Prologue

2.8K 52 3
                                    

"I'm in deep rhapsody, cause the one who painted my heart is the one who's going to take me home, and for the last time I promise that I won't let you go."


____________________________________

Anong saya nga naman ng magtapos ka ng high school at may karangalan bilang High Honor pa na nakamit sa batch niyo.

Sobrang saya ni Ace noong araw na iyon dahil nag bunga ang kanyang mga pinag-hirapan.

Kasama niyang umakyat sa entablado ang kanyang ina kaya gano'n nalamang ang ngiti ni Ace dahil ngayon lang siya umakyat sa entablado na kasama ang kanyang ina. Masyado kasing paborito ng kanyang mga magulang ang kuya Nathan niya at kahit utimong certificate of participation lang ang na tanggap nito ay tuwang-tuwa na sa kanya magulang ngunit pag-dating kay Ace ay wala silang oras, halos mabali na ang ulo niya dahil sa mga medalyang natatanggap nito, pero parang wala lang sa kanyang mga magulang, bagamat number 1 siya eskuwelahan ay hindi pa rin ito masaya dahil alam niyang hindi naman 'to mapapansin ng kanyang mga magulang.

Laking gulat ni Ace ng pagdating nila sa kanilang bahay ay naka empake na lahat ng gamit niya kaya agad siyang tumalima sa desisyon ng magulang niya at nagdesisyon siya dito nalang manatili kaysa sumama sa Las Vegas.

Wala namang nagawa ang kanyang mga magulang kundi ang respetuhin nalamang ang nagiging desisyon ng anak. Iniwan nila si Ace sa bahay nila at imbis na doon mamalagi sa sariling bahay ay ninais nitong umalis, pumunta ito at nag tanong sa matalik niyang kaibigan na si Frances.

Hindi alam ni Frances ang i-sasagot dahil wala siyang alam na apartment na pwedeng upahan ni Ace. Dahil malalim na ang gabi kaya pinatuloy siya ng tatay ni Frances na kalaunan ay nagdesisyon na doon na lang patirahin si Ace dahil mapapagastos pa siya sa upa ng apartment at tsaka parang magkapatid na ang turingan nila Frances at Ace. Tuwang-tuwa ang dalawang magkaibigan ng nalaman ang desisyon ng Ama ni Frances.

Dumating na ang araw ng enrollment para sa grade 11 at sa Maxwell's International School sila nag-enroll. Hindi gusto ni Ace doon, ngunit wala na siyang magagawa dahil doon siya inenroll na kayang mga magulang.

Natuwa si Ace sa piniling track ng kanyang matalik na kaibigan. Nag S.T.E.M si Frances samantalang si Ace naman ay nag A.B.M at nagulat siya dahil kaklase niya ang matagal niya ng hinahangan na lalaki sa batch nila.

Bagamat nakumpirma niyang kaklase niya nga ang lalaking hinahangaan nito ng husto ay hindi parin ito makapaniwala.

Nagsimula na ang pasukan.

Kinakaban ang magkaibigan ng pumasok na sila sa loob ng campus at mas dumoble pa ang kaba ni Ace ng naghiwalay na sila ng landas ni Frances dahil magkaiba ang section nila. Pagpasok niya ay agad na bumungad si Matteo ang lalaking pinapangarap ni Ace. Si Ace ay isang kyut na bakla kaya hindi rin siya nahirapang makipag kaibigan sa mga bago niyang kaklase at mas naging mapalapit si Matteo at Ace dahil sila ang laging magkatabi at sabay silang rin nag re-review kapag sasapit na ang kanilang pagsusulit.

Makalipas ang dalawang taon sa Senior High School ay grumadyuweyt si Ace bilang Valedictorian at si Matteo naman ang Salutatorian at tilang naging magkasanggangdikit na sila dahil silang dalawa ang nangunguna sa kursong kinuha nila na Business Administration at maski sa general average ay makaparehas hanggang sa dumating ang araw na pinapangarap ni Ace ay natupad.

Umamin si Matteo na nahulog na ang kanyang damdamin niya kay Ace. Pangalawang taon palang nila sa kolehiyo noong umamin si Matteo kay Ace, na hindi kalaunan ay naging sila at nag silbing inspirasyon nila ang isa't isa ngunit hindi pala namamalayan ni Ace na natatalo na pala ito.

Isang buwan na lang ay makakapag apos na sila sa kolehiyo ngunit naging masamang influensiya si Matteo, hindi na nakakapagpasa si Ace ng pradyek niya dahil mas inu-una niya si Matteo. Ang akala ni Ace ay totoo ang ipinapakitang pagmamahal sa kanya ni Matteo ngunit hindi pala. Halos gumuho ang mundo niya ng malaman ni Ace na niloloko lang siya ni Matteo at ginawa niya iyon para mabaling ang atensyon nito sa kanya at hindi sa pag a-aral, upang manguna si Matteo na ikinagalit naman ni Ace na hudyat upang tapusin niya na ang relasyon nilang dalawa na halos tatlong taon.

Dumating na ang araw na ilalabas na ang mga grado at nanlumo si Ace ng makita ang marka niyang 96.77 at samantalang si Matteo ay 97.58 at ibig sabihin no'n ay si Matteo ang Summa Cum Laude at si Ace naman ang Magna Cum Laude na mas nag-udyok kay Ace na mas lalong kamuhian si Matteo.

Ilang buwan palang ang nakalipas matapos magtapos ni Ace sa kolehiyo ng sunduin siya nga mga taong hindi niya inaasahan.

Masakit man sa loob ni Francis at Frances pero wala na silang magagawa dahil kinuha na si Ace ng kangyang mga magulang at doon na siya titira sa Las Vegas.

Hindi naging madali ang buhay ni Ace doon dahil kailangan niya bumalik sa kurso niyang Business Administration dahil kulang daw ang kaalaman nito dito. Imibis na i-pagpatuloy ang kurso niya ay kumuha siya ng kursong Hotel and Restaurant Management.

Apat na taon ulit ang ginugol niya dito na nagresulta ng pagiging bihasa sa pagluluto ni Ace, ngunit hindi pa rin siya nakakuha ng trabaho si Ace sa Las Vegas kaya nag desisyon siyang umuwi ulit sa Pilipinas at doon siya manirahan sa bahay nila Frances, dahil lagi naman itong bukas para sa kanya.

Matapos ang dalawang taon nag paghahanap ng trabo ay nakatanggap ng sulat mula sa isa sa mga pinag-aplayan ni Ace galing ito sa Rainbow Phoenix Company at na tanggap niya bilang Sekretarya.

Hindi alam ni Ace kung sino ang may-ari ng kumpanyang papasukan niya. Kakayanin niya kaya makasama ang mas kinamuhian pa niya na higit pa ka kanyang magulang?

***

One Last Time (My Everything Series) (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon