Chapter 31

472 17 0
                                    

Resignation


ISANG linggo na ang nakaklipas matapos ang ginawang pamamahiya sa akin ni Matteo sa buong kampus kaya todo tago, iwas at nakataas ang aking pasensya pati na rin ang aking damdamin ay pinatatag ko na dahil samot-saring pangungutya ang ibinabato ng bawat taong nakakasalubong ko.

Isang linggo narin akong nagtetengang kawali upang hindi masaktan dahil simula ng kumalat ang balitang iyon ay tampulan akong ng tsismis, pangiinsulto at maski memes sa aming kampus page naruruon ako. Hindi ko na kaya.

Kasalukuyan akong nasa library at nagrereview. Mag-isa. Kailangan kong makabawi sa acads ko dahil bumaba pala ang nakuha kong iskor sa pagsusulit namin dahil abala ako sa pagiging maharot sa taong manloloko. Kapag hindi ko ito nabawi ay hindi ako ang magiging Summa Cum Laude ng batch namin at ayaw kong mangyari iyon kaya heto ako ngayon nagsusunog na kilay. Landi pa more!

May sinusulat ako ng kabigin ng dalawang babae ang librong nakapatong sa table ko. "Anong kailangan niyo?" Mahinahon kong sabi ngunit nababakas ang gigil ko sa diin nito. "Kapal ng mukha mong magyabang, ginamit ka lang pala. Isa kang pūta. Nararapat lang 'yan sa gaya mong feeling genius." Pabalang na sambit ng babaeng nasa aking likuran.

Mahipit ang kapit ko sa laylayan ng aking uniporme dahil hindi ko na kaya makakasakit na ako ng tao kapag hindi nila ako tinigilan.

"Wait lang hindi mo ba alam na kayo pala ni Matt ay nakikipaglandian na siya sa iba." Bakas sa boses niya ang pang-aasar. Naku, yari 'yang labi mong pula, puputok 'yan kapag dumampi 'tong kamao ko sa mukha mo. Kalma Ace! Nang-iinis lang sila huwag papabuwag okay?

Akmang aayusin ko ang mga librong nakalat ay mayroon sila pinanood sa akin na tuluyang bumuwal sa akin. Kitang-kita ko pa ang petsa kong kailan nila ginawa ang bidyo. Agusto 12, iyan yung huling monthsary namin na hindi niya nakuhang makadalo dahil sabi niya pupuntahan niya ang kanyang mommy pero ang totoo pala ay nakikipagplok-plokan na siya sa iba.

Parang may nuclear bomb na ihinulog sa kaibuturan ng aking puso at doon nagpakawala ng napakapaminsalang pagsabog na gumiba sa aking puso.

Nanlalabo na ang aking paningin at unti-unti ng napupuno ng luha ang aking mata kaya nagawa ko pang tumayo at nahampas ko ang telepono niya dahil upang mabitawan niya ito at lumagapak sa sahig. "You son of a b!tch! Tignan mo ginawa mo sa cellphone ko, ayaw ng gumana! Palibhasa nasaktan ka kasi hindi ka talaga totoong minahal, isa ka lang antipara na ginamit upang gawing malinaw ang dating malabong relasyon nila. Abisyosa!" Isang kamay ang lumipad sa aking pisngi na dahilan para gumawa ng lakas na lagapak.

Napatingin lahat ng tao sa puwesto namin at kitang-kita sa aking mukha ang pagiging isang basang sisiw. Lahat ng mata nila ay para husgado na hinahatulan ako o binibigyang leybel na hindi makatarungan.

Dahil sa ginawa niya ay agad kong kinuha ang aking bag at tumakbo palabas sa library. Halos magkanda dapa-dapa na ako sa kakatakbo, gusto kong iiwas ang sarili ko sa mga taong nakapaligid sa akin. Hindi ko na kaya gusto ko na lang maglaho na parang bula. Napakalaking lamat ang iniwan sa akin Matteo at ewan ko lang kung matatanggal pa 'to.

Nabalik na lang ako sa aking wisyo na naramdaman kong nananakit ang aking pang-upo at nakasalampak na ako sa sahig. "S-sorry." Isang maikling salita na mas lalo pang nagdulot ng aking pag-iyak. Tutulungan na niya sana ako ngunit tinabig ko ang kamay niya at itinayo kong mag-isa ang aking sarili dahil simula't sa pul ay kaya ko naman talagang tumayo ng wala siya pero bakit parang ang hirap? Para akong pilay na nawalan ng saklay.

ISANG kurot ang natanggap ko kay Ces. "Teh! Hindi ka naman yata nakikinig sa sinasabi ko eh?!" Bulaslas niya. Heto ako mas lalong pinamamaga ang mata dahil muling inaalala ang kasalanang nagawa at patuloy parin na magagawa ng aking nobyo, nobyo pa ba ang tawag ko sa kanya dahil sa nakita ko ay sapat na iyon upang itigil na ang aming relasyon na puno ng kasakitan. "Hoy ikaw! Anong gagawin mo ngayon?!" Tanong niya sa akin. Hindi ko alam ang isasagot ko mga inengs.

One Last Time (My Everything Series) (BoyxBoy)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang