Chapter 7

1.1K 33 2
                                    

Tiwala

NAPANGANGA halos lahat ng tao sa gymnasium nang pumasok kaming dalawa.

Halloween ball namin ngayon kaya dapat lahat naka-costume. Maraming nagulat ng sabay kaming naglakad patungo sa department namin. Naka cosplay kasi ako bilang Aphrodite sa isang sikat na laro sa internet samantalang si Matteo naman ay naka Captain America na costume. Shemay! Mala-Chris Evans ang dating.

Nakakalaglag ng panty talaga. Chos!

"You look stunning." Mahinang bulong niya sa'kin.

Para naman akong tinakasan ng dugo sa katawan ng sabihin niya iyon. Unang beses palang niya kasi ako makitang naka cosplay simula nung maging kami. Oo. Hindi kayo nagkakamali. Kami na ni Matteo T. Amirose.

Hindi ako umimik bagkus tumungo ako at nagpatuloy sa palalakad.

"Kayo na ba?" Tanong ng isa naming kaklase nang makarating kami sa aming department. Namilog naman ang aking mga mata ng narinig ko iyon. Pero parang wala lang kay Matteo. Sinabihan ko kasi siya na huwag munang ilabas sa publiko baka kahihiyan ang idulot nito sa kanya, ngunit tumutol ito sa aking hiling.

"No. I want us to be free. Yung kahit saan p'wede kong hawakan ang kamay mo. Who cares if I'm in a relationship with a gay. Yes, you're not a girl but they are nothing compare to you."

Ugh choice of words.

Ako pa rin ang nasunod dahil sa kahilingan ko rin ito. Para rin naman ito kay Matteo.

"We are." Mahinang sambit ni Matteo. Agad ko namang tinignan siyang tinignan.

Agad ko naman siyang siniko sa tiyan sabay tutol. "Hindi ah! Alam mo ikaw ang lakas ng trip mo." Asik ko at siguro kasing pula na ng mansanas ang mukha ko. Dahil sa ginawa ko kay Matteo kinustya tuloy kaming dalawa.

Kami pero as for now kailangan muna naming itago. Mahirap na at may pangalang iniingatan si Matteo.

Ilang minuto pa ay nag umpisa na ang event. Natuwa naman ako dahil si Ces ang isa sa mga emcee nakabihis diwata samantala namang ang kasintahan niyang si Lenon ay naka costume na isang bampira. Matapos ang nangyari kanina ay hindi ko makuhang tumingin sa mga mata niya para bang nadismaya siya sa pagtutol ko na ipangalandakan ang relasyon namin.

Ika nga kay Elsa. Conceal don't feel, don't let them know. Hahaha. Charot.

"Ace! Is that you? Wow! You're looking amazing today. Ikaw ha ang daya mo hindi mo ako sinabihan na magcocosplay ka pala edi sana dinamayan kita bet ko pa naman ding mag ala-Victoria ngayon. Grabe ka mukha ka talagang babae!" Sambit sa'kin ni ate Kristell matapos akong yakapin. Nahirapan pa nga siya sa pagyakap dahil sa suot kong pakpak at hawak kong pana. "Hala ate sorry po. Hindi ko rin naman po kasi alam na kasama yung mga third year eh." Pagpapaumanhin ko sabay tungo. "Yo-" naputol na sambit ni ate Kristell ng sumulpot ang asungot niyang kapatid.

"Hey. Anong ginagawa mo dito?" Tanong nito sa kanyang ate. "What's wrong with all of the second year today. Lahat na lang tinanong 'yan. Of course kasama kami dito dahil event namin 'to sinama lang kayo." Napahalukipkip si ate Kristell at kami naman ay napatawa.

Hahahaha. Ayan gigil na si ate Kristell.

Matapos ang ilang minuto ay umalis na rin siya upang pumunta sa department niya. Akakibat ng pag-alis niya ay ang pag a-anunsyo ng mga kalahok sa best in costume. Bali dalawang p'westo ito. King and Queen of the night. Natuwa naman ako ng napili si Matteo ngunit hindi na ako umasang mapipili akong Queen dahil alam naman nating nakapangdamit babae lang ako at higit sa lahat hindi ako babae.

One Last Time (My Everything Series) (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon