Chapter 28

569 19 0
                                    

Grand Reunion

PINUNTAHAN na namin ang apprel dahil kukunin na namin ang damit na pinagawa at nawindang ako dahil sa sobrang ganda ng kinalabasan ng tuxedo ko. Ngiting aso naman ang aking nobyo ng isukat ang ipinagawa niya.

Pure black ang buong outfit niya maliban lang sa kurbata niya, may pattern itong gold vinery. My choice. Hehehehe.

Nakadagdag tuloy sa kakisigan at kagwapuhan ang mokong. Para akong titiklop dahil sa pormahan niya. Landi!

Naloka naman ako sa mga staffs dahil pinagtitian nila kami at tinukso nila kami, "kiss." Iyan ang isinisigaw nila. Inakyatan tuloy ako ng dugo patungo sa aking pisngi dahilan upang mamula ako.

Naghuhurumentado ang aking puso pati mga lamang loob ng lumapit siya sa akin hinawakan niya ang aking batok at siniil ito, at sa harap pa talaga ng mga staffs.

Halos malalaglag ang panga nila dahil sa aming ginawa at animo'y kaming dal'wa lang ang tao andoon, dahil sa ginawang halik ni Matteo. Nang matapos ang aming halikan at binalot ako ng matinding hiya. Matteo kasi eh!

Asus, nanisi pa ang bakla!

Hala ka?! Utak ko nakikisali nanaman.

"Wow! Passionate love for each other huh?" Napadako ang tingin namin sa taong nagsalita mula sa aming likuran. Nangunot naman ang aking noo ng makita ko ito.

Nagsilapitan naman ang mga staffs sa kanya. Ay feeling famous! Sino ba siya?

"Good morning po sir!" Sabay-sabay na bati ng mga staffs sa huli.

I'm confused who is he? Na-cucurious ako, and I'm anxious to find out!

Nagbulongan sila, kasama na roon ang lalaki. Napataas na lang ako ng kilay dahil sa inakto nila. Dahan-dahang humakbang ang lalaki patungo sa amin sabay. "How I admire the both of you. I know the life of a rich, young and a hunky businessman is hard specially the kind of relationship you have. Taas noo ako sa inyo. By the way I'm Diammond Mendenzel-Zalt the owner of this apparel." Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Shet! Nakakahiya, nakita niya yung ano, yung, ugh! Nakakahiya.

Napatakip ako ng mukha sa pagkahiya. Baka kasi isipin niya kirengkeng ako. "No need to be shy dear. Ginagawa din namin 'yan ng asawa ko kapag nasa publiko kami. Harot namin diba?" Saad nito. Unti-unti kong ibaba ang kamay ko paalis sa aking mukha. Saya naman, kasal na siya at sa mahal pa niya. Sana all.

Kailan kaya kami ikakasal ni Matt? Alam kong isang buwan nalang at mangyayari na iyon pero paano kung hindi? Paano kapag nagbago siya ng desisyon na pakasalan ako?

May mga sirkumstansya kasi na maaring makaapekto sa pag-iisang dibdib namin. Una, ayaw sa akin ng ama niya. Pangalawa, maaring maghirap si Matteo kapag pinili niya ako, at pangatlo. Hindi ko siya kayang bigyan ng anak. Oo pwedeng mag-ampon pero iba parin kapag sariling dugo't laman mo.

Napapitlag ako ng hawakan ni Matteo ang aking kamay. "You're spacing-out again." He whispered. I laugh awkwardly. Shet utak ko ano na?! "Any ways, I came here not to watch the both of you indulging each other, but I'm here to offer you two to be our model." Inpronto nitong sambit. Napatingin ako sa nobyo ko at hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya. "That's sound good. What's the catch?" Nakangising turan nito.

Ngumiti ng malapad ang lalaki. "The both of you will be the one who's wearing my new designed tux for bi-gays couple and I will lunch that over a month so? What do you think?" Usal nito. In the next month? Diba? "Wonderful! Next month will be the date for our wedding." Masayang wika nito. "Perfect! You can use my newly designed tux for your wedding prenup." Suhestyon nito. "Now that's a business." Sagot ng nobyo ko.

One Last Time (My Everything Series) (BoyxBoy)Where stories live. Discover now