Chapter 32

519 21 0
                                    

Souvenir


NAABUTAN ako ni kuya na humahagulgol sa parking lot ng sunduin niya 'ko. Isang yakap ang agad niyang ginawad sa akin na mas lalo pang nagdulot upang lakasan ko ang aking hagulgol.

Ganon na lang pala kadaling bitawan ang lahat ng binuo niyo 'no? Lalo na kapag mas na ngibabaw ang pagdududa at pagpaparatang.

Bakit pa ba kasi na buo ang kunsepto ng maling akala?!

Wala sa sarili akong sumakay sa kotse ni kuya at nagsimula na itong umandar at mayamaya pa ay tinatahak na namin ang daan patungong paliparan. Siyempre tuloy parin ang pagtangis ng lola niyo.

Natapos na kasi ang concert ng BTS dito kaya babalik na siya sa Las Vegas at sumama na rin ako para takasan ang sakit na unti-unting gumugunaw sa aking pagkatao.

Ngunit parang walang katapusan ang pag-agos ng luha sa aking mga mata. "Tama na 'yan putpat! Don't waste your tears for the person who doesn't know the value of it." Galit niyang usal. Oo alam kong naririndi na siya sa kakahikbi at kisnot ko pero anong magagawa ko? Tao lang, nasasaktan at umiiyak.

Asa gitna na kami ng biyahe at tulala ako at paulit-ulit naaalala ang saya ng kapiling siya at pati ang hapdi ng mga sinabi niya. Hindi ko na mamalayang kumawala at umaagos na ang luha sa aking pisngi. Sobrang sakit.

Narating na namin ang paliparan at ito na ang nalalabing oras ko dito pero nais ko siyang makita sa huling pagkakataon ngunit wala na, pinagbuklod na kami ng tadhana at sana huwag na muling pagtatagpuin kung hindi rin naman kami ang magkakatuluyan.

At alam kong malabo na itong mangyari.

Pero sabi ni kuya masyadong maliit ang mundong ginagalawan namin upang hindi kami magtagpong muli kaya mabutihin kong ibalik ang dipensa at tatagan ang aking puso sa muling pagkukrus ng aming mga landas.

Nakakasiguro akong matgal-tagal pa iyon.

Habang inilalagay ko na aking bagahe sa scanner ay pinapanalangin kong may magtanim ng bala sa bagahe ko para maantala ang paglipad at mahabol pa niya ako. Pero nasugpo na ata lahat ng mga nagtatanim ng bala eh, walang tumubong bala sa aking bagahe at tuloy ang aking lipad patungo sa Las Vegas. Napakatanga mo Ace ewan ko ba, bakit ako pa naging utak mo! Marupok! Hindi ka nga niya mahal diba?! Gising na!

Harsh ng utak ko mga inengs.

Iniwan muna ako ng kuya dito sa lobby at para akong bata na nakaupo sa isang sofa at yakap-yakap ang aking tuhod, walang humpay ang pagtakas ng mga brilyante sa aking mata at wala akong magawa upang ihinto o mapigilan pagdaloy nito pababa sa aking pisngi.

Isang bulto ng lalaki naman ang lumitaw sa aking harapan, hindi ko makilala dahil sa mga luhang namumuo parin sa aking mata. Siya na ba ito?

Tinapik ako nito at inabutan ng kape. Iyan ang agad na inabot sa akin ng butihin kong kuya nang matigil ako sa kaka-iyak at gumana nga ngunit panandaliaan lang ang epekto nito dahil bumigay nanaman ang mata ko akala ko kasi si Matteo na iyon eh.

Dalawang oras pa bago ang aming flight at sa dalawang oras na iyon ay nagpakalunod na ako sa aking luha dahil iiwan ko na ang lahat dito. Legit!

Everything is settled so there's no turning back now. I'm ready to face the new Ace, the more stronger and tough Ace. Now I'm setting myself free from him and I'm leaving all of my memories and feelings for him in this country, cause there's no point in bringing it with me, it will just make me so fvcked up again. So, Ace here we go. Back to the place you've missed for such a long time.

One Last Time (My Everything Series) (BoyxBoy)Where stories live. Discover now