Chapter 25

575 17 0
                                    

Ostracized


NGAYON ay ang kaarawan ng mommy ni Matteo kaya nag grocery shopping kami, gusto kasing magdadala ni Matt ng Teo's little monster. No'ng una ay tumanggi ako sapagkat hindi ako confident sa luto ko, pero sanabi ni Matteo na mahilig ang mommy niya sa curry at carbonara kaya perfect daw iyon dalhing regalo para sa kanya.

Nasa seafood aisle kami para mamili ng sugpo, tahong at pusit.  Seafood currybonara ang lulutuin ko. Para maiba naman.

Let's just cross our fingers that Teo's mom will like this.

Nang mabili na ang lahat ng kailangan ay bumalik na kami sa condo ng may pumara sa tapat namin. "Ace! Do you need a ride?" Tanong ni Raphael habang nakadungaw mula sa bintana ng kotse niya. "No thanks. He ain't riding your wheels, we have our own." Pagsabat ng nobyo ko. Inismiran lang ni Rapha si Matt bago tuluyang umalis. "How I fvcking hate him." Naiinis niyang angil. Napatingin naman ako sa kanya sabay. "Nagmamalasakit lang naman yung tao. You don't need to be harsh to him." Bulyaw ko sa kanya.

Binalingan niya ako ng isang matalim na titig at kasabay nito ang pagtangis ng kanyang bagang. "Hindi siya nagmamalasakit. I know he's your friend, at kahit pa kaibigan ang turing mo sa kanya sa tingin mo kaibigan parin ang turing niya sa'yo? Maraming nagbago, hindi lang sa'yo pati narin sa kanya kaya hindi mo alam kung sincere ba siya sa pagtulong sa'yo. Our world is like a damn zoo, animals are guarded by glass or cages but when that glass and cage got jammed the animal will escape that may cause fatality for those who treat the like friend." Mahabang lintaya niya.

Wow! Isa palang magaling na philosopher ang jowa ko. Charot! Hahahahaha.

Dahil sa sinabi niya ay para akong unti-unting natatauhan. Pero bakit ganoon nalang ang pagkasuklam niya ka Rapha? Hindi naman siya pinapakailaman ng huli? Lakas ng topak. Kahit kaibigan ko ay pinagseselosan.

Pagpasok sa unit niya ay agad na naming inumpisahan ang paghahanda sa aming lulutuin. Nagpakulo na si Matteo ng tubig para sa fettuccine, habang ako naman ay hinuhugasang mabuti ang mga pinamiling mga rekasdos. Mahirap na lalo na ngayong summer at uso ang mga pagdami ng mga baktirya na nakakapagpasa ng sakit. Pero bakit gano'n sobrang init niya pero kapag pinapasok niya yung sakit sa'kin ay agad din napapalitan ng sarap? Oh my! My word, my bad. Pasintabi sa mga kumakain, chos!

Kung ano-ano na lang 'tong pinag-iisip ko shet!

Naghiwa na ako ng sibuyas, bawang at yung mga lamang dagat na ipangsasahog ko sa sauce.

Habang abala ako sa pagluluto ay si Matteo naman ay hindi magkaumayaw sa paghahalo ng pasta dahil nakalimutan niyang lagyan ng olive oil yung tubig para hindi dumikit yung pasta sa kaldero. Ang saya niyang pagmasdang naghahalo habang nakapamewang at seryoso sa kanya ginagawa. Napatingin naman ako sa pang-upo niyang ubod ng tambok, nagulat na lang ako ng bigla siyang lumingon sa akin. Ako naman 'tong si tanga agad na taranta, mabuti nalang at hindi ko nabitawan yung wok. Ayan halata ka tuloy!

Nakapokus ang atensyon ko sa paggigisa ng lamang dagat dahil hindi 'to pwede masobrahan sa luto dahil para ka nalang kumakain ng chewing gum. Nakaramdam ako ng yapak na patungo sa aking direksyon. Ikinagulat ko na lubos ang ginawa niya paghalik sa batok ko sabay pagpirat niya sa aking pang-upo.

"Ikaw! Napakamanyak mo talaga!" Sinamaan ko siya ng tingin pero ang atensyon ko ay nakatuon sa pagluluto. "Woah! Nakakapanibago ah? Parang no'ng nakaraang araw ayaw mo akong paalisin sa loob mo tapos ngayon sinabihan mo akong manyak?" Nakangising sabi ng ulupong. Nanlaki naman ang mata ko nang marinig ko ang kahalayan ng bunganga niya. "I-ikaw ah! Asikasuhin mo na lang iyang pasta. Patapos na a-ako dito sa sauce." Utos ko kay Matt kahit pa nahihiya ako sa kanya.

One Last Time (My Everything Series) (BoyxBoy)Where stories live. Discover now