Chapter 42

549 19 2
                                    

Quit


Ito na ho, may sarili ng PoV si Matteo Amirose. Hart hart!

___________________________________

Matteo

MATULIN ang pagpapatakbo ko ng aking kotse dahil nataranta ako sa sinabi ni Rhys. Nanganganib daw ang anak nila ni Ace.

Habang nagmamaneho ay okyupado parin ang aking isip ng mga tanong gaya ng paano kami magkakabalikan ni Ace kung may anak pala sila ni Rhys?

Totoo bang mahal parin niya ako?

O baka maari bang iwanan niya naman si Rhys sa sabay namin bubuhayin yung anak niya?

Tang!na lang!?

Bakit ngayon ko pa naiisip 'to? Kapakanan ng dalawa ang mahalaga, dagdag mo pa si Ace na nawawala. Ano ho bang nakaukit sa kapalaran ko? Isa na ba ito sa pagsubok o parusa ko?

Kumanan ng mabilis ang kotseng sinusundan namin kaya inapply ko kaagad ang signature maneuver para masundan sila.

Upang iwas disgrasya ay napagsuduan namin ni Rhys na ako ang magmamaneho at siya naman ang magtuturo ng direksyon kung saan ang tinatahak ng aming sinundan.

Nagkaroon ng makailang liko at sa tingin ko ay natunogan nila kami kaya may dumungaw na isa.

Püta! Pinaulan kami ng bala!

"Rhys what the FÜCK! They ain't stopping anytime soon now! What are we gonna do?!" Natataranta kong saad, mahal ko pa sarili ko. Papakasalan ko pa asawa mo pare, ikaw nalang magbuwis ng buhay!

"Akala ko ba bullet proof 'tong kotse mo?" Asik niya sa akin. Natahimik ako, ang tanga ko naman nakalimutan ko nga pala. Ang gagó ko ano? "Just jerkin'" palusot ko at ngunisian ko siya na akala mo nasa isang action movie lang.

Inismiran niya ako na ikinatawa ko ng mahina, talo ka pala eh!

Binilisan ko pa para makahabol sa kotseng iyon.

Just a little more and we can over take your car, you bastard! We're accelerating fast until that car was on our side, I tried bumping it so that they slow their wheels but what asshole he also did the same to us but a stonger one, the fück!

"Uy gagó ka ba? Nakalimutan mong andyan sa loob yung kambal, gusto mo ba silang mapahamak!" Nagulat nalang aking ng kinuwelyuhan ako ni Rhys habang nakatuon naman ang mata ko sa manubela. Nagpupuyos siya sa galit sumabit hindi ko na napigilan at binilisan ko ang takbo ng kotse ko. Nauunahan ko na sila, humanda kayo. "Yow, bro brace yourself!" I warned him.

Habang mabilis ang takbo naming pareho ay ihinarahang ko ang kotse ko sa harap nila. "You doofus! You're going to get us both killed!" Natatarantang usal ni gunggong. Humarurot ang kotse at ikinagulat ko ang impact ng pagbangga ng kotse nila sa amin ngunit tumilapon ito dahilan para mapasigaw ng mura si Rhys.

Nag-ala akrobatiks ang kotse na nagtatambling sa kalye. Hindi ko inaakalang ganitong ang mangyayari.

"HEREO! TEOACE! PUTANG!NA KA MATTEO!" Tanging naisigaw niya bago lumabas sa kotse ko, ako naman ay wala sa sarili hindi ako makapaniwala, baka sa pagkakataong ito ay hindi na ako mapatawad ni Ace kapag may nangyaring masama sa dalawa. 

Agarang niyang tinakbo ang nakabaliktad na kotse, binuksan niya ang pinto sa likurang bahagi para lang malaman na...

Wala na ang kambal.

"What you've done?!" Asig ni Rhys "Asaan na yung kambal! Sumagot ka puputulin ko ulo mo sa pamamagitan ng pintong ito!" Nagulat ako ng sumigaw siya, mukhang naisahan kami ng grupong ito ah? P-pero paano nangyari 'yon? Kanina pa namin sila sinusundan mula pa kanina, hindi nga nagawang maalis ang tingin naman sa kanila ah?

One Last Time (My Everything Series) (BoyxBoy)Where stories live. Discover now