Chapter 3

1.3K 34 1
                                    

Insult


NAKAPILA kami ni Ces para bumili ng kakainin namin ngayong recess at ang bibilhin namin ay Chicken Pesto dahil sabi ni Ces ay pang world class daw ang lasa nito. Nakabili na kami ng pag-kain at inumin ng magsimula kaming maghanap ng puwestong puwedeng kainan kaya nilibot namin ang buong cafeteria.

"Ace! Sabi ko sayo dapat ikaw nalang nag hanap ng puwesto natin at ako nalang ang bibili ng pag-kain eh. 'Yan tuloy wala na tayong mapuwestohan." Panisisi sa'kin ni Ces. "Ako pa 'tong sinisi mo eh kakasabi mo lang kanina na samahan kita sa pila. Pasalamat ka babae ka kundi napektusan na kita." Natigil naman kaming dalawa sa pagsisisihan ng may tumawag sa pangalan namin.

Hinanap ko kung sino at kung saan ito. Sa paglilibot ng aking mata ay may nahagip akong lalaking kumakaway at tila ako ang tinatawag.

"Bakla. Si Matteo yung tumatawag." Maingay man sa loob ng cafeteria ay rinig ko pa din ang haninang pagbulong sa akin ni Ces. "Paano naman na sabi na si Matteo yung tumatawag sa'tin?" Napakunot ako ng noo ko nung ituro ni Ces yung lalaking kumakaway. "Siya 'yan oh. May salamin ka naman pero bakit hindi mo mamukhaan yung taong pinapantasya mo." Nasiko ko si Ces sa tagiligan at sabay binulungan ki siya. "Ano ka ba pag may nakarinig niyan, ano na lang sasabihin nila aber?"

Napaisip siguro si Matteo kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin kami lumalapit sa kanya.

Papalapit na kami sa lamesa kung saan siya nakapuwesto at unti-unti kung nararamdaman ang kaba dahil kasama niya sa lamesa yung ate Kristell niya. Malapit ako kay ate kristell pero hindi niya alam na may gusto ako sa kapatid niyang saksakan ng kagwapuhan at kakisigan.

Malapit na kami sa puwesto nila ng may naramdaman akong kung ako sa nilalakaran ko na dahilan ng pagkatisod ko, ang hawak ko namang tray na may platong puno ng Chicken Pesto ay natapon sa isa sa mga Professor namin.

Nagsitinginan ang lahat ng tumili ang Professor ko. "S-sorry po ma'am hindi ko po 'yun sinadya." Nauutal kong sambit dahil sa sobrang kaba ko. "Ayan kasi puro lalaki ang hinahanap, hindi naman marunong tumungin sa dinadanan 'yan tuloy nadapa ka. Dinamay mo pa si Prof. Emeralda." Nakataas ang  kanang kilay niya habang nakatingin sa'kin ng masama at agad naman lumapit sa kinaroroonan ko sina Matteo at ate Kristell.

Pinigilan ko lang ang aking sarili dahil ayaw ko siyang patulan siya kaya ang dahilan kung bakit ako nadapa dahil ipinarada niya ang kanyang paa sa dinadaan ko.

Si Angela Sandoval ay anak ng sikat na business man sa buong bansa na si Hidalgo Sandoval kaya lahat ng tao sa paaralang ito ay naoapasunod niya. Napapansin ko lang ako lagi ang pinagiinitan niya simula nung lumipat ako dito sa Maxwell's. Buti na lang andyan lagi si Matteo para ipagtanggol ako.

"Angela. What happened here?" Agad na salubong sa kanya ni Matteo. "My gosh! 'Yang magaling mo kasing kaibigan kung saan-saan dumadapo ang mata kaya iyan. Nadapa. Masyado kasing hayok sa lalaki eh." Hindi ko na kinayanan ang huli niya sinabi kaya lalapit ma sana dapat ako pero agad siyang pinagsabihan ni Matteo. "Hindi ganon si Ace and in fact nakatingin lang siya sa'kin kanina bago mo pa iharang iyang paa mo kaya siya napatid." Ikinatuwa ko ang sinabi ni Matteo dahil ang akala ko ako lang ang nakakita sa ginawa ni Angela.

Nagwalk-out si Angela sabay naman ang mga kaibigan nito na sinamaan muna ako ng tingin bago ito tuluyang lumabas ng cafeteria.

"Ma'am Emeralda. Sorry po sa nangyari. It was just a planned accident." Sambit ni Matteo. Buti mabait si Ma'am Emeralda at hindi niya ako pinagalitan.
.
.
.
.
.
.
.
.

NANG-GIGIL ako ng maalala ko ang ginawa niya sa'kin noong nasa Maxwell's palang kami.

"Gosh! May salamin ka na nga hindi mo pa ako nakita!" Maarte niya sambit kaya biglang tumaas ang kaliwang kilay ko. Papatulan ko na sana kung hindi lang dumating si Matteo.

One Last Time (My Everything Series) (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon