Meeting

1K 35 5
                                    

Lisa's POV

Late na ako para sa lunch sa bahay nila Seulgi dahil kay mama na ang dami dami nanamang sinasabi. Kesyo matanda na ako kailangan ko nang mag-asawa dahil baka hindi na nila maabutan ang apo nila. Araw-araw na lang ganon ang sinasabi sa akin.

Isa pa itong traffic. Sunday na nga tapos may traffic pa, masyado na din kasing maraming turista na nagpupunta dito kapag holidays.

Dumadaan muna ako sa bilihan ng donut at mga chocolates para may pasalubong ako kay Trei pati na din sa baby nila.

Nagulat pa ako dahil pagdating ko sa bahay nila ay agad kong nakita si Trei at kasama si Ella.

"Tatooo! Good you're here na. Kanina ka pa namin hinihintay." Tumakbo pa siya palapit sa akin at nag-hug.

"Yeah. Traffic lang and hello din sa'yo Ella, who's with you?" Binati ko din siya pero nagtataka pa ako kung sino ang kasama niya dahil sa park lang namin kasi kami nagkikita minsan.

"Manoban! Nandito ka na pala." Sasagot na sana ang bata pero biglang lumabas si Seulgi at hinatak ako sa loob.

"Bakit may bata? May bisita pa kayong iba?" May nakita kasi akong bata na nakikipaglaro kay Sam pero nakatalikod.

Hindi niya ako sinagot at itinaas taas lang ang mga kilay saka nanood ulit.

"Oh, ipunta mo sa kusina yang mga dala mo at kumain ka din." May sinasabi pa siya per hindi ko na pinansin at nagtungo sa kusina nila.

Agad akong nakita si Irene na naghuhugas ng pinggan saka ako nagtungo sa ref nila at nilagay ang mga dala ko.

"Irene, may bisita pala kayo iba."  Nagulat na lang ako dahil nagsalita si Irene sa likod ko. Hindi pala siya ang naghuhugas ng pinggan.

"Long time no see, Lisa." Hindi ko alam kung anong gagawin ko o sasabihin dahil si Jennie pala iyon.

That means anak niya ang bata na nasa sala. Nandito na pala sila e.

Tumikhim na muna ako dahil ba mautal-utal pa, mahirap na.

"Oh. Hi, hindi ko alam na nandito ka na ulit." I tried my best na hindi maging awkward kaya kumuha na lang ako ng plato at nagsimulang kumain.

Ang weird.

"Dito muna kayo. Paliliguan ko lang si Sam." Paalam ni Irene at umalis na.

Buhos lang ng tubig ang naririnig dahil wala naman nagsasalita sa amin. It's so awkward kaya muli akong tumikhim.

"Kailan pa kayo naka-uwi?" Hindi ko alam dahil wala naman siyang napost sa IG niya.

"Kagabi lang." Short lang na sagot niya pero hindi man lang lumingon sa akin.

Hindi na ako nagsalita at siya naman natapos na sa paghuhugas kaya agad din lumabas habang ako naiwan dito na kumakain lang. Binilisan ko na ang pagkain at hinugasan ang pinagkainan bago pumunta sa sala.

"Why didn't you tell me nandito pala sila." Pabulong na sabi ko at agad kong sinipa si Seulgi na nanonood tapos umupo sa tabi niya.

"Shhh. Katabi mo lang ang anak niya. She looks like her mommy kaya bilisan mo na magpa-impress." Tumingin naman ako sa katabing upuan at busy ang bata sa panonood.

Mana nga sa dyosa ng mga pusa.

"Hello. My name is Lisa, what's yours?" Tanong ko sa bata na nagtataka pang tumingin sa akin pero nag-smile din naman. Itong katabi ko naririnig ko pang tumatawa.

"Hi. I'm Lynx Jade. 4 years old but turning 5 na po ako." Ipinakita niya pa sa akin ang kanyang maliliit na daliri.

It feels like bumalik ako 6 years ago. Parang ganito ko din kasi nakilala si Ella pero sa school nga lang. Kamukha din naman kasi siya ni Ella noong bata-bata din.

Animal DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon