Chapter 4

1.2K 35 0
                                    

  I Still Want You

  I Still Want You

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Matteo


"Tama nga sila. Hindi na Ikaw yung dating Ace Hera Silverios na kilala ko dahil ang dating Ace ay hindi palaban, hindi mahilig magkumpara at higit sa lahat hindi siya mayabang." Lumandas bigla ang mga luha sa pingi ni Ace, luha na kanina pa niyang pinipigilan.

Tuloy ang pag-agos ng kanyang mga luha ng nag simula siyang magsalita. "Alam mo ba kung bakit gan'to ang ugali ko ngayon? Dahil kapag hindi ko ginawa 'yon marahil nasa Las Vegas palang ay patay na ako, dahil sa mga masasakit na salita, pangungutiya. Liit na liit ako sa'king sarili buti na lang at naging palaban ako at ipinagpatuloy ko ang buhay na nasira ng dahil s--" Napahinto naman ito na tumunog ang kanyang cellphone.

Lumabas naman kaagad si Ace at tumungo sa na ito sa parking lot. Naiwan namang mag isa is Matteo na tila hindi makapaniwala sa narinig at nakita, bigla namang nangilid ang mga luha nito sa mata ng mapagtanto niyang kinailangan baguhin ni Ace ang ugali niya para makalimutan siya ang taong walang ginawa kundi magdulot ng sakit at pighati kay Ace. Hindi natapos ni Ace ang naiis niya sabihin kay Matteo pero mukhang nakuha naman niya ito.

Kasalukuyan nitong tinatawagan si Ace na tila may gusto itong itanong sa dati nitong kasintahan dahil bigla nalang umagos ang kanyang luha ng hindi sagutin ni Ace ang tawag niya. Nakuha pa nga nitong mag mura ng malakas bago ito lumabas ng café at tumungo sa parking lot.

Naaktohan naman niyang nakita si Ace sa isang kotse na mag-isa at tila umiiyak. Lalapitan na niya sana nang may dalawang tao ang sumakay sa kotse at nagsimula na itong umandar kaya wala siya nagawa ku'ndi tanging sundan na lamang ng tingin ang sasakyan kung nasaan nakasakay si Ace at hinintay niya na mawala ng paunti-unti ang kotse sa kanyang paningin.

PAG-ALIS nila Ces ay agad kong kinuha ang earphones ko at dali-dali kong isinalpak sa magkabila kong tenga. Maganda ang sumunod na kanya nang bigla itong huminto dahil may tumawag sa'kin at tila nawindang ako sa iniwan niya voicemail. "I know that this is my fault, I-i... Should have been more careful. Can't you forgive me?" Bigla na lang akong umiyak dahil sa mga sinabi niya.

Hindi naging madali ang buhay ko doon sa Las Vegas kaya kinailangan kong ipakita na matapang at matatag ako dahil kung hindi nabutan na nila akong nakabitay sa kisame.

"Bakit ka umiiyak? Dahil ba sa sinabi niya kanina o dahil a--." Napahinto ako dahil biglang pumasok ang mag kasintahan sa loob ng kotse at nagsimulang mag maneho. Nagtaka ako dahil ang bilis naman nilang kumain.

"Sabi mo Ace okay ka lang, bakit ka umiiyak?" Tanong sa akin ni Ces habang nakatuon ang attensyon niya sa pagmamaneho. "Yeah I'm okay. This is just tears of joy. Ano ka ba." Pilit naman akong ngumiti sa kanila. "Ace I know you. Hindi ka ngingiti ng ganyan kung hindi ka nasasaktan. So tell me, what happen?" Agad ko rin naman siyang tinanong. "Eh kayo bakit ang bilis niyong kumain?" Biglang sagot ni Lenon na tila na iinis. "Hindi ka daw kasi mukhang okay. Kaya nagpumilit siyang balikan ka dito at umuwi na lang." Daing ni Lenon.

One Last Time (My Everything Series) (BoyxBoy)Where stories live. Discover now