Chapter 26

525 21 0
                                    

Patawad, Paalam


I'VE been ostracized by the father of my fiancé and it's so damn painful. How I want to explode like a balloon.

Napakasakit.

Ayaw ko na.

Bakit kaya gano'n mga tao ngayon, magmahal ka lang ng kapwa mo lalaki nakakadiri na agad. Magmahal ka lang ng mayaman sasabihing pera lang ang habol. Magmahal ka lang ng totoo ay mahuhusgahan ka na ng mga taong hindi ka pa lubos na kilala. Bakit gano'n? Bakit?!

Kulang na lang magmistulang gripo ang aking mga mata sa kakaiyak. Hindi naman kasi ako dapat maapektuhan pero sobra na, tama na kota na ako.

Nadadamay ang mga taong walang hinangad kundi sumaya.

"Ace? Stop crying na." Wika nito habang nagmamaneho. Wala akong imik dahil okyupado ang aking isipan ng mga tanong at daing. "Moonlight please cut it out already. Don't you see, I'm starting to get worried." Base sa ginamit niyang boses ay para rin siyang naiiyak.

Masakit para sa akin ang makarinig ng mga panghuhusga pero ang mas inaalala ko si Matteo. Nakukuha niyang isugal ang lahat ng meron siya para lang sa akin. Paano kung sa huli pala ay hindi kami ang itinadhana? Paano siya? Kakayanin kaya niya?

Ayaw ko sanang dumating sa puntong kailangan naming talikuran ang isa't-isa para sa ikabubuti namin. Ang problema lang ay pati ako ay lubos na mahihirapang talikuran siya. Paano na?!

Masakit pero mas masakit kapag nagpatuloy pa ito. Ayaw ko sanang gawin 'to pero ito lang ang paraan, gagawin ko.

Baka nga nalilito lang si Matteo sa kanyang kasarian dahil sa akin kaya panahon na upang talikuran ang taong itinuring kong dyamante para mabuo.

"Please, Ace talk to me." Pagsusumamo nito. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya kinikibo. Para akong nawalan ng kakayahang makapagsalita.

Nagtaka nalang ako ng iangat ko ang ulo ko, tumigil ang kotse niya sa isang para bounce house at nagulat na lang ako ng bumukas ang pinto ng inuupuan ko.

Nilahad niya ang kanyang kamay at malugod ko namang itong inabot at habang papalabas ay pinunasan ko ang mga lumandas na luha sa aking mata. Hinila niya ako papasok doon. Namangha naman ako dahil akala ko maliit lang ito ngunit ng makapasok na kami ay napakalaki nito at mukha pinasadya para sa kung-sino.

Pinaupo niya ako at tinabihan. Hinapit niya ang aking ulo at idinikit sa kanyang dibdib na dahilan para bumuhos muli ang mga luhang nagkukubli. Naramdaman ko din ang pagyugyug ng balikat niya marahil umiiyak din siya. Pareho kaming dalawa na nagsasalo ng pagtangis.

Makailang minuto din bago kami natigil sa pag-iyak. "K-kanino 'to?" Tanong ko habang humihikbi. "This is the place that I used to go when I want to cry. I will jump and bounce so that if I cry, my tears won't drip on my face and as if my tears could jump out from my own eyes. Cause back then I hate whenever there's a tears rolling down through my cheeks." Saad nito ay muli ako niyakap at hinalikan sa noo. "Can we stay like this, please. I-I need this. I need y-you." Anito at muli kong naramdaman amg pagyugyug ng balikat niya.

Masyado na siyang naaapektuhan ng alitan nilang mag-ama dahil sa'kin. Kailangan ko na itong gawin, ayaw kong ako pa ang dahilan para magkasira sila. Alam kong sinabi ko sa ama niya na handa akong lumaban para sa aming dal'wa, pero oo, lumalaban ako kaso lalo lang lumalala. May mga bagay na hindi na dapat ipagpatuloy dahil baka mapuruhan at hindi na ito magawan ng remedyo, gaya na lang ng relasyon nilang mag-ama.

Matteo sa balang araw maunawaan mong ginawa ko ito hindi dahil naduduwag ako kundi para sa kapakanan mo. Ayaw kong mawala sa'yo ang lahat ng dapat para sa'yo na ako ang nagiging hadlang upang matasa mo iyon. Huwag ka sanang magagalit.

One Last Time (My Everything Series) (BoyxBoy)Where stories live. Discover now