Chapter 2

1.6K 39 4
                                    

Coffee

Coffee

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ace




ALAS singko ng madaling araw ng gumising ako para mag-ayos ng aking gamit ng mapansin kong wala si Ces sa higaan niya. Bumaba ako at doon ko naabutan si Ces na tila galit sa kausap niya.

"Do what ever it takes para masalba siya!" Galit niya sambit sa cellphone at kasabay sa pagpatay dito. "Stress masyado si Doctora ah?" Napalingon naman si Ces habang pababa ako ng hagdan. "Ang aga mo naman gumising?" Mahinang sambit niya. "Mag a-ayos kasi ako ng mga gamit na dadalhin ko mamaya eh. Ikaw. Bakit maaga ka na gising?" Tanong ko habang ako'y naghihilamos. "Nagkaroon kasi ng problema yung pasyente namin na may sakit sa puso kaya binulabog nila ako. Nakakainis lang kasi pare-pareho kaming Doctor tapos sa'kin nila i-aasa pag nagkaroon ng problema. Gaya ngayon ng isturbo sila, imbis na mahimbing akong natutulog sa kama ko eh. Umm. Tignan mo mukha ko. Stress na!" Tatawa sana ako ng bigla niya ituro ang kanyang mukha na mukhang losyang kaso baka mainis siya lalo.

Ibinaba ko muna ang aking mga bit-bit na folder at sabay pumunta ako sa kusina.

"I know just the right thing to brighten up your mood." Sabay lapag ko ng isang tasa na puno ng kape. "Naks naman. 3-in-1 ba 'to?" Nagtaka ako dahil hindi ako gumagamit ng 3-in-1 na kape. "Nope. This is made up of the most premium ground coffee beans from italy and a luscious vanilla milk, made by yours truly. So indulge yourself with my premium latté. Ayan na. Tinimplahan na kita ng kape para bawas stress." Sabay upo ko sa upuan.

Hindi nag salita si Ces pero lumagok muna siya ng kape. "Ugh! Girl! The best ka talaga pagdating sa kape!" Halos umabot naman sa tainga ang ngiti ni Ces.

Sanay na akong nagtitimpla ng kape sa kanilang mag ama lalo na pag pagod o kaya naman stress sila sa trabaho. Napapagaan kasi ng kape ang mga pakiramdam nila lalo na pag ako ang nag timpla. Paborito nila ang kape kaya hindi na kayo mag tataka kung puno ng ground coffee beans yung cabinet nila sa kusina at para nga daw nasa café sila dahil sa kapeng timpla ko at ang paborito ni Ces ay Latté with vanilla milk na ako rin mismo ang gumawa at ang kay tito Francis naman ay Chocmel Espresso made with cocoa and caramel milk.

"Naku naman wala 'yun" nagkukunwaring babae habang pinaglalaruan ang aking buhok. "Gaga! Oo nga pala. Tungkol do'n sa walang hiya mong amo?" Tanong niya habang iniinit yung natirang palabok kagabi.

Hindi agad ako kumibo dahil naalala ko yung mga sinabi at ginawa ng damuhong 'yon sa'kin.

"Uy?! Ayos ka lang ba talaga?!" Napapisik ako ng hampasin ni Ces ang lamesa kasabay din ng paglapag niya ng platong puno ng maiinit na palabok.

Napabuntong hininga muna ako bago ako mag salita. "Ito na! Sinabihan ako ng amo ko na kahit alang beses niya daw akong galawin ay walang magiging problema at mae-enjoy niya dahil hindi naman daw ako mabunbuntis at hindi pa siya mapapagastos sa pag-bili ng condom." Biglang ng gilid ang mga luha ko dahil na alala ko nanaman ang masasakit na salitang binitawan niya.

One Last Time (My Everything Series) (BoyxBoy)Where stories live. Discover now