't worry about it. Nakausap ko na siya at umoo siya tapos yung pari na inform ko na din po pati mga friends natin. Bahala ka na sa mga katrabaho mo mag-invite." Mukhang stress na siya.

Hinayaan ko na muna siya at nakipaglaro na lang din kina Leo.

"Jade halika may ipapakita ako sa'yo." Tawag ko sa bata noong umalis si Jennie patungong kusina.

"Why Baba?" Sinenyas kong lumapit pa siya saka inilibas ang isang maliit na box kung saan nakalagay ang singsing at tumingin sa gawing kusina dahil baka lumabas agad si Jennie.

"Is this the ring for mommy?" Tumango ako bago binuksan ang maliit na kahon.

"Mommy will like it for sure. It's so beautiful Baba." It's made of silver with a jade stone in the middle. Medyo mahal siya pero worth it naman.

"Sana nga. Kabisado mo na ba yung mga dance steps para sa surprise?" Nag-smile lang siya na ibig sabihin ay oo. Gusto niya kasi na mag-prepare ng surprise para sa mommy niya kaya tinuruan ko siya ng steps.

Animal Doctorحيث تعيش القصص. اكتشف الآن