Chapter 10

1K 26 0
                                    

Pursuing Me

DALAWANG linggo na ang lumipas mula ng lumipad pa Australia si Raphael pero siyempre nagkakausap pa rin kami sa pamamagitan ng skype. Miss ko na talaga siya. Naglalakad na ako palabas ng kampus namin at nakacivilian ang suotan dahil biyernes naman at tsaka makikipagdate ako sa sarili ko. As usual, wala na kasi siya para samahan ako kada biyernes eh. Sad.

Nasa terminal ako ng taxi at nag-aabang nang may sumulpot na asungot. "Hey! Bakit ang bilis mo? Tsaka saan ka ba pupunta?" Hapong-hapong sambit ni Matteo. Naningkit ang aking mga mata sabay. "Bakit ka ba sunod ng sunod? Aso ba kita?" Mataray kong asik sa kanya. "Diba sabi ko sa'yo na kahit hindi mo sinagot yung tanong ko sa'yo ay magpapatuloy pa rin ako. I will keep on pursuing you and I will keep on courting you 'til I get that sweet yes of yours." Nagtaas baba ang kangyang mga kilay. Napaka talaga.

Dalawang linggo na siyang ganyan. Nakakainis, but in the same time, it's cute though. He keeps on following me and prevents me to have a video call with Raphael. Seloso siya mga inengs. Baka sabihin niyo pabebe pa ako, p'wes hindi ako pabebe pahard to get lang. Hahahaha. Hindi naman kasi porque bakla ako madali na akong makuha, kailangan munang maghirap at patunayang karapatdapat siya sa aking pagmamahal. Charot.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Stop following me, at p'wede ba 'wag mo na akong kulitin?" Sambit ko sabay talikod. "Diba sa kabila ka sumasakay pauwi?" Nagtataka niyang tanong. "Pupunta akong mall magdedate, mag-isa." Nagkukunwaring mataray pero sa totoo lang kinikikig ako sa bawat sweet gestures niya. "So if that's the case, can I come with you?" Bigla siyang nagpakyut na kinainit ng pisngi ko. Puso ko. Joke.

Nasa taxi na ako at malapit sa mall kung saan ako magliliwaliw kaso maeenjoy ko kaya? Sumama kasi ang huli kahit hindi ko pinayagan, masydong mapilit.

Binaba kami ng driver sa mismong labas ng mall kaya agad ko na siyang binayaran. "Manong bayad ko po." Pag-abot ko sa kanya ng tumataginting na isang daan. "Bayad ka na hijo. Binayaran ka nung lalaking kasabay mo kanina." Sabay ibinalik ni manong yung pera at humarorot na paalis. Nagtaka ako kung bakit biglang nawala si Matteo. May pera ako kaya kaya kong makabayad sa taxi. Hindi na niya ako kailangan pang ilibre. Napakibit-balikat nalang ako at ang sunod na ginawa ay tumungo papuntang entrance ng mall.

Nasa pila na ako ng isang ice cream parlor ng may makabunggo sa'kin. "Ay bastos lang?!" Mataray kong asik sa nakabunggo sa akin. Nagmamadali siguro kasi dirediretsyo lang siya sa paglalakad, pa'no ba naman kasi may dala pang stuff toy na malaki kaya ayan nakakabangga na tuloy siya ng tao. Hayst tao nga naman talaga.

Nang makuha ko na yung order ko ay agad akong naghanap ng mauupoan.

Ang saya naman. Mukhang pinapaburan ako ng araw ngayon ah. Walang ulupong na sumira sa araw ko. Pasubo na sana ako ng ice cream kaso nagulat na lang ako ng may pum'westo sa harapan ko at 'yon yung nakabangga sa'kin kanina, 'yong may dalang makaling stuff toy. "Hi there." Pagbati nito sa'kin. Ayos lang ba siya? Lakas ng tama. Imbis na bumati pabalik ay inirapan ko ito. "Is that the proper way to greet you suitor?" Namilog agad ang dalawang kong mata ng mapagtanto kung kaninong boses iyon. Nawindang ako ng iabot niya sa'kin yung malaking stuff toy na rabbit. Wahhh. Baka kapag hindi ko kinaya bumigay agad ako. Ang sweet niya.

Pinagtinginan kami ng mga tao dito sa loob ng ice cream parlor ang iba naman ay hindi napigilang ngumiti at humiyaw hindi rin kami nakaiwas sa mga mapanghusgang mata ng mga taong makikitid ang utak pero wa-pakels ako. Dedma!

Sa sobrang hiya ko ay inaya ko siyang umalis at doon na lang sa parke kumain na agad naman niyang sinunod. Nang makarating sa parke ay agad akong umupo sa isang bench at doon kinain ang halos tunaw na ice cream habang si Matteo naman ay nakaupo sa kabila at bitbit yung stuff toy na rabbit. Siya daw muna ang maghahawak para makain ako, nagulat na lang ako ng magflash yung cellphone niya 'yon pala kinuhaan niya ako ng litrato.

One Last Time (My Everything Series) (BoyxBoy)Where stories live. Discover now