Chapter 37

513 19 5
                                    

Into the unknown


NAKASAKAY na kami sa eroplano, ewan ko pero mula sa pagtapak ko dito ay kinabahan kaagad ako. Hindi ko alam kong anong dahilan, marahil sa muli naming pagtatagpo.

Ano kaya ang naghihintay sa muli kong pagbabalik sa bansang puno ng hinanakit. PHILIPPINES!

Joke! Naexcite lang ako sa miss universe.

Any ways~

Medyo namamanhid na ang puwet ko dahil sa tagal ng pagkakaupo ko dito. Direct flight kasi ang kinuha ni Rhys para daw mas mabalis makarating. Nauna naman samin sila mommy at daddy kasama ang pamilya ng asawa ni kuya Nathan.

Nahihilo ako dahil nagkaroon ng turbulence sa ere at gusto ko ng sumuka samantalang ang kambal at si Rhys ay panay ang kain ng binaon naming doriyaki. Buti pa sila.

Upang hindi mahilo ay nagsuot ako ng earphones at nagpatugtug ng pangmalakasan at ibinaling ang aking paningin at bintana at natatanaw ko ang kagandahan ng langit, para talaga silang cotton candy!

My eyes are getting heavy 'til the both of them shut.

He's so bossy, he makes me dance. Try'na sit in the back of his whip and just cancel my plans.

Sweet like candy but he's such a man, he know just what he does when he's holdin' me tight and calls me moonlight too.

Agad akong napadilat ng marinig ko ang outro ng kanta kaya itinigil ko na ang pakikinig ng kanta. Ayaw ko kasi siyang maalala sa bawat bagay na mahalaga sa akin pero hindi ko maiwasan dahil kapag tinitignan ko palang ang kambal ay sobrang daming alaala ang bumabalik, merong masasaya at malulungkot kaya paminsan napapangiti na lang ako ng mapait pero sabi nila. Accept first then forget.

Kung ma-forget mo.

Antipatikang utak! Nakikisabat hindi naman kausap!

Jusko! Kailangan ko na talagang nagpatingin sa psychiatrist dahil baka iba na ito, si subconscious nagsasalita siya pa itong galit.

"Ay pékpék!" Napapisik ko at nakakahiya dahil napasigaw ako kaya may mangilan-ngilan na nilingon ako at sobrang nakakahiya. Si Rhys kasi basta-basta na lang ng hahawak ng braso eh! Ayan tuloy nadulas ako!

Napatingin si Teoace sa akin at tinanong ako. "Papa ano po yung, p-pékpék?" Inusenteng tanong niya sa akin. Halos lumuwa naman ang mata ko dahil sa pinukol nitong tanong sa akin. Nakalimutan ko na may bata pala kaming kasama. Naghihintay parin si Teoace ng sagot mula sa akin kaya naman sinabihan ko siya. "Anak, bad yung words na 'yon. Kaya 'wag mo ng alamin kung ano ang ibig sabihin no'n okay? Don't mind my words kasi baby ka pa." Sabi ko sa kanya at mukha naman naunawaan niya na. Jusko Ace! Hindi mo nagagampanan ang pagiging mabuting magulang sa kanila ah?

"Star, pretend that you didn't heard that, can do you that young man?" Pangaral ni Rhys. Mabuti naman at sinabihan niya rin dahil siya naman kasi ang dahilan para mapasigaw ako eh!

Mabuti na lang kamo at tulog si Hereo dahil baka mahirapan akong magpaliwanag sa kanilang dalawa ng de-oras.

MAHIGIT anim na oras bago kami tuluyang makalapag sa Pilipinas, mas lalo akong nilukob ng kaba sa hindi ko malamang kadahilan.

Agad ko namang gising ang kambal at bumaba na kami. Pagtapak ko palang sa marmol na sahig dito sa paliparan ay parang nagrecall bawat eksena ko dito! Nilukob ako bigla ng matingding kaba. 

Napaisip din ako. Ano na kaya itsura niya ngayon? May nagbago kaya? Tumaba ba siya or nagmukhang adik mga ganong thoughts.

Saglit ako napahinto dahil sa mga iniisip ko hindi na namalayang si Rhys na pala ang kumuha sa mga bagahe namin. Tuwang-tuwa ang dalawa dahil sa panibagong kapaligirang nakita nila, hilaw ang ngiti lamang ang tangi kong naibigay sa dalawa at pinauna sila ng makita kong naghihintay sa departure ang kanilang lolo't lola.

One Last Time (My Everything Series) (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon