Relationship Goal

1.2K 39 2
                                    

Lisa's POV

Mabilis lumipas ang mga araw. Maayos naman ang relasyon namin although minsan madalas niya akong pagalitan dahil nagiging hormonal teenager daw ako. Sino ba naman kasing hindi e kapag nagkikita kami lagi niya akong inu-ulol tapos kasalanan ko pa. Ang sama ng ugali niya talaga. About sa swimming namin walang nangyaring miracle dahil hindi naman ako papayag na sa public place namin gawin ang ganung bagay. Ang tatanda na namin para gawin pa ang mga iyon.

Noong Pasko magkasama ang pamilya namin lumipad patungong Japan para doon mag-celebrate ng Pasko at sa Korea naman noong Bagong taon. Sympre hindi na ako tumutol dahil baka sapukin niya pa ako. Ibang klase talaga si Smurfette magalit. Isa pa yang Smurfette na yan, ayaw na ayaw niyang tinatawag ko siyang ganun dahil hindi naman daw siya kulay blue.

Natigil ako sa pagda-day dream dahil nagri-ring pala ang phone ko.

"Good morning Smufette, happy birthday." Humahagikgik kong bati sa girlfriend ko.

"Don't start Lisa. Let's have a dinner date later." Seryosong sabi niya kaya tumahimik na ako.

"What?! Bakit tayo lang? Jan na lang tayo sa bahay niyo mag-dinner tapos labas tayo after." Ayaw ko naman kasi na kaming dalawa lang ang mag-celebrate ng birthday niya.

"Na uh. We already had breakfast together and I'm planning to treat my co-workers and lastly I already ask mom if she can babysit Jade so we can have the night." Nag-smile ako dahil planado naman na pala niya lahat.

"Gusto mo lang ako masolo Smurfette e. Okay, sunduin kita sa inyo mga 6."

"Whatever. Take care." Sabi niya lang at saka pinatay ang tawag. Wala talagang sweetness sa katawan jusko. Siya itong clingy pero hindi siya yung tipo na magsasabi ng "I love you" everyday.

Wew. Matapos akong babaan ay tinext ko na lang na mag-ingat silang dalawa ni Jade tapos muling binulsa ang aking phone.

Anong bibilhin kong regalo para sa kanya? Marami na siyang bags at accessories kaya pass sa mga ganon. Kung dog foods na lang kaya para kay Kuma? Damn. Hindi naman pwedeng birthday sex dahil baka hampasin niya pa ako pero maganda namang gift yon. Lol. Napapa-iling na lang ako habang nakaupo sa pwesto ko at parang tanga na natatawa.

________

Alas tres na ng hapon kaya nandito ako sa mall para bumili ng pwedeng ibigay sa kanya bilang gift. Kanina pa ako nag-iikot pero hanggang ngayon wala pa din. Bigla akong napangiti dahil may nakita akong pwedeng ibigay sa kanya. I swear magugustuhan niya itong ibibigay ko kaya dali-dali akong nagtungo sa store.

Matapos mabili at maipabalot ay lumabas na ako sa mall para pumunta sa isang flower shop. Well, hindi ko pa kasi nabibigyan ng bulaklak ang dyosa ng mga pusa sa kadahilanang hindi ko alam ang mga ibig sabihin. Alam kong red rose para sa wagas na pag-ibig pero gusto ko din na maiba naman. Dalawang klaseng bulaklak ang naisipan kong ibagay sa kanya at sa tingin ko perfect sila.

I really want to give her a flowers and gifts that has meaning. Kahit hindi mamahalin basta something na makakapagpaalala na special siya sa akin.

Nang makabili na ako ay agad na akong nagtungo sa bahay nila. Mabilis ang biyahe kahit medyo traffic dahil motor ang dala ko ngayon. Pagka-park ko sa motor sa ng gate nila ay inayos ko muna ang aking sarili saka inamoy pa dahil baka amoy pawis ako o ano man saka kinuha ang bulaklak at regalo. Yikes! I'm such a good girlfriend.

Si Kuma ang sumalubong sa akin na masayang ikinakawag pa ang buntot. Such a happy dog he is.

"Waah! Baba!" Tumatakbong salubong sa akin ng isang mini Jennie. Aigoo, she's so hyper.

Animal DoctorWhere stories live. Discover now