Chapter 45 : Pre-finale

790 23 9
                                    

Okay ka lang ba?


KASALUKUYAN akong nasa labas kasama sila Rhys at ibang pang kaibigan ni Matteo. Pinapakalma nila ako, pero para akong sinilaban sa p'wet kakaatungal ko ukol ka Teoace.

"Ace you need to calm down okay?" Pagkausap sa akin ni Zaib. "Huwag kang magpapanik, lalong lala iyang kalagayan mo, magiging ayos lang ang lahat. Magtiwala ka sa kanya." Si Yuqie sabay turo sa taas.

Napaisip ako sa mga sinabi nila. "Magtiwala? Sa kanya? Matagal na niya akong pinabayaan! Lahat ng mahalaga sa akin kinukuha niya!" Pagmamaktol ko. Naintriga naman ang mga bakla. "Kuya Ace ano ka ba, hindi ka naman niya pinabayaan 'diba?" Pag-aalo sa'kin ni Ari. "And beside be thankful ka kasi he saved you." Ani Deva na mas kinainis ko sa sarili ko. "Bakit kasi ako pa ang iniligtas niya? Bakit hindi si Teoace? Si Migs o si Matt?!" Sumbat ko. Nababalot na ako ng puot. Hindi ko makuntrol ang aking bibig.

Nagsitinginan sila sa isa't-isa bago magsalita ang taong nasalikuran ko. "Una sa lahat hindi kami mensahero o kanang kamay ng Panginoon para itanong sa amin kung bakit ikaw ang iniligtas at hindi sila. Isa lang ibig sabihin nun, hindi pa tapos ang misyon mo dito. Tsaka pwede ba, dapat nga magpasalamat ka at hindi ka kinuha ng maaga kasi kapag ikaw yung nawala sinong mag-aalalaga ng anak mo? Sila tita? Si Rhys! Sa'kin?! Everything happens for a purpose, tandaan mo 'yan." Sermon ni Ces kaya agad naman akong tumayo sa kinauupuan ko wheelchair at yumakap sa kanya. Just what I need.

Inalo nila ako kasabay ng pagtawag nila kay Mommy at dad na ipunta dito si Hereo.

Sabay-sabay naman kaming napatingin sa lalaking lumabas galing sa loob. "What?" Simple niyang tanong. Nagkumpulan sila na ikinakunot ng noo ko. "Hoy! Baka bet niyo ishare yan, ano?" Baklang Dexter! Bastos malay mo nagpupulong pala yung mga ulupong eh.

"Sorry ah? May sinabi ng kasi si Raphael eh." Sarkastik na sabat ni Zaib kay Dex. Inismiran lang ng bakla tsaka muling bumalik sa pwesto namin.

Nag-uusap kami nang makita ko ang paglakad papalapit ni Raph sa amin.

"Ace." Monotonous niyang sambit sa aking pangalan. "Sige bakla doon muna kami kila fafa Zaib." Usal ng malanding dexter. Ayon iniwan nila ako. Kagaling. Hindi ko na hinantay na magsalita pang muli at niyakap ko siyang muli.

"Salamat." I blustered out.

Paulit-ulit kong sinabi sa kanya ang salitang iyon kasabay ng pagdaloy ng luha sa aking pisngi, nakakahiya kasi nababasa ko na ang mamahalin niyang damit. "No need to say thanks. Anything for the son of my best friend." Natutuwa niyang sabi. Narinig ko ulit yung jolly na boses niya!

Tagal ko ma hindi narinig yung salitang iyon na mula sa kanya! Yehey! Bumalik na best friend ko. Mas hinigpitan ko pa ang pagyakap sa kanya.

"Paano mo pala nalamang match kayo ng dugo ni Teoace?" Mula sa kung saan ko tanong. "Nagdonate kasi ako ng dugo kay Matteo last week noong nasa comma ka pa, tsaka inamin sa akin ni Rhys ni anak niyo ni Matteo yung kambal." Pag-amin niya.

Napahiwalay naman ako ng yakap sa kanya tsaka ako tumingin sa kay Rhys.

Mukhang napansin iyon ni Yukie at tinapik ang huli. Napalingon siya sa akin tsaka ako nilapitan.

Ewan ko pero bakit naiinis ako sa sinabi ni Raph na sinabi sa kanya ni Rhys ang totoo.

Isang ingay lang ang namayani sa lobby ng sampalin ko si Rhys. Inilayo naman ako ng dalawa kay Rhys, habang siya nilapitan nila Zaib. Prenteng napahawak si Travis sa kanyang pisngi at mukhang hindi niya inaasahan ang aking ginawa.

One Last Time (My Everything Series) (BoyxBoy)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora