Chapter 8

1K 41 0
                                    

Confessions

HALOS mawalan ako ng dugo sa katawan ng pinatigil niya ang lahat ng tao sa classroom namin dahil sa sasabihin niya. Pinigilan ko siya ngunit desidido na siyang ipangalandakan ang relasyon namin sa lahat.

Kaya niya nga akong protektahan pero hindi sa lahat ng oras at tsaka nangangamba ako dahil baka ikasira ng kanyang pag-amin ang pangalan nito.

Oh my gosh. Am I doubting him?

Nanahimik lahat ng tao na dahilan para mas kabahan pa ako. "Ano bang sasabihin mo Matteo?" Tanong ng isa naming kaklase. Tinignan ko siya kanyang mukha ay walang bakas ng kaba o takot na salungat sa akin, nababanaag naman sa aking mukha ang pag-aalangan at pangangamba. Para naman siyang naduwag ng pumasok ang grupo ni Angela at bumaba siya sa kanyang kitatayuan at lumapit sa'kin. Tama nga ako 'di pa siya handa. Tama 'yan. Play safe tayo Matteo.

Napuno naman ng hiyawan at sigawan ang apat na sulok ng silid nang halikan ako ni Matteo sa harapan ng mga kaklase namin. Maski ako'y nagulat din. Akala ko mag-babackout siya? "Anong ginagawa mo?" Bahagya siyang ngumisi sabay. "Kissing my cute boyfriend in front the class, because I love him so much." Pinamulahan naman ako ng pisngi sa sinabi at ginawa ng mokong. Kinilig naman ako sa ginawa niya kaakibat naman no'n ay ang takot, baka mas lalong lumala ang puwedeng gawin ng grupo ni Angela sa akin. Hindi sa natatakot ako sa kanila kundi baka ika-sira ng relayon naming dalawa ni Matteo.

Mga bulungan naman ang namayagpag sa apat na sulok ng aming silid. Kami ang pinaguusapan.

"Nakita niyo na, kaya hindi na ako magkakailang mayroong namamagitan sa aming dalawa ni Ace. Hindi ko na itatago 'to at wala akong pakialam sa sasabihin niyo sa akin ang importante ay mahal ko siya. kapag nalaman ko lang na sinaktan o inapi ninyo si Ace, pasensyahan tayo dahil buburahin ko mga mukha niyo. Masyado siyang mahala sa'kin kaya hindi ko maatim na makita siyang nahihirapan at nasasaktan, alam kong hindi madaling 'tong pinasok namin pero, I won't give a fvck, sa gustong sumira sa'min. Ipaglalaban ko siya kahit pangalan ko pa ang kapalit."

"Are you really that desperate Matteo?! Papatol ka sa bakla?" Pagsabat nito kay Matteo. "Nakakahiya ka. Sikat ka sa buong kampus bilang lalaking kayang magpalaglag ng panti sa isang kindat lamang pero ano pumatol ka sa isang fag. Ano na lang sasabihin sa'yo ni tito Leandro kapag nalaman niyang isa kang tiklop? Nakakadiri kayo!" Sambit niya habang panay ang pag-irap sa'kin. "Say what you want, pero hindi ako natatakot na madungisan ang pangalan ko, and for the record he's more than what you think. Hindi niya ipinagsisiksikan yung sarili niya sa iba at hindi rin siya nag-aasal mayaman gaya ninyo kahit na napakalaki na ng kumpanya nila sa States. Oo bakla siya pero mas may purity siya kumapara sa inyo. Hinding-hindi ko pagsisihan kahit kailan na minahal ko siya dahil mas minahal niya ako. Real beauty comes from inside not from the fake outside." Natigil naman si Angela dahil sa sinabi ni Matteo. Tila may kung anong humaplos sa aking puso na nagpaluha sa aking mga mata.

"Nonsense. Maybe he bribe you or some-" napulot ang kanyang pagsasalita ng sinagot ito ni Dexter. "Huwag mo siyang itulad sa'yo. Using their riches so that they could get what they desire." Namilog naman ang mata ko ng sumabat ito. Si Dex ay isa siya sa mga pinagsasabihan ko ng aking mga sekreto at hinanakit sa buhay, para ko na nga siyang ate eh. Bakla din siya kaya alam niya yung nararamdaman ko ngayon, magkakilala sila ni Ces kaya mabilis din silang nagkasundo.

Natapanganga ang babae. "Ang sabihin mo naiinggit ka lang sa mga tinatamasa ko ngayon. Isa ka lang namang hampas lupa dito sa Maxwell's, at kung hindi dahil sa scholarship na binigay sa'yo ay malamang hindi kanakakaranas ng rangya. A filthy dweller succeeded to blend in. Wow." Wika nito na halos ikawasak ng puso ni Dexter. Wala akong magawa kundi ang manahimik dahil wala akong lakas na loob na lumaban sa kanila.

One Last Time (My Everything Series) (BoyxBoy)Where stories live. Discover now