Fam Day

1.2K 42 8
                                    

Jennie's POV

Today is Sunday and Ella woke up very early. Ang haba ng tulog niya kasi pagdating namin kahapon ay hindi ko na ginising dahil pagod na pagod siya.

Kaya ang ending 6:30 pa lang ay nandito na siya sa room ko at nangungulit.

"Ate Jen, bangon ka na please." yugyog pa niya sa akin.

"Princess, it's too early pa." hinila ko na lang siya sa tabi ko at niyakap.

"But I'm hungry na po." ungot pa niya sa akin kaya natawa na lang ako.

"Okay babangon na po Princess." kiniliti ko muna siya bago bumangon at pumasok sa CR para maghilamos.

Pagbalik ko sa kwarto ay wala na siya, mukhang nauna na sa baba.

Pagbaba ko ay nasa sala na nga siya kasama si Kuma at nanonood ng Spongebob.

"Princess, what do you want for breakfast?" tanong ko kasi baka may gusto siyang kainin.

"Anything po and with milk."

"Okay, I'll just make a toast and your milk then we'll go to church." nagtungo na ako din ako sa kusina.

After ng preparation ay tinawag ko na si Ella.

"Princess, turn off the TV and we'll eat na." sununod naman niya ako at pumunta agad dito.

Dumeretso siya sa sink at pumatong sa isang upuan para makapag-hugas ng kamay.

"Ate Jen, can we see Doc Lisa and Trei again?" hindi napigilang tanong sa akin ni Ella.

"Yes po but not today kasi magsisimba tayo, besides Irene and I will talk pa kung kailan ulit kayo maglalaro ni Trei." tumango na lang ito sa sinabi ko at kinain ang toast niya.

Nauna akong natapos at tumayo para pakainin na din si Kuma na agad lumapit sa akin. Pagkatapos mabigyan ng food and drinks ay bumalik ulit ako sa kusina para iligpit ang mga nagamit ko.

"Finish your milk na Princess para makaligo at mahabol natin ang second mass." nag-yes naman siya at inubos ang gatas sabay abot sa akin ng baso at pinggan na pinaglagyan ng toast niya.

After ko mahugasan ang pinagkainan namin ay hinanap ko muna si Ella.

"Princess, come here. Maliligo ka na." tawag ko sa kanya, mabuti na lang ay sumunod din siya kasama si Kuma.

"Put him down para makaligo ka na." utos ko naman at naunang umakyat.

Matapos kong paliguan ay hinayaan ko na siyang magtoothbrush at pumili ng damit niya. Pumili siya ng long sleeve sweater at tinernohan ng skirt tapos nagflats na din siya.

She's really good sa pagpili ng mga outfits niya at mukhang malaki ang influence ko sa kanya. I love to dress din kasi and I like to try different styles at sa tingin ko ay nakuha niya din.

"You look very good Princess, tara sa room ko muna ikaw tumambay." saad ko dito at lumabas na.

20 minutes lang ang itinagal ko sa banyo kasama na din ang doon ang pagsisipilyo.

Polo sleeve naman ang pinili ko for my top na tinuck in ko sa skirt na tama lang ang haba para matchy kami ni Ella. Converse na lang ang pinili kong isuot kasi wala akong masyadong flats.

"You look so gorgeous po ate Jen." compliment pa ni Ella sa akin.

"Ikaw din Princess, look oh we have the same outfit." turo ko sa sarili namin sa salamin.

Humagikgik lang ito at sinumulan ko na lang i-blower ang aking buhok.

"Do want me to fix your hair?" tanong ko kay Ella na busy sa pagsusuklay.

Animal DoctorWhere stories live. Discover now