Naranasan niyo na bang sumakay sa Ferris wheel? 'Diba kapag sumakay ka dito ay medyo walang sigla ka pa dahil nasa ibaba ka pa lang? Ngunit kapag nagsimula na ang pag-andar at pag-akyat ng tsubibo ay nabubuo ang ating pagkasabik at kasiyahan. Doon maihahantulad ang buhay at buhay pag-ibig ni Ace. Nagmistulang malungkot ang pagsampa niya, ngunit halos nagbago ang lahat na may nakasabay siya. Kasabay ng pag-akyat ay ang pagsaya ng buhay ni Ace at nang marating ang tuktok ay pakiramdam na nasa alapaap ang huli pero kapag sumakay ka sa ferris wheel ay umiikot kaya 'pag narating mo na ang itaas ay awtomatik na ikaw ay bababa, ngunit isa sa pinakamasakit doon ay ang kasama niya sa pagtaas at nanatili sa itaas habang siya ay naiwang malungkot sa pagbaba. Pero parang buhay, maraming pagkakataon na animo'y tiket sa tsubibo. Muling sumakay sa ferris wheel/tadhana si Ace at lubos na ikinagulat nito ng mayroong sumabay sa kanya, ang tanging lalaking minahal at kinamuhian niya. Sa pag-andar ng tsubibo ay nanumbalik ang pakiramdam nila sa isa't-isa, ngunit andoon ang takot at pangamba na maari siyang maiwan muli na nag-iisa at malungkot o kasama parin niyang mananatili sa itaas o sabay din sila sa paglagapag sa ilalim. Ang pagbibigay ng isang pang pagkakataon ay parang sugal at walang mali doon, ang mali lang kapag ikaw ay nasobrahan sa paglalagay ng taya ng walang itinitira sa iyong sarili. Isang huling oras ang kailangan sa tamang panahon, oras at tadhana para sa pagmamahal na tatagal ng pang habang buhay.