Date

978 34 2
                                    

Lisa's POV

Ngayon ay January 16, kaarawan ni Jennie pero hindi ko pa siya binabati ng Happy Birthday. Nasa clinic ako dahil Sabado at nagpadala siya ng lunch para sa amin.

I decided to call her para magpasalamat at inangat niya after nang ilang ring.

Nini: Hello?
Me: Nini, thank you sa lunch. Anong meron?

Nagkunwari akong walang alam dahil iinvite ko siya mamaya sana lang  ay pumayag dahil nag-paalam naman ako sa magulang niya.

Nini: Wala. It's just a treat.
Me: Okay. Can I invite you for dinner?

Narinig ko pang parang may kausap siya kaya medyo natagalan ang response niya.

Nini: Bakit hindi ka na lang dito mag-dinner?
Me: Nice offer pero ako ang nag-iinvite.
Nini: Okay.
Me: Sunduin kita mga 6.

Phew. Thank goodness at pumayag. Well I'm planning to invite her sa apartment ko. I'll cook tapos manonood na lang after.

"Hey, kain na." Aya ni Irene sa akin saka ako sumunod sa kanya.

Ang daming pagkain ngayon may drinks pa, iba talaga kapag Jennie Kim.

"Lisa, pakisabi kay Jennie thank you sa foods and Happy Birthday na din." Isang tango lang ang naging tugon ko kay RM dahil may pagkain pa ako sa bibig na nginunguya.

"Grabe nabawasan na tayo ng isa tapos ngayon si Lisa naman ang aalis pero masaya ako para sa inyo." Dagdag ulit ni RM nang naka-ngiti.

Oo nga pala nasabi ko na sa kanila na aalis na din ako sa June at naka-alis na din si Jungkook last week pero bago umalis ay nag-bar muna kami— hindi kasali si Irene sympre.

"Thank you po Doc. Alam niyo naman na pangarap ko din ang makapag-work sa ibang bansa para maranasan kung paano ang buhay Vet doon at matuto pa sa larangan ng napili nating propersyon. Sana lang pagdating ng panahon mabigyang pansin ang propesyon natin at hindi ituring na mas mababa kaysa sa mga doktor ng tao."

Masakit sa amin na bilang mga Vet kapag sinasabihan kami na doktor lang kami ng hayop, taga-bakuna lang daw. Tusok-tusok lang daw ang ginagawa namin. Nag-aral kami ng 6 years yung iba umaabot pa ng 8 years dahil sa sobrang hirap ng mga subjects tapos board exam pa saka sasabihin taga-tusok lang.

Mahirap ipaintindi sa mga tao ang kahalagahan ng propesyon namin pati na din ng ibang propesyon na laging namimis-interpret.

"Darating din tayo jan Lisa." Wika ni J-Hope habang kumakain ng Shanghai at tinanguan lang ng iba naming kasama.

Matapos naming kumain ay ako na ang nagligpit ng pinagkainan tapos nauna na silang bumalik sa kanya-kanyang trabaho.

_____

Pagpatak ng alas-singko ay nagpaalam na ako sa mga kasamahan ko saka nagmadali na pumunta sa bahay nila Jennie. Dumaan muna ako sa bilihan ng doughnuts para bumili ng pasalubong para sa Ella, mabuti na lang naka-motor ako kaya iwas traffic na din.

Pagdating ko ay si Kuma ang sumalubong sa akin at kumakawag-kawag pa ang buntot.

"Ang aga mo naman Lisa." Sumalubong din si tita sa akin kaya bumati muna ako.

"Kaysa naman mo late tita. Nagdala nga po pala ako ng sweets para sa inyo at kay Ella na din." Tinaas ko pa ang hawak kong box ng donut saka tumawa lang si tita.

"It feels like your courting someone but not." Hindi ko alam kung saan galing ang sinabi ni tita kaya nagkibit-balikat na lang ako.

Wala naman sigurong ibig-sabihin dahil kapag bumisita ako sa isang bahay ay minsan nagdadala ako ng food lalo na kapag may bata like kay Irene.

Animal DoctorDonde viven las historias. Descúbrelo ahora