Chapter 36

471 18 3
                                    

Panahon na ba?


IKINUGULAT ang pagluhod ni ate Kristell na para bang nagmamaka-awa. Gusto ko siyang pigilan at patayuin ngunit agad niyang sinabi ang halos ika-atake ko sa puso.

"Si Matteo, k-kailangan ka niya." Tila na estatwa ako sa aking narinig. Siya kakailanganin ako? Para saan pa!

Hindi ko magawang makapagsalita sa mga oras na iyon wari bang tinahi ang aking bibig. Anong dahilan? Anong kasing tulong ang kailangan niya?

Tanong dito, tanong doon ang mga sumusulpot sa utak ko na hindi ko matigilan.

Akmang maglalakad na ako paalis sa tapat ni ate Kristell ay mas ikinagulat ko ng ginawa din ng ama niya ang kanyang ginawa at lumuhod sa harap ko. "Parang-awa mo na Ace, ngayon ka pinaka-kailangan ng anak ko." Naiiyak niyang wika.

Parang-awa? Bakit na awa ka ba sa akin noong kami pa ng anak mo? Anong karapatan ko ibigay sa'yo ang awa ko kung ikaw mismo ay pinagkaitan ako.

Ito ang sinasabi ng utak ko ngunit mas pinili kong manahimik at huwag hayaang balutin ng puot ang aking sistema. Ayaw ko siyang tularan!

Nanatili akong tahimik at walang imik. Ayaw kong magpakita ng awa, ayaw ko ng magkaroon pa muli ng koneksyon sa kanila.

Bitter na kung bitter pero hindi ako papayag na muli maging bahagi si Matteo sa buhay kong masaya niyang nilisan.

"Handa akong ibaba hanggang sa lupa ang ego ko Ace, para sa anak ko, dahil ako rin naman ang dahilan ng inyong hiwalayan. P-patawarin mo ako." Pasusumamo niya. Panatiliin ang matatag na depensa Ace! Sana ngayon lang magpakapusong bato ka at huwag martyr.

"Mali ang ginawa ko sa'yo at ang trinato ko sa iyo, tsaka ko nalang talaga nalaman na kinakain ko rin pala lahat ng sinabi ko tungkol sa pagkatao mo ng iwanan mo siya ng dahil sa kasakiman kong ginawa sa inyong dalawa." Nangunot ang noo ko. I mean oo, inisira niya kami pero si Matteo ang sumira nun.

"Kung p'wede lang sana ako ang parusahan mo tatanggapin ko ng maluwag sa aking puso. Ako ang dahil kung bakit binalikan ni Matteo si Angela. Patawarin mo ako, palihim kitang pinasusundan sa mga alepores ko at kinokuhaan ka nila ng letrato ng palihim at ipinapakita ko iyon kay Matteo ngunit hindi siya naniniwalang kaya mong gawin sa kanya iyon, kaya humanap ako ng tama tiyempo. Nakuhaan kanila ng muntik kang halikan ni Raphael at binayaran ko siya upang gawin sa'yo iyon para makuhaan kayo. Isa pa nang sunduin mo si Nathan, iyon na siguro ang naging mitsa para gawin ni Matteo ang pagkakamaling 'yon sa iyo." Halos humahagulgol na siya ngunit nasabi niya ang lahat ng dahilan ng sobrang linaw na pati eardrums ko kinilabutan.

Sumabog ang luha na naimbak na parang bang nasira yung lamesa dam at umapaw ng malubha.

Yun pala ang dahilan kung bakit sinasabi ni Matteo na marami daw sila! Gusto kong sampalin si tito Leandro, gusto ko siyang saktan ng maranasan niyang masaktan! Ngunit ayaw ko. Hindi ko ilalagay sa kamay ko na palaganapin ang dahas. Karma na ang bahala sa kanya at ito na iyon.

Tila naging fireworks show ang mga kaganapan at katotohanan na nabubunyag sa mga oras na ito! May lala pa ba dito?!

Napatiklop ang aking mga kamao at napatingin si kanya. "Ang saya 'no? Kung kailan ayos na ang lahat tsaka niyo sisirain yung kasiyahan ko. Hindi pa ba sapat sa'yo tito na sinira niyo na ako? Kulang pa ba?! Nakita mo kung gaano ko kamahal ang anak niyo 'diba, may nais man o wala ay mahal na mahak ko siya pero ikaw! Ikaw, na nagbubulag-bulagan sa totoong nakikita mo. Bakit? Kasi ganito yung sexual orientation ko o baka iniisip mo na katawan lang at pera ang habol ko, ay hindi na nga pala iniisip kundi ipinamukha ko sa akin. May marka pa nga ng isinampal mo sa'kin lang lahat ng iyon 'diba?!" Halos maubos ang aking hininga sa sinabi ko sa kanya na mukhang natauhan naman siya.

One Last Time (My Everything Series) (BoyxBoy)Where stories live. Discover now