Just the 3 of Us

1.2K 38 8
                                    


Lisa's POV

Dalawang buwan na simula noong nanligaw ako kay Jennie at masasabi kong maayos naman kaming dalawa. Madalas kapag weekend lang kami nakakapag-date dahil may work nga siya weekdays at ako din naman pero minsan magkakasama naman kaming mag-lunch kapag hindi ako masyadong busy.

Minsan nagdadala pa rin ako ng foods sa bahay nila kapag gabi para lang makita ko siya dahil hindi siya mahilig sa video call pero nagpapalitan naman kami ng mga messages. Sa loob ng dalawang buwan ay dalawang beses ko pa lang kaming nakapag-dinner together dahil madalas lunch date lang at kasama si Jade.

Masaya ako dahil may improvement ang panliligaw ko sa kanya kasi minsan siya din ang nag-aaya ng date o hindi kaya iimbitahan niya ako sa bahay nila kapag Sabado at sympre kinikilig ako.

Ngayon ay nandito na ako sa harap ng gate nila dahil sinabihan niya ako na sunduin sila ngayon at mamimili sila ng Christmas decorations nila. September pa lang pero hindi ko alam kung bakit ang aga naman nila mamili.

"Good morning po tita." Bati ko kay tita na nagdidilig ng mga halaman. Nakabukas ang gate nila kaya pumasok na ako at sinabi din naman ni Jennie.

"Oh good morning Lisa. Hintayin mo na lang sila loob." Bumeso din muna ako sa kanya bago nagtungo sa loob ng kanilang bahay at naabutan ko si Ella na nanonood sa sala.

"What's with the face Ella?" Nakita ko kasing parang nakabusangot siya at nakatingin sa phone niya.

"It's Trei, she's so annoying po." Pinakita niya pa sa akin ang phone niya. Kaya naman pala masama ang timpla niya ngayon dahil nagsend si Trei ng mga stolen photos ni Ella at hindi nga naman talaga maganda ang angle dahil may isang naghihikab pa siya.

"Cute naman ah."

"It's not cute po. Look at my face I look like an idiot. I swear I'll break her board one of these days." Tumahimik na lang ako dahil baka sa akin niya pa ibunton ang galit niya kay Trei. Ang sutil naman kasi ng batang iyon at laging pinagtri-tripan itong si Ella.

"Woaah you're here now." Napatingin kami kay Jade na tumatakbo pababa palapit sa amin bitbit si Lily.

"Easy there tiger." Paano ba naman kasi ang higpit ng yakap niya. Akala mo hindi kami nagkita noong isang araw.

"Good morning doc and hello again tita Ella." Bumeso muna siya sa akin bago yumakap kay Ella na naka-ngiti na ngayon.

"Good morning too. Where's your mommy?" Tanong ni Ella sa pamangkin na naka-upo ngayon sa tabi namin habang hinihimas ang balahibo ni Lily.

"Upstairs po. She told me to come down first."

Maya-maya ay nakababa na din si Jennie.

"Good morning Jennie." Masayang bati ko sa kanya at bumati din naman siya pabalik.

"Let's go. Baby say bye bye to tita Ella and Lily now."

"Bye bye tita Ella and Lily. I'll buy you chocolates tita and treats for you Lily." Masiglang sabi niya sa dalawa at muling yumakap kay Ella.

Nagpaalam na din ako kay Ella at nauna na sa labas para magpaalam din kay tita na hanggang ngayon ay nagdidilig pa din ng kanyang mga halaman.

"Tita alis na po kami."

"Sige, mag-ingat kayo." Maikling sabi niya at nagbigay pa ng thumbs up sa akin.

Hinintay ko muna saglit ang mag-ina dahil nakita kong nagpapaalam na din sila kay tita.

"Sa mall na ba tayo or somewhere?" Tanong ko kay Jennie nang makapasok na ako sa driver's seat.

"Mall please." Tumango ako saka pinaandar na ang kotse patungo sa mall at binuksan ko din muna ang stereo para may pinakikinggan kami habang nasa biyahe.

Animal DoctorWhere stories live. Discover now