Park

1.2K 54 0
                                    

Jennie's POV

Lisa is really something. Kanina sa office nila kahit pagod na siya ay nagawa niya pa din ientertain ang mga bata at naka-smile lang siya, she's so nice.

Does she have a boyfriend already? She's good looking, with her bangs, cute smile, the charisma plus the height. She's more attractive pa kanina when wearing her coat.

"I'll just order bucket and rice plus spaghetti and floats, is that okay? or do you want to add more?" naputol ang pag-iisip ko dahil tinap niya ako sa shoulder.

"Huh?" naguguluhang tanong ko pa sa kanya.

"Nag-order na ako, do want to add more?" naka-smile na tanong niya.

"No, okay na 'yan." sabi ko na lang dahil hindi ko naman alam ang mga inorder niya at nilabas ang aking wallet

"It's okay I got this." pigil niya pa sa akin.

Umiling na lang ako kasi hindi ako sanay na may ibang nagbabayad para sa akin lalo pa medyo hindi ako close.

"No. Please accept it na." sabi ko sabay abot sa kanya ng 500 pesos.

"Okay. Makulit ka e." ngiti pa niya ulit sa akin at binigay na ang bayad.

Pagkatapos makuha ang mga order ay ipinahawak niya ito sa akin.

______

Nandito na kami sa park at nauna siya lumabas at pinagbuksan pa kami ng pinto.

"Go find a table for us." utos niya sa mga bata at sumunod naman ang mga ito hawak pa din si Kuma.

"Ako na jan." sabi niya at kinuha ang mga pagkain na hawak ko.

"May bowl ka ba jan para kay Kuma?" tanong niya sa akin at umiling naman ako.

"Okay. Tara na." nauna na siyang maglakad papunta sa mga na excited na maglaro kasi nasa swing na.

"Hey! let's wash our hands muna." tawag niya sa mga bata at kinuha ang leash ni Kuma pagtapos ay itinali sa bench namin.

"Paki-bantayan muna 'tong foods natin, maghuhugas lang kami ng kamay." sabi niya at hinawakan sa  magkabilang kamay ang mga bata.

Napa-smile na lang ako habang tinitignan silang naglalakad paano ba naman kasi mukhang nagkukulitan pa din sila. She really loves children and she's also a child at heart.

Pabalik na sila pero karga niya si Trei sa likod at buhat naman niya sa harap si Ella at mukhang masaya talaga ang mga bata.

"Pasensya na ang kukulit kasi nila kaya medyo natagalan kami. Tara kain na." ibinaba naman niya ang mga bata si Trei sa tabi niya at Ella sa tabi ko.

"It's fine. Ella next time huwag ka nag magpa-carry kung kaya mo naman okay? Big girl ka na." sabi ko naman sa katabi ko dahil nagpapaka baby nanaman siya.

"Nah. Hayaan mo siya Jennie kaya ko naman sila buhatin dalawa e." parang wala lang na sabi niya at inayos ang pagkain ni Trei, nakita ko pa siyang nag thumbs up kay Ella.

Hindi na lang ako nagsalita pa kasi wala naman akong panalo sa mga ito.
Inasikaso na din itong katabi ko na puro ketchup ang mukha.

"Do you want to ride a bike later?" tanong niya sa mga bata habang kumakain pa.

"Yes tato and I want to learn how to ride bicycle also." bibong sagot ni Trei at nag nod lang si Lisa.

"Okay, finish your food para makapag-bike na tayo." sabi niya tapos ginulo ang buhok ng bata.

Pagkatapos kumain ay ako na ang nagligpit sa mga basura namin kasi bumili sila nga tubig. Nagulat na lang ako pagbalik nila naka-bike na sila. Yung mga bata sa loob ng side car at siya naman ang nagpepedal.

Animal DoctorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon