Chapter 44

632 18 11
                                    

Leave me lonely


NAKARAMDAM at nakita ko ang dalawang lalaki na nakaharap sa akin pero hindi ko sila nakikilala dahil ang liwanag. Sobrang liwanag! Mas lumiwanag pa ang kapaligiran namin ng tumalikod sila, huminto ng panandalian tsaka sabay nilang inaabot ang kamay ko.









PANAHON NA.












HALIKA NA.










PUNYETA KA!







NAPAUPO ako ng may maramdaman akong malakas na sampal na dahilan para ako'y mapamulat tsaka ako napahawak sa aking pisngi.

Aba'y gago yun ah?!

Agad na bumungad ang napakapamilyar na muwebles at mukhang alam ko na kung asaan ako, nasa ospital na ako at nakita ko kaagad si Rhys at ang isang babaeng bago lang sa aking paningin, teka sino ba siya?!

At bakit ang sama ng tingin niya sa akin.

Nga pala! Sino yung hampas-lupa ang sumampal sa akin.

Tinangka kong bumangon ng biglang kumirot ang aking binti kaya ako napasigaw ng impit. Ikinagulat ko rin naman ng higitin ng babaeng iyon ang aking buhok ay sinampal ng maraming beses. Nasasaktan na ako tsaka dagdag mo na nadadaganan niya na ang aking sugat sa binti. "Kapal ng mukha mo! Nabuhay ka pang hampas-lupa ka!" Galit niyang sigaw sa'kin na sobrang ikinainis ko! Ginising ba naman ako sa pagkaka-comatose

Bago ko pa man magawang lumaban ay inawat siya ni Rhys sa marahas niya itong itinulak, kaya napa-upo ito sa sahig. "Ikaw kaya ihampas ko sa lupa! Lecheng 'to! Ano bang atraso ko sa'yo?!" Lumapit naman siya sa harap ng babaeng mapanakit. "Ilang beses ko ng sinabi sa'yo na hindi kasalanan ni Ace ang lahat ng nangyari!" Usal ni Travis sa babaeng nanakit sa akin. "Siya lang naman ang dahilan kung bakit namatay yung boyfriend ko!" Galit na galit na sigaw ng babae pagkatayo niya, tinangka pa nga niya akong sugurin mabuti na lang kamo ay andyan si Rhys para harangan siya.

F.Y.I hindi lang ikaw ang nawalang ng kasintahan 'no?! Si Matteo rin, este ako rin pala! Tsaka duh! Wala akong paki kay Lorenzzo dahil siya naman ang may pakana nun!

"Kung hindi ka niya nakita sa loob edi sana hindi sa siya pumasok doon para ibuwis ang buhay niya sa gaya mo!" Nagmistulang isang malaking krayum ang sinabi niya na dumulot sa aking dibdib. Hindi si Lorenzzo ang tinutukoy niya kundi si Miguel.

Hindi ko na malayan na kumawala ang luha sa aking mata na kasalukuyang umaagos sa aking pisngi. Hindi ko inaakalang magbubuwis siya ng buhay para sa akin. Patawad Migs!

Napayuko ako at pinilit kong tumayo kahit pa parang madudurog ang binti ko sa sobrang sakit.

Parang nawala yung sakit ng binti ko dahil sa aking mga narinig.

Pipigilan sana ako ni Rhys ngunit ako mismo ang nagpatigil sa kanya. "Ace! Ano ka ba, sabi ng duktor na hindi ka pwedeng magkakad dahil hindi pa magaling ang sugat mo!" Pagsaway sa akin ni Rhys.

Tuloy pa rin ako sa paglalakad papalapit sa babae at hindi pinakinggan ang pagbabawal sa'kin ni Travis.

Dirediretso ang paglapit ko sa huli at wala sa aking isipan na baka anong gawin niya sa akin kapag ako'y nakalapit sa kanya, pero gusto ko siyang kausapin.

Ikinagulat ko naman ng itulak ako ng babae kaya ako'y bumagsak sa sahig na ginusto ko rin naman.

Masokista ka ghurl~

"Tumigil ka na!" Bulyaw ni Rhys sa babae. Initanaas ko naman ang aking kamat at pinahinto ko siya sa pagmamaktol.

"Ano ba 'yan! Ace itigil mo 'yan!" Singhal sa akin ni Rhys. Napasinghap naman ang babae sa aking ginawa.

One Last Time (My Everything Series) (BoyxBoy)Where stories live. Discover now