Chapter 22

576 20 0
                                    

Pag-suyo


MAAGA akong nagising dahil sa ingay ng alarm clock ni Matt samantalang siya naman ay mahimbing pa ang tulog. Hinalikan ko muna siya kanyang pisngi bago bumangon.

Inilabas ko sa fridge yung lasagna na niluto niya kahapon para sa akin at iniinit ito.

Paano kaya naluto 'to ni Matteo? Naggalugad ako sa kusina at nakita ko ang isang brown envelope at ng buksan ko ito ay tumambad sa akin ang isang cookbook na parang bagong bili palamang. Nakita ko rin ang pahinang pinagkuhanan niya. Grabe, naalala niya nga, pero ako hindi. Feeling ko tuloy ang sama kong tao.

Naluha ako sa naisip ko kaya umiling na lang upang hindi ito tuluyang lumala.

Naglinis muna ako sa buong unit bago ko maisipang kunin yung mga pinalaundry niyang mga damit niya.

Paglabas ko ng unit ay bumungad agad sa akin ang lalaking nakakasira ng mood ko. Aaminin ko nainis ako kay Raphael kagabi pero mas malaki nga lang ang inis ko sa aking sarili.

"May gagawin ka ba ngayon? Tara breakfast tayo?" Napa-irap ako sa kanya sabay. "May pupuntahan ako, sorry." Malamig kong turan sa kanya. Nilagpasan ko lang siya at naglakad hanggang sa makarating ako sa elevator.

Nakuha ko na ang mga pinalaundry ni Teo at mga limang set ng damit pang opisina lang lahat. Matapos kong magbayad ay bumalik na ako sa condo at umakyat na patungong unit niya.

Dahil bitbit ko ang limang set na damit niya ay nahirapan akong dial ang code ng unit niya but I manage to find my way in. Hahahaha. Pagpasok ay isinampay ko na sa cloth rack para hindi magusot. Napatingin ako sa relong pambisig ko ay alas-siyete na kaya tinungo ko na ang kwarto namin at dahan-dahan siyang ginising.

"Teo? Gising na." Malambing kong sabi. Hinalikan ko pa nga siya sa labi ngunit tulog parin siya. "Starlight gising na. Malalate ka na." Inuugauga ko siya ng kaunti at nagulat na lang ako ng napa-asik siya at humarap sa kabilang gilid. "Teo, anong oras na oh? May pasok ka pa." Umungol ito ng pagalit na para bang ayaw niyang magpagising. Wala akong nagawa kundi lumabas na lang sa kwarto.

Mukhang galit parin siya sa'kin.

Mga ilang minuto palang ang nakakalipas ay inuluwa siya ng kwarto at madilim ang kanyang pagmumukha. Imbis na batiin ako ay binigyan niya lang ako ng blankong titig bago tumungo sa banyo.

Nag-init naman ang sulok ng aking mga mata at parang may luhang babagsak ano mang oras. Lalo ko tuloy kinainisan ang sarili ko. Inuna pa ang kaibigan kaysa sa pinakamahalagang araw naming dalawa.

What more pa kaya kapag ikinasal na kami?

Pihadong hindi niya ako kakausapin nito hanggang mamaya kaya kumuha ako ng papel at nag-upisa na 'kong magsulat. Nang matapos ay isinisik ko sa case ng laptop niya para mabasa niya ito kaagad. Sakto namang bumukas ang pinto ng banto at umalingasaw ang amoy ng shampoo at sabong gamit niya. Gosh gusto ko siyang yakapin.

Hindi ko alam kung paano siya kakausapin, siguro nga guilty ako nahihiya at natatakot akong kausapin siya. Alam ko namang mali ko iyon dahil inuna kong kumirengkeng sa iba, bago sa kanya.

Hindi talaga ako sanay sa ganyang asal ni Matteo. Yung napakatahimik, blangko ang laman ng mata at galit. Nasanay kasi akong siya ang sumusuyo sa'kin, naglalambing at may mga matang daig pa ang kalawakan kung kuminang.

Lumabas ang huli na suot ang damit pang-alis, so ibig sabihin hindi siya pupuntang opisina ngayon? "Hindi ka papasok?" Tanong ko. Napatingin siya sa'kin. "Papasok. Nasa laundry pa kasi lahat ng damit ko eh." Malamig niya saad. Napakuyom ako ng aking kamao dahil naramdaman ko ang lamig mula sa kanya. "Nakuha ko na kanina. Andyan nasa cloth rack nakasabit." Masigla kong wika. "What the fvck! Hindi sa'kin 'to." Isang malutong namura ang binitawan niya na nagpanginig sa akin. Lumapit ako at tinignan ang tag at nagulat na lang ako ng makita ang pangalang nakalagay sa tag. R. F. Fuertez "Bakit nandito yung damit niya?! Huwag mo sabihing dito mo siya pinatulog kagabi? Pinatuloy mo siya dito at tinabihan mo dito sa sala 'no? No wonder hindi kita katabi kagabi. Are you fvckin' cheating on me?!" Napapikit ako ng sigawan niya ako.

One Last Time (My Everything Series) (BoyxBoy)Where stories live. Discover now