Chapter 30

500 22 1
                                    

Bakit?


NAKASAKAY na ako ng elevator at agad kong tinipa ang code ng unit ni Matt at marahan kong isinara ang pinto.

Hahakbang palamang ako papuntang kwarto ng. "Saan ka galing." Mahina pero may diing ang pagbigkas niya sa bawat salita.

I instanly froze. I'm doomed!

Bumukas ang ilaw at agad na sumilay ang galit niyang mukha. "Answer me." Nakakapanindig balahibo ang paaran ng pagbigkas niya rito. "P-pumunta ako kika Ces." Nauutal kong usal at shet nagsisinungaling nanaman ako sa kanya. "Liar! Tinawagan ko siya at sinabi niya na hindi ka nga daw pumunta kanina tapos ngayon sasabihin mong doon ka galing, bobo ba ako para gawin mo sa'kin yun Ace? Ha!?" Napapikit ako ng sigawan niya ako.

Nanginginig ako sa takot. "Okay fine, nagutom kasi ako kaya kumain ako sa labas." Muli kong pagsisinungaling. "Putang!na Ace! Kumain lang?! Baka naman iba yung kinain mo?" Nagagalaiti nitong mukha ang nagbibigay takot sa aking sistema ngayon. Bakit ba siya galit na galit?!

Lalapit sana ako upang yakapin siya pero hinarang niya ang kanyang kamay. "Matulog ka na. Doon ka sa kwarto dito ako sa sofa." Halatang hanggang ngayon ay nagpipigil pa siya ng galit niya at ramdam ko ang lamig mula rito.

Wala akong nagawa dahil ayaw ko naring mangatwiran baka mas lalo pa niyang ikagalit kung aangal pa ako.

Napaluha nalang ako ng kinuha niya ang unan at kumporter niya at lumipat sa sofa. So ibig sabihin ay mag-isa kong haharapin ang lamig ng gabi.

Hindi muna ako pumasok dahil nagbabakasakali akong mag-goodnight siya ngunit malalim na ang kanyang paghinga at pareho ng nakapit ang kanyang mga mata kaya hindi na ako nag-atubiling maggoodnight sa kanya.

Tiwala lang Ace mawawala din 'yang init ng ulo ni Matt. Bukas paggising mo ay para wala lang nangyari.

Malungkot kong tinungo ang kwarto na dapat kaming dal'wa ang naroon. Matamlay kong kinuha ang body pillow ko na may nakaimprentang mukha ni Matteo, dahil kahit nasa kabila lang siya ng dingding na ito ay nangungulila parin ako sa kanya.

Kinumutan ako na ang aking sarili at sinama ko na rin ang body pillow. Niyakap ko ito ng mahigpit at doon umiyak.

Hindi ko sinabing si kuya Nathan ang sinundo ko dahil malaki ang galit niya kay Matteo dahil sa ginawa niya sa akin at ayaw ko namang sabihin kay Teo na sinundo ko si kuya, for sure mag-iinsist si Matt na ipakilala ko siya sa kay kuya kaso ang kinakatakot ko rin ay baka magpang-abot sila, at ayaw ko iyong mangyari.

Mukhang magiging mahaba ang gabing ito para sa akin dahil hindi ko siya katabi at nasa utak ko parin na may sama siya ng loob sa akin.

Dapat ngayon ay hindi ako ginaginaw, sana ngayon nakayakap siya sa akin at madadama ko ang init ng katawan niya. Marahil bukas ayos na kami kunting tiis lang Ace. Mahal na mahal ka ni Matteo laging mo yang pakatandaan.

Nakuha ko pang halikan sa noo ang body pillow niya upang magpaalam na ako'y matutulog na. "Goodnight Matt, sana bukas okay na ang lahat." Sambit ko bago maging puro itim nalang ang aking nakikita.

Nagising ng makarinig ako ng ingay. Bumalikwas naman kaagad ako at lumabas ng kwarto kaso ikinalungkot ko ang aking dinatnan. Ang daming kalat sa kusina, sala at pati na sa banyo. Nagwala ba siya kagabi? Wala naman akong marinig.

Huh? Nagluto siya? Bakit hindi manlang niya ako tinirahan at ano ba 'yong maingay na 'yon!? Natapos na akong magligpit at maglinis ay patuloy ko parin itong naririnig.

Dahil sa patuloy parin ang paggawa nito ng ingay kaya hinanap ko na ito. Naglakad-lakad muna ako para matunugan ko kung saan iyon nagmumula at napahinto ako sa sofa ng lumakas ang tunog. Agad ko itong hinanap doon at mukhang sa likod yun ng sofa. Buong lakas kong tinulak ang sofa at napakamot ako ng ulo kung kaninong telepono ito.

One Last Time (My Everything Series) (BoyxBoy)Where stories live. Discover now