Get Together

1.2K 31 1
                                    

Jennie's POV

I woke up early because today is Monday and I'm sure mom's already here.

Naghilamos na ako at bumaba patungong kusina. Naabutan ko si anti Celia na naghahanda na ng breakfast.

"Goodmorning Jen, coffee or tea?" tanong niya sa akin.

"Goodmorning din po. Ako na lang po gagawa ng coffee ko." sabi ko naman kasi kaya ko naman at she's our cook not maid.

Matapos kong magtimpla ng coffee ay umupo ako sa stool at sakto namang bumaba na din si mom.

"Goodmorning Jen and to you Cel." bati niya sa akin at humalik sa pisngi ko.

"Goodmorning din po ma'am. Gusto niyo po ba ng kape o tsaa?" unulit niya lang ang sinabi niya sa akin.

Gaya ko ay tumanggi din naman si mom at siya na din ang gumawa ng kape niya pagkatapos ay naupo na din sa katabing stool.

Habang busy ako sa paghigop ng kape ay nagsalita naman si mom.

"I got your bag, nasa room. Kunin mo na lang mamaya." masaya naman akong napatingin sa kanya at yumakap pa.

"Really?! You're the best mom ever, I love you." yinakap din naman niya ako pabalik.

"I'm not. I have my short comings as your mom, lalo na kay Ella. Alam natin na lumalaki na siya at baka maramdaman niya na kulang ang atensyon na natatanggap niya sa amin ng dad niyo which is true naman." malungkot pa na wika niya.

"You know it's not true and I always explain to her that you love her, we love her. She's a smart kid and I know she understands." comfort ko sa kanya kasi totoo naman matalino si Ella at lagi kong sinasabi na mahal kami ng parents namin.

"Ang swerte talaga namin sa inyo. Thank you for understanding and for taking care of your little sister." speaking of little sister ay mukhang nandito na siya.

Tama nga ako kasi pagkakita niya kay mom ay agad tumakbo sa amin.

"Mommy you're here na." hindi niya mayakap si mom dahil naka-upo pa ito kaya yung tuhod na lang ang niyakap niya.

Bumaba muna si mom at binuhat naman ito bago humalik sa pisngi.
"Goodmorning din po baby. I super miss you."  wika ni mom.

"Kakain na po tayo." saad naman ni anti Celia at nag-nod ako.

"Sige, pakitawag na lang si Jun kung nanjan na siya." nagtungo sila ni Ella sa sink para maghugas na din ng kamay.

"Mamayang 7 pa po siya dadating." pagbibigay alam pa ni anti.

Naka-upo na kaming lahat at si mom na ang lead ng prayer.

"How's school baby? Diba sabi mo may mga new friends ka na?" pag-iinterogate ni mom sa kapatid ko.

Lumunok naman muna si Ella bago nagsalita.

"Yes po mommy si Trei and doc Lisa. She's so cool po kasi nag-play kami sa park tapos nagbike kami and she taught us po pero hindi pa ako marunong but she said tuturuan niya po ulit ako. Also, she knew how to skate pero sabi niya hindi pa daw niya kami tuturuan ni Trei kasi dangerous daw po. You should meet her mommy." masayang kwento ng kapatid ko kaya napa-ngiti na lang kami.

"Talaga? They're nice naman pala. She's right sa skate thing baby kasi delikado 'yun saka na lang kapag medyo malaki ka na. Let's invite them next time okay?" saad namin ni mom at mukhang natuwa sa Ella sa sinabi niyang invite.

"Opo mommy, I'll tell them para makapag-play kami dito sa house with Altair din." tumango tango pa niyang sabi.

"Finish your food and milk na para mapaliguan na kita." dagdag pa ni mommy kasi 6:40 na at baka malate pa kami.

Animal DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon