Chapter 1

2.4K 46 17
                                    

Boss

MASIGABONG palakpakan ang sumalubong sa'kin dahil sa pagkapromote sa'kin bilang bagong CEO.

"Congratulations Mister Ace Hera Silverios. Ikaw na ang papalit sa'kin bilang CEO." paghawak niya sa balikat ko. "Huwag po kayong mag-alala Sir, hindi ko po pababayaan ang ipinundar at pinaghirapan ninyo." Tuwang-tuwa kong sambit.

Dumami ang naging gawain ko dahil ako na nga ang bagong CEO ngayon.

Maraming kailangan pirmahan, meetings at mga business trip na kailangan puntahan. Nakakastress maging CEO hindi ko pa nga na so-solo ang opisina ko ni maka-upo nga sa swivel chair ko'y hindi ko magawa dahil sa trabaho ko.

Para namang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan ng nabigyan ako ng pahinga mula sa pag ta-trabaho buong araw.

Naka-upo ako sa swivel chair at dinadama ko muna ang puwesto ko bilang CEO nang biglang dumating ang sekretarya ko at nagulat nalang ako sa isinigaw niya.








NAPAPISIK ako dahil sa sigaw ni Frances. Si Frances ang naging beshie ko mula pa ng grade 8 kami.

"Hoy! Ace. Gumising ka na mahuhuli ka na sa trabaho mo. Ano, unang araw mo palang sa trabaho mo late ka na." Pagyugyug sa'kin ni Frances para magising ako. "Ano ka ba naman Ces. Ang ganda na ng panaginip ko tapos bigla mo akong binulabog, ayan tuloy wala na!" Pagmamaktol ko sa kanya.

"Alam mo ikaw pasalamat ka at ginising pa kita." Pag-irap niya sa'kin. "Dai. Maaga pa." Pagsagot ko sa kanya na dahilan ng pag taas ng kaliwang kilay niya. "Anong oras ba pasok mo?!" Patanong pero may diing na sambit niya. "7:30 AM." Mabilis kong sagot. Tumayo si Frances para kunin ang cellphone niya at sabay ipinakita niya sa'kin. at ang oras ay 7:19 AM.

Nataranta ako, kaya dali-dali kong kinuha ang damit na inihanda ko kagabi palang bago ako natulog sabay dumirestyo na ako sa banyo.

Habang nasa banyo ako ay naka amoy ako ng nilulutong maling at noodles marahil nag luluto na si Frances. Masyado siyang thoughtful at kabisadong-kabisado niya na ang bawat kilos at galaw ko kapag malungkot ako, galit, kapag nagugutom at kahit laman at bituka ko ay kabisado niya. dahil parang kapatid ang turingan namin sa isa't-isa.

"Hoy baklang makupad gumalaw pagkatapos mong maligo kumain ka ha? Nasa lamesa yung maling at noodles may sinangag na rin in case na bitin yung maling at noodles sa'yo. Sige Ace, una na ako. Bye!"

See. Napaka thoughtful talaga niya. At magbeshie talaga kami dahil hanggang ngayon single but ready to mingle kaming dalawa, pareho kasi kami ng ugali. masyadong suplada at nakakatakot tignan.

"Thanks Ces. Sige ingat ka, bye!" Pag-sigaw ko mula sa banyo.

Pag-labas ko sa banyo ay saktong 7:30 na. "Yari ako nito sa boss ko." Sabay umupo at nanalangin bago kumain, kasama sa panalangin ko ay huwag sana akong mapagalitan ng amo ko.

Mabagal akong kumain kaya pinilit kong bilisan kumain. Natapos akong kumain ng banda mga 7:50.

See?! Bakit ba kasi ang bagal kong kumain.

Niligpit ko na ang mga pinag-kaninan ko at nilagay ko sa lababo at dahan-dahan akong nag hugas baka kasi mabasa ang suot ko. Pagkatapos ko'y agad na akong umalis sa bahay nila Ces at sabay punta sa sakayan ng taxi.

One Last Time (My Everything Series) (BoyxBoy)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt