Manoban's Residence

1K 33 4
                                    

Lisa's POV

Ngayon ay Sabado na at alas otso na ng umaga pero nakahiga pa rin ako dito sa kama ko. Darating kaya sila ngayon o baka naman hindi na dahil sa nangyari noong Lunes? Sa kakaisip ko ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ulit ako.

"Lisa! Bumangon ka na jan. Mamaya darating na sina Jennie!" Nagising na lang ako sa sigaw at katok ni mama mula sa labas. Pagtingin ko sa orasan 9:45am.

"Gising na po ako Ma." Pagbibigay alam ko at bumangon para pagbuksan siya ng pinto.

"Tignan mo nga ang itsura mo anak. Sige na mag-ayos ka na." Humihikab pa akong tumango kay mama.

Alas dos ng madaling araw na ako nakatulog dahil nagbasa ako ng manga. Maganda ang kwento kaya hindi ko napigilan. Pulse ang title niya at isa siyang girl to girl manga kaya relate ako. Lol

Matapos magmuni-muni ay nagtungo na ako sa banyo para maligo at magsipilyo na din. Medyo nagtagal ako sa banyo dahil nagbabad pa ako sa jacuzzi.

At ngayon nandito na ako sa harap ng closet at isa isang tinitignan ang mga damit ko. Iniisip ko kasi kung anong kulay ang isusuot ko. Kumuha na lang ako ng isang black shirt na may anime design at isinuot. Wala naman kasing may pakialam at saka nandito lang ako sa bahay. Nagsuot na din ako ng shorts dahil medyo mainit ang temperatura ngayon.

Pagbaba ko ay wala akong naabutan sa sala kaya pumunta ako sa kusina.

"Mama kumain na po ba ang mga alaga ko?" Tanong ko sa nanay ko na naghahanda ng mailuluto habang ako naman ay kumuha ng saging sa lamesa.

"Tapos na kanina. Kumain ka na, mamaya pa darating ang dad mo kaya tulungan mo ako sa pagluluto."

"Saan daw siya pumunta ma?"

"May inasikaso lang sa resto pero babalik din daw agad." Tumango lang ako at kumuha ng pinggan dahil nagugutom na ako.

"Mama bakit naman ang dami mo atang hinihiwa na mga rekado?" Nakita ko kasi na may mga lettuce tapos broccoli pa siyang nilabas galing sa ref.

"Kumain ka na lang jan. Sympre may bisita tayo kaya dapat madaming pagkain. Anong bang paborito ng anak niya para mahanda ko pala?" Basta talaga may bisita kailangan ang daming putahe.

"Paborito niya ang Carbonara mama." Pareho naman kaming mahilig sa pasta pero siya kaya niya atang araw arawin ang Carbonara.

"Sige na nga maghahanda ako."

Ipinagpatuloy ko ang pagkain at nang matapos ay tumulong na ako kay mama.

"Mama, magretire ka na kaya." Sabi ko sa kanya habang nakaupo sa stool.

"Hindi pwede. Wala akong gagawin dito sa bahay, buti sana kung may babantay akong mga apo."

"Meron naman si Leo at Luca mama. Sila na lang bantayan mo." Tumawa lang siya bilang reaksyon saka humarap sa akin.

"Still a no. Hindi ako sanay na dito lang sa bahay tapos nakaupo lang."

"Ayaw ko din naman kayong nahihirapan mama. Tumatanda ka na kaya dapat magpahinga ka muna. Magtravel kayo ni dad." Ang kulit nitong mama ko.

"Kaya nga tumatanda na kami tapos hanggang ngayon tatatlo pa din tayo."

"Nood lang po ako sa sala heheh." Mabilis akong tumakbo patungo sa sala pero agad kong narinig na may nag-doorbell kaya sa labas na ako dumeretso.

"Oh? Kayo pala Jennie, pasok." Ang aga naman ata nila at bakit dalawa lang sila ni Jade?

Yumakap nang mabilis ang anak niya sa binti ko kaya binuhat ko na lang.

Animal DoctorWhere stories live. Discover now