Chapter 24

611 21 1
                                    

Tonight


"LIAR! Mahal mo ba talaga ako?!" Galit na sigaw ni Matt. Kanina pa ako umiiyak dahil ayaw niya 'kong paniwalaan. May iba daw akong karelasyon at pinagtataksilan ko raw siya, na hinding-hindi ko kayang gawin sa kanya.

Napalunok ako bago magsalita. "Teo! Pakinggan mo naman kasi yung side ko. Hindi totoo lahat ng nakita mo!" Umiiyak kong paliwanag sa kanya. "Oh please Ace! Alin ang hindi totoo doon? Harap-harapan ko kayong nahuli ng lalaki mo na naglaplapan, tapos you expect me to believe your shitty lies?! Ace gàgo ako pero hindi ako tanga!" Nanlilisik ang mga nito. Mapuno na lang ito ng galit para sa akin.

Hindi ko alam kung ano yung binibintang sa'kin ni Teo pero hindi iyon totoo.

Humihikbi akong lumapit sa kanya at niyakap siya ngunit itinulak niya ako ng napakalas dahilan para sumalpak sa lamesa ang tagiliran ko na siya namang pagsampal niya sa akin. Nakaramdam ako ng mahapdi sa aking labi at ng hawakan ko ito ay dugo, pumutok ang aking labi sa sobrang lakas ng sampal niya. Sabi niya kahit kailan ay hindi niya ako pagbubuhatan ng kamay pero ano 'tong ginagawa niya sa'kin ngayon? Ang sakit.

"Tama bang pagbintangan mo ako sa gawaing hindi ko nagawa ah?!" Humagagulgol kong tanong. Mas lalong dumilim ang kanyang mukha sabay kinwelyuhan niya ako. "Hindi mo ginawa? Puntangina ka! Kitang-kita ng dalawa kong mga mata na nilalasap mo ng todo yung labi ng kabit mo! Pera lang ba habol mo sa'kin?! Sumagot ka!" Inuhog na ako kakaiyak dahil hindi ko na kinakaya ng puso ko ang mga salitang lumalabas sa bibig niya. "Sagot!" Muli niyang sigaw.

Para ako salaming sinapak lalo na ng itanong niya iyon sa akin. "Kung pera lang pala habol ko sa'yo edi sana matagal na kitang iniwan dahil itong singsing palang na 'to ay mahal na, pero ano? Andito ako! Hindi ka iniwan! Tapos ngayon sasabihin mong nangangaliwa ako?! Pucha naman Matteo!" Napatakip nalang ako sa aking mukha at mas lalong lumakas ang pagyugyug na aking balikat. Ramdam ko ang yapak niyang papunta sa akin ngunit tuloy parin ako sa aking pagtangis.

Inangat niya ang mukha ko tsaka hinawakan ng mahigpit sa magkabilang pisngi gamit ang iisang kamay. "Your explaination is futile! Hindi mo nga ako iniwan, naghanap ka naman ng bago. A-akin na iyang singsing mo!" Sobra akong natatakot ngayon. Halimaw na ang kaharap ko ngayon hindi si Matteo. Inagaw niya sa akin ang singsing.

"Ito ba! Ito ba sa tingin mo ang magsasalba sa'yo sa kagaguhan mong ginawa?! Puwes hindi na ngayon, this sh!t is a trash now and the wedding tomorrow is going to be cancel!" Angil nito sabay bumuwelo at itinapon sa labas ng balcony ang singsing na binigay niya sa akin. "Wag! Teo! Huwag mo namang gawin 'to sa'tin oh?! Maniwala ka naman please." Halos maglumpasay ako sa kakaiyak dahil sa naging desisyon nito. Napasabunot din ako sa aking buhok dahil hindi talaga niya ako makuhang paniwalaan.

Nasapak niya pa ang pader ng ilang beses bago nito tinungo ang pinto at padabog lumabas. Hindi na ako nag dalawang isip at sinundan ko siya. "Matteo!" Malakas kong sigaw. Wala akong pake kung magskandalo pa ako dito, dahil mas uunahin ko pa ang pagmamahal niya kaysa sa kahihiyan. "Matteo! Hintay.." Tumaktakbo kong pagtawag sa kanya.

Mas binilisan pa nito ang kanyang paglakad.

Tinahak niya ang fire exit at ako rin naman nakabuntot sa kanya.

Marahas niyang itinulak ang pinto para makalabas ito ng fire exit at agad na tinungo ang kanya kotse. Nasa kalagitnaan na siya ng paglalakad ng may mabilis na kotse na humarorot sa kanyang direksyon at inararo siya.

Para akong tinakasan ng dugo ng masaksihan ko ang pagtilapon niya. Huminto ang sasakyang umararo kay Matteo at inuluwa nito ang tatlong tao na may suot na maskara. Isa sa kanila ay tiyak kong babae dahil sa mahaba nitong buhok samantalang pamilyar naman ang amoy ng lalaking matangkad at parang matagal ko na silang kilala.

One Last Time (My Everything Series) (BoyxBoy)Where stories live. Discover now